TAKING CARE OF HIM
Cei's POV
Nasa condo ako ngayon ni Gray. Dito raw muna kami titira. Yes, kami. Dahil sa buntis raw ako at kailangan rin ako ni Gray. Ako lang daw ang makakapagpakalma sakanya. He promised na hindi raw siya magpapakamatay pero ngayon? Para siyang patay.
Hindi nagsasalita, tango at umiling lang ang kanyang sinasagot. Hindi siya kumakain hangga't hindi kami magkasabay.
Minsan dumadalaw rin dito ang apat. We are excuse til maging okay na si Gray.
Ngayon ay naghahanda ako ng breakfast namin. Hindi pa siya nagigising, siguro dahil na rin sa kakaiyak niya. Gabi-gabi siyang umiiyak. 1 week na rin ang nagdaan matapos nangyari yun and his Dad is still in Coma.
Wala nang ibang karamay si Gray dahil malayo rin ang mga pinsan niya, si Allison hindi naman siya makausap ng matino.
Nagprito na ako ng itlog tsaka hotdog at hinanda na ang pagkakainan namin sa mesa.
Nang matapos na ay pumasok na ako sa kwarto niya at ginising na.
"Gray, wake up." Paggigising ko sakanya pero mahimbing pa rin itong natutulog.
"Hey Gray! Wake up, luto na yung pagkain. Baka lumamig yun" Sabi ko at niyugyog ang katawan niya.
Ngunit nagulat ako nang hawakan ko siya ay mainit. Agad kong dinampi ang palad ko sa noo niya ngunit mainit ito.
"Gosh! Gray, may lagnat ka" Sabi ko, hindi ko napansin na nanginginig ito dahil nakakumot siya.
Agad kong pinatay ang aircon at kumuha ng maaligamgam na tubig tsaka bimpo. Matapos ko siyang sibinan ay pinalitan ko na ang t-shirt niya at kinumutan. Pinaikain ko na rin siya at pinainom ng gamot. Tatayo na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko na parang pinipigilan akong umalis. Aalisin ko na sana ang kamay niya nang magsalita siya.
"Dito ka lang muna please, tabihan mo ako" Sabi niya habang nakapikit kaya tinabihan ko na rin siya. Agad niyang akong niyakap ng mahigpit na tila ayaw niya akong mawala sakanya.
Niyakap ko na lang siya pabalik at ipinikit ang aking mga mata dahil pagod rin naman ako.
Chloe's POV
So andito kami ngayon sa school, kumakain ng walang ingay.
"Nakakamiss yung dalawa noh?" Pagbasag ni Fred sa katahimikan.
"Oo nga. Naninibago yata ako eh" Sabi naman ni Allison na wala pang bawas ang inorder.
"Tiwala lang guys, malalampasan rin nila iyon" Sabi ko nalang at kumagat na sa sandwich
"Walang maingay na Cei, at walang medyo tahimik na Gray" Sabi ni Nathan
"Bukas dadalawin natin sila" Sabi ni Fred kaya napangiti kami.
"Segi, dadala ako ng fruits" Sabi ko
"Fresh milk na sakin" Sabi naman ni Nathan
"Chocolates na sakin" Sabi naman ni Fred
"Ikaw Alli?" Tanong sakanya ni Nathan. Sasagot na sana siya ng magsalita ulit si Nathan
"Hindi yan magbibigay, kuripot yan eh. Panghihingi lang trabaho niyan" Pang-aasar ni Nathan
"Inaano ba kita tukmol?" Sabat sakanya ni Allison. At ayun, nagbangayan nanaman ang dalawa hanggang sa matapos akming kumain ni Fred ay nauna nalang kami dahil sa ingay nila.
Gray's POV
Nagising ako ng may makapa akong malambot na bagay kaya pinisil ko ito. Minulat ko ang aking mata at agad ko itong binitawan nang malaman kung ano ito. Gosh! Dibdib ni Cei ang hinahawakan ko.
Tiningnan ko naman ng maigi si Cei. Nakatulog siya siguro dahil sa pagod niya sa pag-aalaga sa akin. Bumangon ako para hawakan ko ang mukha nito.
"Salamat dahil palagi kang nandiyan para sa akin. Pangako, kapag tanggap ko na ang lahat ng nangyari babawi ako. Sa ngayon, sariwa pa ang sakit." Nasabi ko nalang at hinalikan ang labi nito. Hinimas ko naman ang tiyan nito.
"Baby, be strong. Huwag kang gagaya kay Daddy na weak ha? Babawi si Daddy sa inyo ni Mommy but not this time" Sabi ko at hinalikan ang tiyan nito.
Humiga ulit ako sa tabi niya dahil sumasakit nanaman ang ulo ko at niyakap siya nang mahigpit tsaka siniksik ang aking mukha sa kanyang leeg.
![](https://img.wattpad.com/cover/220245895-288-k630967.jpg)
BINABASA MO ANG
Because Of Those Lies (On Going)
FanficHi everyone, even though ilang chapters palang to I hope na babasahin niyo, I've already made some chapters. Promise, hindi ako magpapaasa. Hope you'll like my story and enjoy reading