Chapter 17

10 0 0
                                        

AIRPORT

Cei's  POV

Ayokong umalis pero kailangan. Ayokong iwan siya pero yun yung tamang paraan para mabawasan ang kasalanan ko.

"Cei, ready kana ba? Aalis na tayo" Ani Allison. Tapos na rin akong magbalot ng mga gamit.

"Tara na" Nakangiti kong sambit sakanya kaya tumango siya at nginitian rin ako.

Lumabas na kami ng Gate dahil dun nakaparada ang sasakyang gagamitin namin papunta sa Airport.

"Nasabi niyo na ba kina Nathan at Fred na aalis kayo?" I ask.

"Oo, okay lang daw sakanila. Naiintindihan naman nila" Nakangiting sabi ni Chloe, tumango nalang ako.

Maya-maya pa ay dumating na kami sa airport. Medyo konti lang ang mga tao, ewan ko kung bakit eh mostly maraming pasahero pag ganitong araw eh.

Habang naglalakad kami papasok sa airport ay may lumapit sa aking isang babaeng hindi ko kilala. May dala-dala siyang pulang rosas.

"Ate, pinabibigay po" Sabi niya at inabot sa akin ang rosas na iyon. Nagtaka naman ako, tiningnan ko sina Allison at Chloe na nakangiti lang.

"Eh? Baka nagkakamali lang po kayo" Sabi ko sa babae.

"Hindi po" Nakangiti niyang sabi kaya kinuha ko nalang ang rosas. Akmang tatanungin ko sana siya pero umalis agad siya. Luh? Bastos? Char

Pinagpatuloy namin ang paglalakad ng may lumapit nanamang isang babae, dala-dala ang 2 pulang rosas.

"Ate, pinabibigay po" Sabi ng babae. Nagtataka man ay kinuha ko ito.

"Sino po ang nagpapabigay?" Tanong ko sakanya pero umalis rin agad. Bastos niyo naman char

Hanggang sa naglalakad ulit kami at sunod-sunod na ang nagbibigay ng rosas. Tatlo, apat, lima, anim, pito, walo at siyam.

Tinatanong ko sila ngunit kagaya ng dalawa ay umalis rin agad. Nilingon ko sina Allison At Chloe pero nagulat ako ng wala sila sa likod ko. Akala ko nakasunod sila pero wala.

Nilibot ko ang paningin ko. Agad ko silang nakita sa malawak na space ng airport. Nagtataka ko silang tiningnan at lumapit sakanila.

Kasama nila sina Nathan at Fred.

"Paanong-"

Naputol ang sasabihin ko ng biglang silang humakbang sa kanan at kaliwa nila. Napahinto ako ng makita kung sino ang nasa likod nila.

"Gray" Tanging lumabas sa bibig ko.

Unti-unti siyang lumapit sa akin. Hindi ako makagalaw, sasaktan niya ba ako? Sisigawan? Bakit may dala siyang mga rosas? Gulong-gulo na ako.

Hindi ko namalayang nakalapit na siya sakin. Tiningnan niya ako sa mata ngunit agad akong umiwas ng tingin.

"Im sorry" Mahinang sabi ko ngunit sakto lang para marinig niya. Naghintay ako ng respond pero wala, ilang minutong hintay ko ngunit wala.

Tatalikod na sana ako ng higitin niya ang braso ko at hinila ako palapit sakanya tsaka niyakap.

"G-Gray" Sambit ko sa pangalan niya ngunit mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sakin.

"G-Gray, Im sorry" Sabi ko sakanya at niyakap rin siya. Ramdam kong hinalikan niya ang gilid ng ulo ko tsaka siya bumitaw sa yakap.

"Do you think, leaving is the solution to your problem?" Seryoso niyang sabi sakin. Agad akong napayuko

"Pero yun yung tamang paraan.......Para mabawasan ang kasalanan ko" Naging mahina ang boses ko sa huli kong sinabi.

"Mas lalo mo lang dadagdagan ang kasalanan mo kung aalis ka. Alam mo bang kahit galit ako sayo, kahit galit ako sa ginawa mo ay hindi ko kayang mawala ka?" Sabi niya.

"Face me" Utos niya sakin. Bumuntong-hininga ako bago siya hinarap. Tiningnan niya ako sa mata. Bakas sa mata niya ang sari-saring emosyon, Galit, lungkot, pag-aalala.

"Nagsinungaling ka" Sabi niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa mata ko.

"Isa kang sinungaling Cei" Dagdag niyang nakapagpabigat ng damdamin ko.

"Isa kang napakalaking sinungaling-"

"Oo na, ako na ang sinungaling. Segi, tatanggapin kong galit ka sakin, nakinamumuhian mo ako, na ayaw mo na sa akin, na hind mo ako mahal- Hmmmmp!"

Agad naputol ang sasabihin ko ng bigla niyang ako hinalikan. Halik na nakapagpahina sa akin, halik na nakapagpatulo ng luhang kanina pa gustong bumagsak.

Tinutulak ko siya ngunit mas diniinan niya ang paghalik sa akin. Masyado siyang malakas, hawak niya ang likod ko at batok ko.

Ilang minuto pa ay bumitaw na siya. Habang ako hinihingal dahil sa pagtutulak sakanya. Ako na ang makapal ang mukha dahil sa laki ng kasalanan ko ay nagawa ko pa siyang itulak.

"Kahit sinungaling ka mahal kita Cei! At hinding-hindi ko hahayaang mawala ka sakin" Sabi niya at bigla akong niyakap. Napahagulgol ako.

"Im really sorry Gray. Ginawa ko yung kase mahal kita. Mahal ka namin" Umiiyak kong sabi.

"I know. And Im sorry too dahil sa ginawa ko noon." Sabi niya at mas hinigpitan ang pagkakayakap sakin.

Doon ko narealize na andaming nanunuod sa amin. Sina Fred, Chloe, Allison at Nathan ay nakangiting nakatingin sa amin.

"Let's forget it and let's start over again Cei, I love you" Sabi niya. Napangiti ako.

"Did you already forgive me?" I asked.

"I should forgive you because you saved my life and I will forgive you because I love you. Besides, pwede naman nating totohaning buntis ka" He said kaya napatawa nalang kami dalawa.

"I love you more, Gray" I said.

"I love you most, baby" Sabi niya kaya napangiti ako.

Im still holding the roses he gave to me at yung nga taong nagbigay kanina. Nakita ko rin silang nakangiti.

God, Thank you dahil sobrang bait mo sakin. Saan pa ako makakahanap ng isang pang Gray? Wala na. Nandito na siya sa tabi ko. Nag-iisang Gray ko.

THE END

A/N

Charoooot.... Hindi pa the end gais HAHAHAH nag-eenjoy pa ako gumawa eh ket walang nagbabasa? Charoot labyow readers, sana nagustuhan niyo kahit magulo HAHAHAHA muwaaaah keep safe and I Love You

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Aug 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Because Of Those Lies (On Going)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon