Chapter 2

18 1 4
                                    

Party

Cei's POV

Natapos na ang classes at nandito kami ngayon pauwi na kaso hinihintay pa namin si Fred, may sasabihin daw siya eh.

"Nasan na ba yung kolokoy na yun? Ang tagal niya ah! Kanina pa tayo naghihintay dito" Reklamo ni Allison.

Maya-maya pa ay dumating na rin sina Fred at Chloe.

"Oh? Buti naman dumating ka pa! Kanina pa kami naghihintay sayo. Bat ba ang tagal nyo?" Inis na salubong sakanila ni Allison.

"Ano nga pala ang sasabihin mo Bro?" Tanong sakanya ni Nathan.

"Well sorry kung natagalan kami, may party mamaya sa bahay. Dumating kasi si ate kaya nagpaparty siya at invited kayo" Sabi ni Fred at ang kaninang inis na mukha ni Allison ay napalitan nang masayang mukha.

Palibhasa mahilig magparty.

"Hala?! Segi! Pupunta kami" Excited na sigaw ni Allison.

Kami ay tumango na lamang dahil close rin naman kami nang ate ni Fred.

Umalis na sina Fred at Chloe, hinatid na rin ni Nathan si Allison at kami nalang ni Gray ang naiwan.

"Cei sabay na ako sayo" Sabi ni Gray

"Bakit? Wala ka bang sasakyan?!" Inis na tanong ko sakanya.

May kasalanan pa ito kanina eh. Napagalitan ako ni prof dahil sa katarantaduhan nito.

"Wala, kaya tara na" Sabi niya at kinuha ang susi sa bulsa ko tsaka pumunta sa parking lot nang school

Bongga may pa parking lot

Sumakay na ako dahil siya na raw ang magdadrive. Iisang village lang rin naman kami kaya kahit lakarin niya na lang papunta sakanila mula sa bahay namin.

"Pupunta ka sa party?" Nabasag ang katahimikan nang magtanong siya

"Pakealam mo?"

"Eh kung ibangga ko kaya itong kotse mo" Pagbabanta niya

"Oo na, punyeta ka" Napipilitan kong sagot sakanya.

"Ba't ba ang suplada mo?" This time, may pagkainis na sa boses niya

"Sino ba namang hindi magsusuplada, eh may kasalanan ka kaya kanina sakin"

"Kasalanan ko bang pinagalitan ka ni Prof? Tsaka hindi ka pinagalitan nun! Tinanong ka lang pinagalitan agad?"

"Manahimik ka kung ayaw mong makatikim nang suntok" Pagbabanta ko kaya ayun, nanahimik na rin.

Dumating na kami sa bahay at pinasok niya na rin ang kotse sa garahe.

"Salamat sa pagpapasabay, kitakits na lang sa party mamaya" Pamamaalam niya

"As if namang gusto kitang makita" Bulong ko habang papasok sa bahay

"Ano yun Cei?" Nakakunot-noo niyang tanong

"Wala! Sabi ko madapa ka sana!" Sigaw ko sakanya at tuluyan nang pumasok sa bahay.

Naabutan ko doon si Manang Niña na nagluluto

"Maam magandang hapon po" Bati niya sakin

"Magandang hapon rin Manang Niña" Pabalik kong bati sakanya at umakyat na sa taas para iready ang mga gamit ko mamaya papunta sa party.

Because Of Those Lies (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon