SECRETLY LOVING HIM
Allison's POV
Hey everyone, I am Allison Reyes. Nagalit lang naman ako kay Cei dahil concern ako sakanya. Sa huli, masasaktan siya at ayaw kong mangyari yun pero ang tigas ng ulo niya.
Ngayon ay ginagamot ko ang pasa na natamo ni Nathan dahil sa suntok ni Gray sakanya. Ewan ko kung anong kagaguhan ang nangyayari sakanila.
"A-aray Allison, dahan-dahan naman" Sabi niya at tinampal ang kamay ko
"Kung hindi ka ba naman gago edi sana wala kang pasa ngayon" Sabi ko sakanya, hindi lang pala pasa kundi sugat rin sa bandang labi nito.
"Alam mo Alli, mukhang may gusto si Gray kay Cei" Sabi niya
"Paano mo naman nasabi yan?" Tanong ko
"Kanina nagtanong siya kung normal daw bang bumilis ang tibok ng puso niya kapag kasama niya si Cei, at kaya niya ako sinuntok dahil inasar ko siyang may kasamang ibang lalaki si Cei" Sabi ni Nathan.
"Nagselos yung ugok kaya ako sinuntok" Sabi niya naman kaya mas diniinan ko pa ang paglagay ng gamot dito.
"Aray naman Allison! Dahan-dahan sabi eh" Inis niyang sigaw sakin.
"Bobo ka kase! Alam mo naman palang may gusto si Gray kay Cei, pinagselos mo pa" Sabi ko sakanya
"Buti pa si Cei noh? Gusto ni Gray, eh ikaw kaya? Gusto mo ba ako?" Tanong sakin ni Nathan na nakapagpatigil sakin.
"A-anong s-sinasabi mo?" Kinakabahan kong tanong.
"Gusto mo rin ba ako?" Tanong ni Nathan at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Kibakabahan ako shit! Ang bilis ng tibok ng puso ko pero hindi ko dapat ipahalata.
"Kapag sinabi kong gusto kita, anong gagawin mo?" Tanong ko sakanya na parang may panghahamon pero kung alam mo lang Nathan! Parang lalabas na ang puso ko.
"Hahalikan lang naman kita" Sabi niya at nagulat ako ng halikan niya nga ako. Hindi ako nakagalaw sa ginawa niya.
"B-bakit mo g-ginawa yun?!" Sigaw ko sakanya nang makarecover na ako sa ginawa niya ngunit tinawanan lang ako ng ugok
"HAHAHA eh nagtanong ka kung anong gagawin ko edi sinagot ko naman" Sabi niyang patawa-tawa
"Eh bakit mo ako hinalikan?!" Sigaw ko dito kaya napatingin nanaman samin ang mga kaklase namin
"Sabi mo gusto mo ako eh" Sabi niya
"Walang akong sinabing gusto kita-" Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at sinakop ang mga labi ko.
"Hoy wag niyo dito gawin yan!"
"Sanaol hinahalikan"
"Pahalik ka sa crush mo"
Ilan sa mga bulong-bulongan na narinig ko. Tinulak ko naman si Nathan at sasampalin na sana siya ng hawakan ang wrist ko at hinatak ako palabas ng classroom.
Nagpumiglas ako ngunit mas malakas siya sakin. Nakasalubong ko naman si Gray at nanghingi ako ng tulong ngunit ang sabi niya lang ay
"Goodluck dude" Tsaka nginitian si Nathan.
Dinala ako ni Nathan sa rooftop ng building namin at doon ako binitawan.
"Ano ba Nathan?! Bakit mo ba ako dinala dito?!" Sigaw ko sakanya.
"Fvck Allison! Bakit kita dinala dito?! Para ipagtapat ang pag-ibig na matagal ko nang tinatago para sayo!" He shouted na nakapagpatigil sa akin at nagpabilis ng tibok ng puso ko
"A-ano?"
"Mahal kita Allison, matagal na! Mahal kita higit pa sa kaibigan. Bago tayo magcollege mahal na kita! Bago pa tayo napunta sa puntong ito, Mahal na kita! Hindi ko alam kung paano pero isang araw nagising na lang ako na gusto kitang makita, gusto kitang makasama. Damn Allison! Natakot akong sabihin kasi baka iwasan mo ako. Gusto ko pang makagraduate kasama ka Alli pero kung irereject mo ako ngayon, bumalik ka na lang sa room at kalimutan mo ang mga sinabi ko. Ang importante ay naipagtapat ko na lahat at nalaman mo mahal na mahal kita." Sabi niya at napaupo na lamang sa sahig. Napatulo na lang ang luha ko sa narinig ko.
"Ano pang ginagawa mo Alli? Umalis ka na, alam ko namang hindi mo ako gusto." Sabi niya at napasabunot sa buhok
"Sinong nagsabing hindi kita gusto?! Alam mo bang matagal ko na rin itong tinatago, Nathan? Natatakot lang rin akong magsabi dahil bukod sa wala akong pag-asa ay babae ako. Alam mong hindi ko ugaling umamin. Nathan mahal din kita! Higit pa sa pagkakaibigan, Nathan!" Sabi ko sakanya kaya agad siyang tumayo at tiningnan ako.
"M-mahal mo ako? Talaga?" Hindi niya makapaniwalang tanong at tumango naman ako.
Agad niya akong niyakap ng mahigpit. Yakap na puno ng pagmamahal.
"Mahal na mahal kita, Im secretly loving you, Nathan" Sabi ko at kumawala sa yakap niya
"This time hindi na yun secretly, Allison. Ngayong alam ko nang mahal mo rin ako, akin kana. Wala nang aagaw pa sayo. Nagtiis ako ng ilang taon kaya walang makakaagaw sayo sakin" Sabi niya na ikinangiti ko.
"Im all yours, Nathan" Sagot ko naman sakanya at bigla niya akong hinalikan. Tinugunan ko naman ito ng puno ng pagmamahal.
Im secretly loving him for how many years pero ngayon, hindi na secret at handa na akong ipagsigawan sa buong mundo na mahal na mahal ko ang lalaking ito.
BINABASA MO ANG
Because Of Those Lies (On Going)
FanficHi everyone, even though ilang chapters palang to I hope na babasahin niyo, I've already made some chapters. Promise, hindi ako magpapaasa. Hope you'll like my story and enjoy reading