Chapter 3

5 0 0
                                    

Kanina pa ako naiilang dahil sa uri ng titig na binibigay saakin nitong si Callie. Nakaka irita lalo. Mula kagabi nang maka alis kami sa party sa mansion nila Echo ay wala na syang ibang ginawa kundi ikwento kung gaano kaperpekto si Raven at yung Hans Wilford daw na may green na mata.

"Magka kilala ba kayo ni Raven?" mapanuri nyang tanong. I gave him a 'Duh?' look as I continued writing our assignment.

"Nope." I answered.

"Oh. Pero concerned sya sayo kagabi. Nakaka kilig naman!" She giggled and I rolled my eyes heavenward.

"That's not a sweet thing, Cal. Did you see how he embarrassed me in front of those two guys?" nangagalaiti kong sabi. Hanggang ngayon di ko pa rin nakakalimutan ang ginawa saakin ng asshole na yon.

She laughed. "Baka nandiri lang talaga sya sa dibdib mo." pinaningkitan ko sya ng mata. "Kung dibdib ko lang sana nakita nya ay baka niyaya pa ako non magpakasal ora-orada!" pagmamalaki nya.

Ang ganda nya. Kaso ambisyosa sya.

Hindi ko na sya pinansin nang dumating na ang prof namin. Buong klase ay wala din naman akong naintindihan. Buong klase ay iniisip ko lang ang tarantadong Raven na yon. Damn him

" OH MY GODDDDDDDDD!"

"IS THIS FUCKING REAL?! WHY IS HE HERE?!"

"HALA ANG GWAPO TALAGA. NAHULOG ATA MATRES KO"

Nangunot ang noo ko when I heard students shouting and squealing. Ano ba naman yan. Kababaeng mga tao kung sumigaw parang mauubusan ng titi. Nasa canteen kami ngayon dahil lunch time na.

Lalo lang nangunot ang noo ko nang makitang pati si Callie ay napasinghap na rin at nanlalaki ang mga matang naka titig sa may likuran ko.

"Naka kita ka ba ng multo?" I sarcastically asked. Dahan dahan syang umiling. She pouted her lips na para bang may tinuturo sa likod ko. Tumaas ang dalawa kong kilay na nag tatanong kung anong nangyayari.

Dahan dahan na akong lumingon dahil kulang na lang ay umabot sa labas ng canteen ang nguso ni Callie kaka haba nito. Ano ba kasing tinuturo nya?

Isang mabangong nilalang ang tumambad saakin. Amoy mamahalin. Parang gusto ko tuloy singhot singhotin ito hanggang sa mag sawa ako. Hindi ko pa nakikita ang mukha nito dahil sa tyan nya dumiretso ang tingin ko dahil sa katangkaran nya. Nang umangat ako ng tingin ay si Raven na naka suot ng sunglasses na may tatak ng Chanel sa gilid ang nakita ko.

Naka simpleng white polo lang sya na naka bukas ang tatlong butones sa taas kaya naman litaw na litaw ang maputi nyang dibdib. Fitted na black jeans naman ang suot nya pang-ibaba at white sneakers na may naka lagay na Balenciaga sa gitna.

"Rise up and follow me." maotoridad nitong sabi at saka ako tinalikuran.

Tigagal lang akong naka titig sakanya sa pag lakad nya papuntang exit ng canteen. Bakit sya nandito? At ano na namang trip nya saakin?

Huminto sya sa pag lalakad at saka ako nilingon. Bakas ang pagka irita sa mga mata nya nang mag tama ang tingin ko doon.

"Are you really that dumb?! I said let's go!" halos mapatid ang mga ugat sa leeg nya nang isigaw ito. Awtomatiko naman akong napa tayo at halos mabuwal pa ako sa kinatatayuan ko. Nilingon ko si Callie na tameme lang dahil sa mga nangyayari. I gave her an 'I better go, see you later'

His Dreadful GameWhere stories live. Discover now