SUICIDE
Cei's POV
Nandito ako ngayon sa bahay, kauuwi ko pa lang galing sa bahay nina Gray. Nandoon pa rin ang daddy niya sa hospital dahil naka comatose pa ito.
Ilang weeks rin siyang pabalik-balik sa hospital. Hindi na muna kami pumasok dahil sa kalagayan ni Gray, excuse rin naman kami. Hindi ibinurol si tita sa bahay nina Gray dahil hindi ito kakayanin ni Gray kaya sa bahay ito ng parents ni tita.
Flashback
"Gray ipagamot na muna natin yang kamay mo" Pag-aalalang sabi ko kay Gray. Ngunit hindi ito nagpatinag, tinawag ko ang nurse para dalhan kami nang first aid kit.
Dinalhan niya rin kami. Ginamot ko na ang kamay niya at maya-maya ay inilipat na sa private room ang daddy ni Gray. Hindi niya ito pinansin, nilapitan niya ang katawan ng Mommy niya.
"Mommy, bakit hindi ka lumaban? Akala ko ba gusto mo pa nang apo, akala ko ba gusto mo pa akong makitang ikasal. Bakit mo ako iniwan? Bakit? Hindi man lang ako nakapagpaalam sayo Mommy, hindi ko man lang narinig na sabihin mong Mahal mo ako bago ka nawala. Mommy *sobs* mahal na mahal kita." Sambit niya habang umiiyak. Tumutulo na rin ang ilang butil ng luha galing sa aking mga mata.
"Tita, I promise. Ako ang bahala kay Gray, hindi ko siya pababayaan. Tutuparin ko po ang pangako ko sayo dati na kapag nawala ka, ako ang magiging karamay ni Gray. Pangako tita" Nasabi ko nalang.
Ilang oras ding umiyak si Gray, kaya pinabayaan ko na muna siyang ilabas ang lahat ng sakit. Pagkatapos nun ay inalalayan ko siyang maglakad at pumunta kami sa private room ng Daddy niya.
Naabutan namin itong mahimbing na natutulog.
"Dad, lumaban ka ha? Wag mo rin akong iiwan. Mahal na mahal kita, kayo ni Mommy"
Matapos nang ilang sandali ay umuwi na muna kami ni Gray sa bahay niya, tinext ko na rin sina Mommy at Daddy na hindi na muna ako makakauwi.
Nakaidlip ako kahit sandali at nagising ako nang biglang may tumawag kaya kinapa ko ang phone ko sa ilalim ng unan. It's Alli.
"Cei! Pumunta ka rito sa hospital kung saan nandito ang daddy ni Gray! Magpapakamatay si Gray, Cei! We need you here!" Sabi ni Allison sa kabilang linya kay agad akong bumangon at kinuha na ang susi tsaka pinaharurot ang sasakyan.
Naabutan kong maraming tao ang nagsisigawan kasama ang apat. Napatingin ako sa taas kung saan sila tumitingin at nabitawan ko ang phone ko nang makitang si Gray ang tao roon.
"Cei bilisan mo!" Naiiyak na sabi ni Nathan kaya tumakbo na ako at umakyat sa taas.
Naabutan ko si Gray na umiiyak.
"What the fvck do you think you're doing Gray?!" Sigaw ko sakanya habang kapa ang dibdib ko dahil sa kaba.
"Hindi ko na kaya Cei! Pagod na ako, iniwan ako ni Mommy" Umiiyak niyang sabi.
"Sa tingin mo masaya si Tita na nakikita kang ganyan?! Hindi lang ikaw ang nagluluksa ngayon Gray! Alalahanin mong may Ama ka pang nandito sa hospital na ito at lumalaban para sayo!" Sigaw ko sakanya
"Nasa state of coma si Dad at anytime iiwan niya ako-"
"Iiwan ka niya kung walang magchecheer sakanyang lumaban! At ikaw dapat yun Gray! Kailangan ka niya sa tabi niya!" Sigaw ko sakanya
"Magpapakamatay ka?! Hindi mo man lang inisip ang mararamdaman namin Gray! Hindi mo man lang inisip ang mararamdaman ni Tita!" Sigaw ko sakanya habang lumalapit ako.
"Don't come near me Cei! Tatalon ako!" Sigaw niya sakin at akmang ihahakbang ang paa niya nang sumigaw ulit ako.
"Gray iiwan mo kami?! Iiwan mo kami nang baby mo?! Iiwan mo kami nang magiging baby natin?!" Sigaw ko sakanya at natigilan naman siya.
Nathan's POV
Hindi kami mapakali sa baba kaya umakyat na kami dito sa taas. Bubuksan na sana namin ang pinto papunta sa rooftop ng marinig namin ang sigaw ni Cei na halos ikinatigil naming apat.
"Gray iiwan mo kami?! Iiwan mo kami nang baby mo?! Iiwan mo kami ng magiging anak natin?!" Sigaw ni Cei
Fvck! Paano nagawang magbiro ni Cei nang ganito. Binuksan namin ang pinto ng walang ingay at hindi naman kami napansin ng dalawa, nakinig lamang, ayaw naming sirain ang pag-uusap nila ng personalan.
"W-what?" Natigilan rin si Gray at gulat itong nagtanong.
"I am pregnant Gray at magiging ama ka na! Hindi ba't nangako ka kay Tita na hindi ka tatalikod sa anong mang responsibilidad! At alam mong sasama ang loob ni Tita kapag tumakas ka sa responsibilidad Gray!" Sigaw niya dito.
Tahimik lang kami ngunit may bakas na gulat sa aming mga mukha.
"May nangyari sa atin nung gabing yun! At kanina ko nalaman na nagbunga ang nangyari sa atin! Now tell me! Tatalikuran mo ba siya Gray?! Magpapakamatay ka pa rin ba ngayong alam mong magiging ama ka na?!" Umiiyak na sigaw ni Cei. Biglang umalis si Gray sa pinapatungan nito t mabilis na tumakbo patungo kay Cei tsaka ito niyakap.
Nabunutan ng tinik ang lalamunan namin dahil ligtas na sa kamatayan si Gray. Thanks to Cei.
"Totoo kaya yun? O baka naman palabas lang ni Cei para makaalis si Gray sa pwesto nito?" Tanong ni Chloe ng pabulong.
"May posibilidad na mabuntis si Cei dahil diba? May nangyari sa kanila" Sabi ni Fred.
"Im sorry Cei, h-hindi ko na k-kase alam ang gagawin ko. Patawarin mo ako. Hindi ko kasi kayang tanggapin na wala na si Mommy" Umiiyak na sabi ni Gray habang pinapatahan si Cei.
"Hindi ko rin kayang tanggapin na mawawala ang ama ng anak ko" Umiiyak na sabi ni Cei.
"Shhh, tahan na, Cei. H-hindi na mauulit, pangako" Sabi ni Gray at hinarap sakanya si Cei.
"Pangako mo yan, Gray" Sabi ni Cei at hinalikan naman siya ni Gray bago tumango.
Lumapit kami sakanila at niyakap sila.
"Gray wag mo na talagang uulitin yun!" Sigaw sakanya ni Chloe
"Gago ka Gray! Tinakot mo kami!" Sigaw ni Allison at pinagsusuntok ito.
"Gago ka bro!" Sigaw naman sakanya ni Fred
Ako naman ay binatukan lang siya.
"Hindi namin kayang mawala ka bro, ngayon pa na magiging Daddy kana. " Sabi ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Because Of Those Lies (On Going)
Fiksi PenggemarHi everyone, even though ilang chapters palang to I hope na babasahin niyo, I've already made some chapters. Promise, hindi ako magpapaasa. Hope you'll like my story and enjoy reading
