Chapter 15

13 0 0
                                    

TRANSFER?

Gray's POV

Paano nagawa ni Cei iyon? Paano niya ako nagawang lokohin?

Ngayon ay tumatakbo ako papunta sa parking lot. Gusto ko munang umuwi, hindi ko ito kakayanin. Sarili kong bestfriend, pinaikot ako.

"Gray sandali!" Rinig kong sigaw ni Nathan. Nilingon ko naman sila kaya mas bumilis ang takbo nila hanggang sa nakarating an sa akin.

"Kasabwat rin kayo sa kasinungalingan na yun diba?!" Sigaw ko sakanila

"Kung gusto mong malinawan, tara sa condo mo. Doon tayo mag-uusap" Sabi no Fred at wala pahintulot na sumakay sa sasakyan ko kaya naman sumakay na rin ako.

Buong byahe ay tahimik lang kami hanggang sa makarating na sa condo ko.

Fred's POV

Salamat naman author dahil binigyan niyo rin ako ng POV. Kala ko wala akong silbi sa story na to eh. Hahah joke.

Nakarating na kami sa Condo ni Gray. Pinaupo namin siya sa mesa at inihanda ang mga inumin. Alam naming may mga wine at beer dito si Gray kaya kinuha ni Nathan ay ang beer.

"Hindi sinasadya ni Cei na lokohin ka dude. Niligtas niya ang buhay mo" Pag-uumpisa ni Nathan ngunit tinungga lang ni Gray ang beer na nasa baso niya na

"Makinig ka muna pare. Alam mo bang handang isakripisyo ni Cei ang pag-aaral niya para lang sayo? 3 araw pagkatapos mong balaking magpakamatay ay pumunta siya sa school. Kinausap niya si Prof at si Principal. Nagmukha siyang malandi sa mata ng ibang estudyante para lang panindigan niya ang sinabi niya sayo at para maligtas ka. Hanggang sa sinabi na ni Cei ang totoo na magpapakamatay ka kaya niya siya nagsinungaling. Akala ng ibang estudyante ay nagpapanggap lang si Cei na hindi siya buntis kahit ang totoo ay hindi naman. 2 days before kayo bumalik. Pumunta siya sa school. Pinagtulakan siya ng mga ibang estudyante dahil daw nilandi ka niya. Gustong-gusto niya nang aminin ang lahat kaso baka ipagkalat at malaman mo. Gusto niyang siya mismi ang magsabi." Mahabang paliwanag ko kay Gray na siyang ikinagulat nito.

"Nagsang-ayon si Principal sa plano niya dahil na daw maisalba ka sa depression. Kaya may 3 months siyang gawin iyon dahil kapag 4 months na, ang buntis ay unti-unti nang lumalaki ang tiyan ngunit dahil hindi siya buntis ay 3 buwan lang." Sabi naman ni Nathan.

"Mahal ka niya dude kaya niya nagawa yun. Ayaw niyang mawala ka sakanya, sa amin. Nagsinungaling lang siya bro, pero ang pagsisinungaling niyang yun ang makakapagligtas sayo" Sabi ko sakanya. Napayuko nalang siya habang hawak ang baso.

"Kung ikaw, nagluluksa. Siya naman ay nagluluksa at the same time, namomroblema" Sabi ni Nathan.

"Pero tangina! Hindi pa rin magbabago ang ginawa niya! Nagsinungaling pa rin siya" Sigaw ni Gray sa amin.

"Yes! Nagsinungaling siya pero para sa kaligtasan mo iyon! Intindihin mo naman siya Gray! Sa mga oras na kailangan mo siya, inintindi ka niya! Ngayon mo ibalik ang favor na ginawa niya sayo" Sabi ni Nathan

"Hindi ko alam ang gagawin ko. Mahal ko siya pero masakit yung ginawa niya." Sabi ni Gray

"Hahayaan ka namin dude, pero huwag mo lang saktan si Cei. Huwag mo siyang sigawan. Kung galit ka sakanya, umiwas ka nalang. Alam mong kahit gaano pa katapang iyon, kapag tayo ang nagalit, nagiging mahina siya" Sabi ko nalang at ininom na ang beer.

"Patawarin mo siya dude. Kung ikaw ang nasa sitwasyon niya, yun din ang gagawin mo" Sabi nalang ni Nathan kaya nakaisip ako ng kakatawanan para mapatawa ang bigo kong kaibigan.

"Sasabihin niya rin na buntis siya?" Tanong ko kay Nathan na ikinatawa naman ni Gray at ikinasama ng tingin sa akin ni Nathan.

"Ulol! Nag magsinunging" Sabi niya kaya napatawa ng lang kami.

Chloe's POV

Sinamahan namin si Cei pauwi sa bahay nila, wala ang parents niya dahil pumunta ito sa ibang bansa para sa kompanya nila.

Umuwi siyang hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. Ngayon ay nasa kwarto niya na kami at nag-uusap na.

"Magpapakalayo na muna ako" Sabi niya na ikinagulat namin.

"Saan ka naman pupunta? Iiwan mo kami?" Allison asked

"Sa dati naming bahay, sa Palawan. Dun ako magtatapos, alam kong hindi ako mapapatawad ni Gray at alam niyo rin iyon kaya ako na ang lalayo" Sabi ni Cei habang humihikbi, nagkatinginan kami ni Allison.

"Pero Cei baka mapatawad ka niya, kaibigan ka niya kaya patatawarin ka niya" Sabi ko naman na ikinatawa niya ng mapakla.

"Alam natin na ayaw ni Gray na naglilihim sakanya lalo na't ako pa mismo ang naglihim at nagsinungaling" Sabi ni Cei.

Nagkatinginan ulit kami ni Allison at tumango.

"Kung saan ka doon din kami, hindi ka namin iiwan" Sabi ni Allison kaya napatingin sa amin si Cei

"Paano sina Fred at Nathan?" Tanong niya kaya ngumiti kami.

"Sila na rin ang bahala kay Gray, maiintindihan ka rin nila lalo na si Gray, maiintindihan ka rin niya. Tiwala lang" Sabi ko tsaka niyakap siya.

"Sigurado kayo?" Tanong sa amin ni Cei at tumango naman kami.

"Hindi ka namin iiwan, may boyfriend man kami, mas mahalaga ka parin sa amin" Sabi ni Allison

"Oh segi na, tatawagan ko si Papa at magpapaalam. Para maihanda niya rin ang mga papers natin sa pagtatransfer" Sabi ko tsaka lumabas na ng bahay.

"Hello, Baby"

"Baby, magtatransfer daw si Cei sa palawan at sasamahan namin siya ni Allison"

"Ano?! Bakit?!" Si Fred

"Siya na raw ang lakayo kay Gray, kailangan nating gumawa ng paraan"

"Segi, alam ko namang mapapatawad ni Gray si Cei, ako na ang kakausap. Pigilan mo si Cei"

"Susubukan namin perk tatawagan namin kayo kapag hindi siya pumayag"

"Segi, baby I love you"

"I love you too, segi na kausapin mo siya" Sabi ko naman at pinatay na ang tawag.

Hindi kami makakapayag na hindi sila magka ayos. Ngayon pa ba na mahal nila ang isa't isa.

Bumalik na ako sakanila ni Cei at nginisihan si Allison.


Because Of Those Lies (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon