SWEETNESS
Cei's POV
Nagising ako ng wala sa tabi ko si Gray. Kaya bumangon na ako at pumunta sa banyo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na at nag-ayos tsaka lumabas na ng kwarto.
Nadatnan ko siyang naghahanda ng pagkain sa hapag-kainan, napansin niya naman akong lumapit sakanya.
Lumapit rin siya sa akin at nagulat ako ng halikan niya ako sa noo.
"Good morning, Honey" He said na may ngiti sa labi.
"A-ahm, good morning din" Sagot ko sakanya at ginantihan ng ngiti.
Pinaupp niya ako sa upuan at nilagyan ng kanin ang pinggan ko. Bacon and egg ang niluto niya.
Nginitian ko lang siya. Naninibago naman ako dito. Minsan niya lang naman akong ipagluto.
"Masarap ba?" He asked habang nginunguya ko ang niluto niya.
Tumango naman ako at nagthumbs up sabay wink.
"Yan lang? Nagising ako ng napakaaga tapos-"
"Yes Honey, masarap" Nakangiti kong sabi sakanya at hinalikan siya sa cheeks. "Sobrang sarap"
"D-Did you call me Honey?" Hindi niya makapaniwalang tanong. Nag-akyatan lahat ng dugo ko sa pisngi ko at dahilan para mapatawa siya.
"Damn Honey!" Sabi niya sakin at agad akong hinalikan sa labi, smack kiss lang naman. Pagkatapos nun ay umupo na rin siya sa upuang kaharap ko at sinabayan akong kumain.
Nakabihis na rin siya ng uniform. Maya-maya pa ay natapos na kami. Bago kami umalis ay hinugasan ko na muna ang mga pinggan.
Pagkatapos ng ilang minuto ay umalis na kami sa bahay at pumunta na nang school. Naabutan naming naglalandian sina Allison at Nathan, ganun rin sina Chloe at Fred.
Nakakainggit nyeta. Napaigtad ako ng biglang hinawakan ni Gray ang kamay ko. Napatingin naman sa amin ang iba naming mga kaklase lalo na ang apat.
Naglakad na kami papunta sa upuan namin at umupo. Ramdam ko pa rin na tinitingnan kami kaya binalingan ko sila ng tingin at agad naman silang umiwas. Ngunit yung apat ay nakangisi pa rin.
Dumating na si prof kaya nagdiscuss na. Hindi ako makapagfucos sa class dahil hawak pa rin ni Gray ang kamay ko. Pinipilit kong bawiin ngunit hinihigpitan niya ang hawak nito.
Natapos na ang class ng hindi man lang binibitawan ni Gray ang kamay ko. What's with him?
Ngayon ay naglalakad kami papuntang cafeteria. Sabay kaming tatlong girls habang ang boys ay pumunta pa ng restroom.
"Makaholding hands daig pa kaming mga magjowa" Parinig ni Allison kaya sinamaan ko ito ng tingin
"Oo nga Allison, no? Kala mo may sila eh" Agree naman ni Chloe
"Nagpaparinig mga sis? Di porket may mga jowa na kayo, lalo ka na Allison" Sabi ko kay Alli at ngingiti-ngiti lang ito.
"Well, haha nga pala. Sorry kahapon ah? Concern lang naman ako" Sabi ni Allison
"Let's just forget about it" Sabi ko at tumango naman siya. Nauna na kaming maupo sa bakanteng mesa at sumunod naman ang boys.
"Love anong gusto mong kainin?" Nathan asked Allison.
"Baby anong gusto mo?" Tanong naman ni Fred kay Chloe
Ang mga gaga ay tumingin pa sa akin at nginitian na para bang nang-aasar. Tinaasan ko nalang sila ng kilay. Sasagot na sana sila ng tanongin ako ni Gray na nakapagpanganga sakanila. Nginisihan ko naman ang mga gaga.
"What do you want to eat, Honey?" Sabi niya sakin
"Tulad nalang ng sayo HONEY" Sabi ko at in-emphasize ang salitang HONEY.
Nang makabawi sila sa gulat ay nag-order na ang mga boys habang ang dalawang bruha ay nagtatakang tumingin sakin.
"Hindi ako inform na may endearment pala kayo nun" Sabi ni Alli
"Ako nga rin eh, kala ko maiinggit na siya satin kaso may Honey rin pala siya" Sabi ni Chloe na may malungkot na tono
Tinawanan ko nalang sila.
"So anong plano mo? Sasabihin mo ba ang totoo sakanya?" Allison asked na nakapagpatigil sa pagtawa ko at napalitan ng seryosong mukha.
"I don't know how to tell him the truth" Sabi ko at nagpakawala ng buntong-hininga.
"Nakakarecover na siya Cei, you better tell him as soon as possible dahil kapag pinatagal mo pa. Mas lala yubg sitwasyon mo at worst hindi ka niya matatanggap" Sabi ni Chloe
"Anong hindi matatanggap?" Nabigla kami ng biglang sumulpot si Gray kasama ang dalawa.
Biglang namutla ang mga mukha namin. Shit! Baka narinig niya.
"W-wala, segi k-kain na tayo" Sabi ni Allison. Gosh, sana naman hindi na nakakahalata si Gray.
Hindi pa ako ready para sabihin ang totoo. Hindi pa ako ready para aminin ang lahat.
"Sigurado kayo? Baka may hindi kayo sinasabi sakin" Sabi ni Gray na nagtataka.
Sabay naman kaming tumango kaya umupo na ang tatlo at kumain na kami at nagkwentuhan.
BINABASA MO ANG
Because Of Those Lies (On Going)
FanfictionHi everyone, even though ilang chapters palang to I hope na babasahin niyo, I've already made some chapters. Promise, hindi ako magpapaasa. Hope you'll like my story and enjoy reading
