Chapter 1

21 0 7
                                    

CHILDHOOD MEMORIES

Cei's Pov

"Uy Gray! Habulan tayo ikaw ang taya" Sigaw ko at tumakbo na nang mabilis

"Hintayin mo ako Cei!" Sigaw niya sakin ngunit hindi ako nagpatjnag dahil gusto niya lang akong mahuli.

Dahil sa bilis nang takbo ko at dahil sa tatanga-tanga ako ay hindi ko namalayan ang malaking bato na nakaharang sa daan kaya natapilok ako. Ramdam kong natigilan si Gray at lumapit siya sakin.

"Hala Cei! May sugat ka" Sabi niya sakin kaya naman binatukan ko siya

"Malamang magkakasugat yan eh nadapa ako. Tulungan mo nalang akong tumayo" Utos ko sakanya at tinulungan niya rin naman ako.

Dinala niya ako sa isang bench at pinahiram nang panyo ang dumudugo kong sugat sa tuhod.

Pagkatapos niyang pahiran iyon ay nagpahinga muna kami dahil napagkasunduan naming umuwi na dahil hindi na rin naman kami makapaglaro dahil may sugat ako.

Inalalayan niya ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa bahay.

"Oh Cei, Gray, anong nangyari?" Tanong ni Mommy samin pagdating sa bahay at pinapasok kami

"Tita si Cei po nadapa, naghabulan lang naman kami sa park eh" Pagpapahayag ni Gray kay Mommy

"Hay naku! Yan kasi Cei! Hindi ka nag-iingat" Sabi ni Mommy sakin at tinulungan niya naman si Gray na paupuin ako sa sofa.

"Tita uuwi na po ako, baka hinahanap na ako nina Mommy eh" Paalam ni Gray at tumango naman si Mommy

"Segi Iho mag-ingat ka, baka madapa ka rin tulad nitong si Cei" Sabi ni mama

"Hindi naman po ako tatanga-tanga tulad niya eh HAHAHA bye po tita" Sabi niyang tatawa-tawa at inasar pa ako. Tumawa rin si Mommy dahil sa katangahan ko

"Hay! Ansaya pala natin noon Gray no? Naalala mo nung nadapa ako" Kausap ko kay Gray habang nagdidiscuss si Prof. Wala kasi akong balak makinig

"Ah oo, nung tatanga-tanga ka at di mo alam na may batong nakaharang sa dinaraanan mo" Natatawa niyang sambit kaya sinamaan ko naman siya nang tingin

"Wow ah! Hiyang-hiya naman ako sayo noon noh? Parang hindi ka umiyak nang hagisan kita nang Uod eh" Sabi ko sa may sarkasmong tono kaya agad niya naman akong sinamaan rin nang tingin.

"Ano? Palibhasa takot sa uod HAHAHA" Pang-aasar ko sakanya

"Kala mo naman kung sinong hindi takot sa Earthworm" Sabi niya at napatigil naman ako sa tawa

"Aba't! Hoy Gray!- Aray!" Sisigawan ko na sana siya nang kinurot niya ako. Napatingin naman samin ang lahat pati na si Prof.

"Ms. Montereal, what happened?" Tanong ni prof sakin. Napatingin naman ako kay Gray na nagpipigil nang tawa.

"W-wala po sir, kinurot- este kinagat lang po ng langgam" Pagpapalusot ko

"Okay, you may take your sit now" Sabi ni sir at pinagpatuloy ang pagdidiscuss. Patawa-tawa rin si Gray kaya sinisipa-sipa ko ang kanyang upuan.

Matapos ang ilang oras ay natapos na rin ang mga morning classes namin kaya lunchbreak na.

Napagkasunduan namin na sabay-sabay nalang kaming pumunta sa cafeteria.

Kaya heto kami ngayon, naghahanap nang mesa at ayun! Nakahanap na kami tsaka umupo na.

"Kami nalang nga boys ang mag-oorder, baka kase mahirapan ang mga prinsesa namin." Nakangiting sabi ni Fred kaya na pa "Wow" naman kami mga girls

"Okay pa sana kung sina Cei at Chloe ang mga prinsesa pero si Allison? Mukhang katulong yan eh." Pang-aasar ni Nathan kay Allison.

"Juicemother mo Nathan!" Sabi ni Allison.

"Juicemother?" Nakakunot-noong tanong ni Gray

"Tangina mo Nathan!" Sigaw ni Allison

"Ahhh yun pala yun HAHAHA" Natatawang sabi ni Gray

"Oh guix, ano nang order nyo?" Tanong samin ni Fred

"Ahm kahit ano" Sabi ko nalang at kinuha na ang cellphone ko.

Hindi ko na narinig sila dahil nagheadset nalang ako at nagpamusic. Alangan namang nagheadset ako para magpaparty diba? Joke. K corny

Chloe's POV

Hey ebribadeee!! Im Chloe Michelle Chua at ako ang pinaka cute sa barkada. I am 17 years old and still single. Char~ baka batukan ako ni Fred maylabs. Hahaha

So, nag-order na ang tatlo at kaming tatlong girls ang naiwan sa mesa.

"Allison, wala ka bang gusto kay Nathan?" Tanong ko kay Allison habang inis na inis dahil inasar nanaman siya ni Nathan.

"Seriously? Ako? Anong klaseng tanong yan Chloe? Gusto mong mabugbog?" Sabi nito habang inis na inis pa rin

"Wala ka talagang gusto sakanya?" Tanong ko

"Malamang wala!" Inis niyang sambit kaya tumahimik nalang ako dahil baka masabunutan ako nang bruha.

Maya-maya pa ay dumating na sila dala-dala ang order namin at kumain na kami.

Nag-usap lang kami tungkol sa diniscuss ni Prof kanina at di nagtagal ay nagbangayan nanaman ang asong si Nathan at ang pusang si Allison.

Natawa nalang kami ni Fred habang kumakain while sina Gray at Cei ay busy sa pagcecellphone.

Natapos na kaming kumain at bumalik na sa room para magclass ulit, subject nalang naman at uwian na rin.

Because Of Those Lies (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon