Chapter 3

9 0 1
                                        

UNDERWEAR

Gray's POV

Nagising ako dahil nakaramdam ako nang sakit sa ulo. Agad kong iminulat ang aking mga mata at natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng condo ko. Hinilot ko ang aking sintido para alalahanin kung ano ang nangyari.

Agad na pumasok sa isip ko kung ano ang ginawa ko kagabi. Shit! Si Cei.

Tumayo ako at hinanap siya sa buong condo ko ngunit hindi ko siya makita. Napansin kong nakaunderwear lang ako.

Posibleng may nangyari sa amin ni Cei. Agad akong nagbihis at umuwi sa bahay.

Nadatnan ko sina Mommy at Daddy doon na kumakain ng breakfast kaya binati ko sila.

"Good morning Mom, Good morning Dad" Bati ko sakanila at isa-isang hinalikan sa pisngi.

"Good morning too,Son. Kumain kana" Aya sa akin ni Mom kaya umupo na ako sa mesa.

"Saan ka pala nanggaling kagabi anak? Bakit hindi ka umuwi?" Tanong sa akin ni Dad.

"A-ahmm... Ehem! Galing ako sa party Dad, dumating kasi ang ate ni Fred kaya nagpaparty sila" Pagpapaliwanag ko

"Saan ka naman natulog?" Tanong ni Mom sa akin.

"Sa Condo po Mom, hindi ko na kasi kayang magdrive ng medyo malayo kaya dun na muna ako sa condo ko dahil malapit lang naman yun at medyo nakainom ako" Sabi ko sakanila

"Next time anak, kapag nakainom ka wag kang mag d-drive. Baka madisgrasya ka" Sabi ni Mom na may pag-aalala

"Opo Mommy, pangako" Sabi ko sakanya at ngumiti.

"Btw, nakita ko kaninang umaga si Cei. Kauuwi niya lang siguro" Sabi ni Mom at napatigil naman ako sa pagkain tsaka napalunok.

"Akala ko ba magkasama kayo kagabi, diba sinundo mo siya?" Tanong ni Dad sa akin. Fvck!

"A-ahm, doon kasi siya natulog kina Fred kasama sina Allison at Chloe" Pagpapalusot ko

"Segi, bilisan mo na riyan dahil baka malate ka pa sa class mo. Tutal maaga pa naman" Sabi ni Mom kaya tumango nalang ako at natapos na maya-maya.

Naligo na ako at nag-ayos. 7:30 ako natapos at 8:30 pa ang class kaya may 1 hour pa.

Palabas na ako nang Gate nang makita kong palabas na rin ang kotse ni Cei. May sari-sarili kaming kotse, nakisabay lang ako sakanya kahapon.

Pinauna ko siyang umalis at sumunod naman ako.

Hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala. Well, Im Gray Ashton Perez. 18 years old, month lang ang tanda ko kay Cei.

Ngayon ay nakarating na ako sa school at naipark na ang kotse ko. Pinauna ko na rin si Cei sa room. Kaya naabutan ko siyang natutulog sa mesa. Sana patawarin niya ako sa nagawa ko.

Tumabi ako sakanya at pinanuod nalang siyang natutulog, alam kong pagod siya kagabi kaya hindi ko na siya ginising.

6 minutes bago dumating si Prof ay nagising naman siya. Nang magising siya agad akong nag-iwas ng tingin at itinuon ang atensyon sa libro hanggang sa dumating na si Prof at nagdiscuss.

Cei's POV

Nagising ako nang maramdamang may nakatingin sakin at hindi ako nagkakamali. Tinititigan ako ni Gray. Minulat ko ang aking mata at agad naman siyang nag-iwas nang tingin.

Gosh! Nahihiya ako sa nangyari kagabi. In the first place ako yung nang-akit. Ito yung kahinaan ko kapag nakainom ako eh. Itinuon niya ang kanyang atensyon sa libro habang ako ay doon nalang tumingin sa kabilang bahagi para hindi niya makita ang pamumula nang aking mukha. Maya-maya pa ay dumating na si Prof at nagdiscuss.

After nang ilang oras ay lunchbreak na kaya napagdesisyunan naming sabay nanamang kumain sa cafeteria. Napatingin sa amin ang apat dahil siguro nahalata nila ang awkward thingy between me and Gray.

Nang makaupo kami ay tahimik pa rin kami nang magsalita si Nathan.

"Guix dating gawi, kami nanaman nang mga boys ang oorder"Sabi ni Nathan kaya tumango naman kami. Tumayo na sila at alam na rin naman nila ang oorderin.

"Cassy Elisha Ivory Montereal A.K.A Cei, anong nangyari pagkatapos niyong umalis sa party?" Tanong sa akin ni Allison na may panlilisik na mga mata.

No choice ako dahil hindi nila ako tatantanan hanggat hindi ako nagkekwento kaya kinwento ko lahat ng nangyari sa amin ni Gray kagabi.

Ang mga gaga ay tili ng tili. Tumigil lang sila nang dumating ang mga boys at nagtatawanan na kanina ay ang seryoso ng mga mukha. Alam kong kinwento ni Gray ang nangyari.

Kumain kaming dalawani Gray nang walang imik habang ang apat ay nagpaparinig sa amin. Kung bakit ba kase nangyari yun. Hayst.

Natapos kaming kumain na puro pang-aasar at pagpaparinig lang ang naririnig namin ni Gray sa apat ngunit nanatili kaming tahimik. Ni isa samin ay walang nagsalita.

Bumalik na kami sa room at nagdiscuss na ulit si Prof, syempre. Balik nanaman kanina na full of awkwardness.

Natapos ang class nang wala kaming imikan hanggang sa uwian na ay wala pa rin. For the first time in my life, hindi kami nagpansinan ni Gray nang isang araw.

Umuwi ako na ako at dumiretso na sa kwarto para magbihis, dumiretso na rin sa kama at natulog na at hindi ko na nagawang kumain pa dahil sa pagod.

Because Of Those Lies (On Going)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon