Chapter 16

15 1 1
                                    

THE PLAN

Gray's POV

Nag-iinom kami ngayon. Damn! Hindi ko pa rin maisip kung anong gagawin ko kag Cei, kung patatawarin ko ba ito o mananatiling galit?

Ginawa niya yun para mailigtas ako pero sa dinami-rami ng paraan bakit yun pa? Pinagmalaki ko siya kay Mommy na magkaka-apo na si Mommy yun pala hindi totoo.

Nagulat kami ng biglang pumasok si Fred, lumabas kasi siya dahil tumawag si Chloe sakanya.

"Dude isang tanong, isang sagot. Mahal mo ba si Cei?" Bigla niyang tanong kaya nabigla lang rin naman ako.

"Anong nangyayari sayo?-"

"Sagutin mo nalang, oo at hindi lang. Mahal mo ba si Cei?" Tanong niya sa akin.

"Oo, mahal na mahal ko. Sobra-"

"Kailangan mo siyang patawarin, sa ayaw at sa gusto mo!" Nagulat ako dahil sinigawan na ako ni Fred.

"Hindi kita maintindihan! Bakit ba?" Sigaw ko rin sakanya.

"Magtatransfer si Cei ng school dahil gusto niyang lumayo sayo" Sabi sa akin ni Fred kaya halos mabitawan ko ang basong hawak ko.

"Ano?! Paano?!" Tanong ko sakanya.

"Tumawag sa akin si Chloe at yun ang plano ni Cei, sa Palawan sila magtatransfer. Magkasama silang tatlo, kaya hanggat maaga pa. Gumawa na tayo ng paraan, huwag mong hintaying iwan ka ng taong mahal mo" Sabi ni Fred na siyang nakapagpahina sakin

Fvck! Galit ako kay Cei pero mas magagalit ako sakanya kapag iniwan niya ako.

"Paano?" Tanong naman ni Nathan na ngayon lang nakabawi.

"Hindi ko kakayaning mahiwalay kay Allison" Natatarantang sabi niya.

"Kaya nga tayo gagawa ng paraan na hindi umalis si Cei, alam mo naman ang mga girlfriend natin. Mas pipiliin si Cei dahil mas kailangan niya sila ngayon." Sabi ni Fred.

"Mas ayokong mawala sa akin si Cei. Tototohanin ko pa ang pagbubuntis niya" Sabi ko na nakapagpagulat sakanila

"Hindi ngayon ang panahon para magbiro-"

"Damn Nathan! Sa tingin mo nagbibiro ako?! Nangako ako kay Mommy na bibigyan ko siya ng apo at ang ina ay si Cei. Kaya ano man ang mangyari, bahala na si batman" Sabi ko

"Segi, tatawagan ko na si Chloe at makikibalita" Sabi naman ni Fred at tinawagan na si Chloe.

Allison's POV

Pansamantalang nag-iimpake ngayon si Cei, gusto niya na raw magmadaling umalis. Kaya pina-impake rin namin ang mga gamit namin sa bahay.

"Nasabihan ko na rin si Papa at pumayag na siya" Sabi ni Chloe tsaka tumingin sa akin. Makahulugang tingin

Sana talaga patawarin ni Gray si Cei para mapadali ang plano. Kanina pa lang habang papasok kami sa bahay ni Cei ay nagpaplano na kami ni Chloe ng hindi nalalaman ni Cei.

"Paano kapag patawarin ka ni Gray, Cei? Aalis ka pa rin ba?" I asked

"Patawarin man o hindi aalis pa rin ako, malaki ang kasalanan ko sakanya at nakakahiya dahil pinagtapat ko pa ang tinatago kong pag-ibig sakanya. Lintik na pagmamahal to" Sabi niya habang nag-iimpake.

"Pero Cei, pag-usapan niyo muna" Sabi ni Chloe

"As if namang gusto ako nun makausap at bukod dun, wala na akong mukhang maihaharap kay Gray kaya mabuti pang nagpakalayo-layo muna ako" Sagot niya kaya tumingin ulit sa akin si Chloe

Bigla na lang may tumawag kay Chloe.

"Sasagutin ko muna ito ha? Si Papa kase tumatawag eh" Sabi ni Chloe kaya tinanguan namin siya.

"Cei alam kong bibigyan ka niya ng chance" Sabi ko ngunit umiling ito

"Hindi na dapat pa bigyan ng isang second chance ang isang tulad ko" Sabi niya

"Si Gray ay kaya kang patawarin ngunit ikaw lang ang hindi makapagpatawad sa sarili mo" Sabi ko sakanya ngunit hindi ito sumagot.

Gusto kong sabihin na mahal siya ni Gray para hindi siya umalis pero mas gusto kong sa bibig mismo ng kaibigan ko lumabas ang mga katagang iyon.

Chloe's POV

"Ano? Nakausap mo na si Cei?" Tanong sa amin ni Fred

"Baby may masamang balita."

"Ano yun?"

"Patawarin man o hindi ni Gray si Cei, aalis pa rin si Cei. Eh si Gray?"

"Mahal niya raw si Cei at patatawarin niya ito"

"Ano na ang plano?"

"Pumunta kayo ngayon sa Condo ni Gray ngunit wag kayong magpapahalata"

"Segi sasabihan ko si Allison"

Pinatay ko na ang tawag. Mag I-I love you pa sana ang kolokoy HAHAHA~

Nakita kong lumabas si Allison sa kwarto ni Cei kaya pinuntahan ko ito.

"Alli, patatawarin raw ni Gray si Cei kaya hindi tayo mahihirapan" Sabi ko kaya napangiti ito

"Ano na ang plano?" Tanong niya

"Punta raw tayo ngayon sa condo ni Gray, nandun daw sila at doon tayo magpaplano" Sabi ko

"Segi magpaalam muna tayo kay Cei na kunwari mag-aayos pa tayo ng ibang gamit at babalikan natin siya bukas" Sabi ni Allison kaya tumango naman ako.

Pinuntahan na namin si Cei sa kwarto niya at nagpaalam na. Nung una nagtaka siya ngunit sa huli ay nakumbinsi rin namin siya. Pumunta na kami sa condo ni Gray ay nagplano na.

Lord. Help us, sana mag success ang plano namin.

Because Of Those Lies (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon