Chapter 7

9 0 0
                                    

TRY TO MOVE ON

Cei' POV

Nagising ako ng maramdamang may mabigat na bagay na nakapatong sa aking tiyan. Iminulat ko ang aking mga mata at agad na namula ang pisnge ko ng makita ang posisyon namin ni Gray. Nakayakap siya sa akin at isang galaw ko lang ay mahahalikan niya ng leeg ko.

Dahan-dahan kong inilayo ang leeg ko at akmang aalisin na sana ang pagkakayakap niya ng mas higpitan niya ito kaya napaharap ako sakanya ngunit hindi ako makagalaw ng sobrang lapit ng mukha niya sakin.

Mas lalo kong ikinagulat ng halikan niya ako sa labi. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Tumigil rin siya sa paghalik at niyakap ulit ako. Hindi ko namalayang maghahapon na pala. Kaya nakaramdam ako ng gutom dahil hindi rin ako nag-umagahan kanina.

"Gray, babangon na ako. Nagugutom na ako eh. Hindi ka ba nagugutom?" Tanong ko sakanya ngunit umiling lang ito at niluwagan na ang pagkakayakap sa akin.

"Kakain na muna ako ha? Dalhan na lang kita dito ng pagkain mo, baka mabinat ka eh" Sabi ko at chineck kung may lagnat pa siya ngunit wala na rin naman.

"Hindi na yan, ang galing ng nurse ko eh. At ang ganda pa" Sabi niya na ikinamula nanaman ng mukha ko.

Tumayo na ako at lumabas na ng kwarto para kumain. Maya-maya pa ay narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto niya. Tiningnan ko siya at okay na rin naman siya.

Naramdaman ko na lang na nasa likod ko na siya.

"Hindi ka pa ba kakain?" Tanong ko sakanya

"Mamaya na, kumakain pa kase ang pagkain ko" Sabi niya at nginisihan ako. Pulang-pula na ang mukha ko na parang sasabog na kamatis kaya yumuko nalang ako. Anong nangyayari sa Gray ko- ay este kay Gray.

Di bale, mas okay na ito kesa naman makita siyang umiiyak.

"Just kidding HAHAHA" Natatawang sabi niya kaya ngumiti naman ako. Tumabi siya sakin sa upuan at ngumiti.

"Mabuti naman ngumiti kana" Sabi ko sakanya

"Im trying to move on, Cei." Sabi niya at hinaplos ang buhok ko.

"Nandito lang ako Gray, Im willing to help you and thank you for trying to moving on" Nakangiting sabi ko sakanya.

"No, Cei. Thank you for helping me trying to moving on" Nakangiti niya sabi at hinalikan nanaman ako sa pisngi.

"Kanina ka pa halik ng halik" Sabi ko sakanya

"Nakakaadik ka kase" Sabi niya, pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko hanggang sa natapos na.

Niligpit ko na ang plato ko at hinugasan na ito. Napatigil ako sa ginagawa ko ng maramdamang niyakap ako ni Gray sa likuran.

"What are you doing Gray?" I asked. Ba't ang sweet ata nito?

"Im just hugging the mother of my child" Sabi niya na nakapagpabuntong-hininga sa akin.

"Just continue what you're doing, tawagin mo ako sa kwarto kung tapos ka na ha?" Sabi niya at bumitaw na sa yakap. Tumango na lang ako at pumasok na ulit siya sa kwarto.

Because Of Those Lies (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon