Chapter 8

9 0 7
                                    

DATE

Cei's POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Pagkatapos naming mag-usap at mag-emote kagabi ay nagluto na ako ng hapunan tsaka kumain na kami at nanuod ng movie tsaka natulog.

Kinapa ko ang katabi ko at napabalikwas ako ng makapa kong wala siya. May nakita akong sticky note sa side table.

Cei, nasa baba lang ako. Maligo ka na at magbihis ka ng off shoulder ot t-shirt at maong na pantalon. Wag ka nang magtaka pa, tumayo ka na diyan.

Wala akong nagawa kaya tumayo nalang ako at pumuntaa na ng CR tsaka sinunod ang nakasulat dun.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako. Nanlaki ang mata ko ng makitang bihis na bihis si Gray na parang may pupuntahan.

"Buti naman lumabas ka na" Sabi niya at lumapit sa akin tsaka hinalikan ako sa pisngi.

"Ahmm. Anong meron, Gray?" Tanong ko sakanya.

"Magdadate tayo" Sabi niya

"H-ha?" Hindi ko makapaniwalang tanong sakanya. Kasi biglaan naman eh

"Do I need to repeat, Cei?" He smirked.

"W-wait, kukunin ko lang ang liptint ko" Sabi ko at pumasok na ulit sa kwarto. Kinuha ko ang maliit na shoulder bag at nilagay doon ang liptint, pera, pulbo, at iba lang mga kailangan ko. Nilagyan ko na rin ng liptint ang lips ko para hindi magmukhang matamlay tsaka lumabas na.

"Nagpaganda ka pa eh maganda ka naman" Sabi niya na ikinapula ng pisngi ko.

"Tara na" Sabi niya at hinawakan ang kamay ko tsaka sumakay na sa kotse na kanina pa nakaparada sa condo niya.

Dinala niya ako sa isang cafe. Pumasok na rin kami sa loob at umupo na. Since it's only 6:30 in the morning, kape na muna ang inorder namin.

"Bakit mo nga pala naisipang magdate tayo? You're just recovering right?" I asked dahil kababalik niya lang pagkatapos mag-order

"Is there any problem for having a date with the most beautiful girl I've know?" He said with a smile on his lips.

"Hindi naman pero bakit nga?" Pangungulit ko

"For almost 1 month na pag-aalaga mo sa akin, ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong bumawi sayo" He answered.

"Mabuti naman dahil medyo okay ka na" Nakangiti kong saad

"And it's because of you." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko tsaka hinalikan ito. Namula nanaman ang mukha ko. Sasagot na sana ako ng dumating ang order namin.

"Pagkatapos nito, bago ko umpisahan ang araw kasama ka. May gusto muna akong puntahan" Sabi niya kaya tumango nalang ako.

Natapos na nga kami at sumakay nanaman ng kotse. Napangiti ako ng makita ang dinadaanan namin, papunta ito sa hospital kung nasaan ang Daddy niya.

Matapos ang ilang minuto ay nakarating na kami. Pumunta agad kami sa private room nito at pumasok.

Naabutan naming mahimbing pa rin na natutulog ang Daddy niya at nawawala na rin ang mga peklat nito na tinamo sa aksidente.

Because Of Those Lies (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon