Chapter 18

13 0 0
                                    

"Mabuti naman naisipan mo nang pumasok after mo mag mukmok ng isang linggo."

Inirapan ko lang sya. Ang aga aga bibig na ni Callie ang maririnig ko. Pinaandar na nya ang Montero nya at ako nama'y nag suot na ng seatbelt.

Nag pasundo ako sakanya sa bahay. Wala parin kasi talaga akong lakas ng loob na mag pakita masyado sa mga tao. Hindi ko nga alam kung paano ako mag lalakad sa school na hindi naiilang sa mga tao.

"Kakausapin ka daw ng dean mamaya because of your absences" she said. Tango lang ang isinagot ko. It's been a week. Kaya ko pala. Kinaya ko ng isang linggo, I wish kayanin ko parin ng ilang taon at habang buhay na wala sya.

Masakit. Sobrang sakit. But I have no choice. Yung sakit na nararamdaman ko unti unting nagiging galit. And I'm afraid time will come na kahit marinig lang ang pangalan nya ay ayoko nang mangyari.

"Here we go." Callie heave a deep sigh as she parked her car. Nasa school na pala kami. "You ready?"

"Damn ready." walang emosyon kong sagot at mabilis na bumaba ng sasakyan.

As expected, people were looking at me with their judgmental eyes. But that won't bother me. I'm stronger now. At kung ano man ang iniisip nila ay wala na akong pakealam.

"That bitch" I heard one of the students spoke.

"May guts pa syang pumasok? E ang baho na ng pangalan nya worldwide"

"Gold digger whore."

"Imagine, she even got an Audi R8 from Raven. Ang lakas ng kagat"

"Ohh, pero di ba nilandi nya rin yung kapatid? Kaya pala lagi silang magkasama noon dito sa campus"

Damn. I wanted to shout, I wanted to slap them all but I chose not to.

"Don't mind them." naka ngiting sabi saakin ni Callie. She held my hand at sinabayan ako sa pag lalakad papasok sa classroom. That comforts me. At least I have her. I have someone who knows who I am.

"Nasabi ko na ba na mahal kita kahit malandi ka?" she laughed. Ito gusto ko sakanya, kahit insultohin ko e tatawa lang.

"Hindi pa. Pero mahal din kita kahit marupok ka."

Binatukan ko sya.

Buong klase ay wala akong ginawa kundi tumitig sa gilid ng bintana. Wondering why some things happened. Ramdam na ramdam ko yung sakit. Para akong sinakluban ng langit at lupa.

Parang kahapon lang kasi, mahalaga pa ako sakanya. And then I woke up and found out na laro lang pala lahat. I clenched my fist. Nagagalit ako. Gusto ko syang murahin at sampal sampalin but that won't even lessen the pain.

"Ayaw mo ba sa food mo?" napakagat labi sya habang tinititigan ang burger ko. I heave a deep sigh at marahang tinulak ang plato ko palapit sakanya. Kanina pa lumalamon si Callie at hindi ko na malaman kung saan nya iniimbak ang mga kinakain nya.

"Patay gutom" mahina kong sabi. Narinig naman nya iyon at bumungisngis.

"Ang saya mo pala mabroken. Nabubusog ako!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Dreadful GameWhere stories live. Discover now