Chapter 12

7 0 1
                                    

RECOVERY

Cei's POV

Nag-uumpisa na ang class ngunit wala pa rin ang dalawa. Sinabi sa akin ng mga kaklase ko na lumabas daw sina Allison at Nathan. Paggising ko dahil nakaidlip ako nasilayan ko naman ang mukha ni Gray.

Sabi niya nakasalubong niya raw sina Allison at Nathan kanina, siguro magtatapat na si Nathan kaya imbis daw na sundan ko sila ay bigyan ko na raw muna sila ng privacy.

Maya-maya pa ay dumating na sila ng may ngiti sa labi at magkahawak kamay. Alam ko naman gusto rin ni Allison si Nathan, hindi niya lang pinapakita.

Sana lahat gusto HAHA. Bumaling sa akin ang tingin ni Allison at ngumiti ito. Alam kong hindi na ito galit kaya ginantihan ko rin ito ng ngiti.

Magkatabi sila ngayon ni Nathan. While Chloe and Fred, lq ata sila haha.

Nakinig nalang ako sa prof

Gray's POV

Nginitian ako ni Nathan bago siya umupo sa kaniyang upuan. Alam kong success ang confession niya kaya siya ngingiti-ngiti ngayon.

Napatingin nalang ako kay Cei. Kung ako kaya umamin sakanya, tatanggapin niya kaya ako? Alam ko nang mahal ko si Cei. Hindi malabong mahalin siya dahil siya ang kasa-kasama ko sa ilang taon.

Bigla nalang nag-ring ang phone ko kaya nag-excuse na ako kay prof at nagpaalam na sasagutin ito.

"Hello, sino ito?" Unknown number kasi

"Is this the son of Mr. Dark Ashril Perez?"

"Opo, ako nga po"

"Sir, I would like to inform you that your father is already awake. Hinahanap ka po niya sir kaya you better come here"

"Segi pupunta na ako diyan" Sabi ko at pinatay na ang tawag tsaka pumasok sa room.

"Prof, pwede po ba kaming umalis ni Cassy Elisha? Gising na po kasi si Daddy" Sabi ko kay Prof

"Segi. Congrats dahil gising na ang Ama mo" Sabi naman ni Prof at nginitian ko naman siya

"Thank you prof" Sabi ko at lumapit na kay Cei. Bakas rin ang gulat sa mukha niya ngunit nginitian niya lang ako.

"Halika na, gising na si Daddy" Sabi ko at hinatak na siya. Agad niya namang dinampot ang shoulder bag niya at lumabas na kami ng room.

Cei's POV

Nandito na kami ngayon sa kotse at papunta na sa Hospital. Bakas sa mukha ni Gray ang excitement dahil na rin sa makikita niya nang gising ang Daddy niya. At masaya rin ako dahil magigising na ang daddy nito.

Nakarating na kami sa hospital at dali-daling pumasok sa kwarto ng Daddy niya. Naabutan namin itong kumakain ng prutas dahil pinapakain ito ng personal nurse niya.

"Dad!" Tawag niya sa Daddy niya at napalingon naman ito kay Gray.

"Anak!" Agad namang yumakap si Gray sa ama niya, bumaling sa akin ang tingin ng Dad niya kaya nginitian ko ito.

"Thank God gising kana Daddy" Hindi mapigilang umiyak ni Gray "Akala ko mawawala ka rin sakin." He said at pinunasan ang mga luhang tumulo galing sa mga mata nito.

"D-Dad, si M-Mom w-wala na" Sabi niya rito. akala ko ay magwiwild ang Daddy niya ngunit ngumiti lang ito.

"Alam ko Anak, habang tulog ako, binisita ako ng kaluluwa ng Mommy mo. Alam mo sabi niya?" Napatingin naman sakanya si Gray. Pinunasan ni Tito Dark ang pisngi nito.

"Sabi niya, lalaban raw ako para sayo. Gigising daw ako dahil naghihintay ang gwapo naming anak sa paggising ko. Mas lalo akong naganahang magising dahil alam kong unti-unti ay natatanggap mo na. Hindi ko naman sinasabing tanggap ko na pero ang sabi sa akin ng Mommy mo, dapat raw maging masaya tayo, dahil hindi na natin siya makikitang nahihirapan sa sakit niya. " Mahabang sabi ni Tito Dark kay Gray at niyakap ito ulit. May sakit kasi si tita. Cancer at stage 3 ito. Kaya umalis sila nung time na naaksidente sila dahil magpapacheck up pa sila sa Mommy niya.

"Kaya anak, Magpapkatatag tayo ha?. Mahal na mahal tayo ng Mommy mo." May tumulong ilang  butil ng luha sa pisnge ni Tito Dark.

"Opo Dad, magpagaling ka ha?" Sabi niya at hinalikan ito sa noo.

Its already 7:00 PM at napagkasunduan namin ni Gray na umuwi na sa condo. Ilang oras din silang nagkwentuhan ng Daddy niya. Pinainom muna namin ng gamot si Tito Dark at umalis na.

Umuwi kami sa condo na may ngiti sa labi. Ang saya ko dahil nagising na si Tito Dark.

Excuse na rin kami sa class na iniwan namin kanina. Hindi na namin nabalik.

Sanaol binabalikan

Masaya kaming kumain at natulog na kami dahil siguro sa pagod na naramdaman namin. Basta ang alam ko, masaya kaming natulog. Tulog lang HAHAHAH.

Because Of Those Lies (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon