"Good morning."
Natigilan ako sa pag kain ng marinig ang baritonong boses mula sa lalaking dahilan kung bakit ilang gabi na akong hindi nakaka tulog.
"Nako, hijo! Pasok ka. Tamang tama kumakain kami" ani mama at mabilis na nag handa ng kakainan ni Ciann sa mesa. Pasimple kong inayos ang buhok ko na naga messy bun at saka kinapa ang mga mata dhail baka may muta parin ako.
Inabutan ko pa si papa ng tubig dahil nabulunan ito sa tuwa. "Ehem!" hinimas nya and dibdib saka nag salita. "Halika, anak. Saluhan mo kami sa pag kain."
Wow. Mas malambing pa sila kay Ciann kesa saakin na mismong anak nila. Grabe talaga ang nagagawa ng mamahaling sasakyan, ano?
"Ah, sige po." yumuko sya para alisin ang loafers nya. Naka polo shirt sya na itim na may tatak na lacoste sa gilid at white na woven short sa baba.
Di naka takas sa paningin ko ang silver na piercing nito sa kaliwang tenga at ang buhok nyang itim na itim na ngayon. Hindi na tsokolate. Lalo tuloy syang nag mukhang anghel.
"Aynako, wag mo nang alisin yan! Di pa naman din kami nakaka pag mop e. Kaya ayos lang na suotin mo yan dto sa loob" awat ni mama sakanya.
Sa pagkaka alam ko, buong mag damag nag lilinis si mama ng bahay dahil umaasa syang darating si Ciann. Si papa naman ay bumili ng madaming action movies na dvd para daw panoorin nila ng lalake.
"Hindi, ayos lang po. Mag papaa nalang ako." magalang nyang sabi at pumasok na ng tuluyan a nyang nahubad ang sapatos. Umupo sya sa bakanteng silya katabi ko.
"Kaya malakas ka saamin e. Napaka galang mong bata" sabi ni papa sabay kagat sa kalderetang nasa tinidor nya. Binubugaw talaga ako ng mga magulang ko.
Nang mag tama ang mga mata namin ay agad nya akong nginitian. "I missed you" he whispered.
Parang kagabi lang kami huling nagkita, ah? Miss agad? Umiwas ako ng tingin at mabilis na nilantakan ang pagkain para mabawasan ang tensyon na nararamdamn ko.
"Ano ka ba naman, Shantelle! Iserve mo naman ng pagkain ang boyfriend mo." maktol ni mama sa harap ko at sinipa pa ng bahagya ang tuhod ko sa ilalim ng mesa. Nabilaukan tuloy ako.
"No, it's fine mama. I can serve myself po. Let her eat" naka ngiti parin sya. Malayong malayo sa Raven na nakilala ko 1 month ago.
Hayy, paano ba iwasan na mahulog sa lalakeng to?
Pagkatapos naming kumain ay magka sabay kami ni Ciann sa paglilinis ng hapag kainan at pag hugas ng mga pinggan. Ilang beses ko sinabing kaya ko na mag isa pero ayaw paawat. Mukhang nagpapa lakas talaga kila mama ang isang to.
"I bought something for you." naka ngiti nyang sabi. Kaming dalawa nalang ang nasa sala ngayon dahil ang dalawang magaling kong magulang ay nag kulong na sa kwarto para masolo ako ni Ciann.
"Nanaman? Ciann, sobra sobra na ang nabibigay mo. Hindi pa nga kami nakaka move on dyan sa kotse ay mag bibigay kana naman." untag ko. Iniisip ko nga na ibalik sakanya yung Audi e ang kaso baka ako naman ang patayin ni papa. Halos oras oras nya na nga iyong tinititigan e.
"No, it's not too much. I can even give you the whole world, Shantelle." may kinuha sya sa bulsa nya. "You deserve the whole world and more."
YOU ARE READING
His Dreadful Game
RomanceCiann Raven Morose is a bad boy singer who happened to be a young billionaire. He has everything. His dreadful game starts the moment he found out that his mortal enemy-Half brother-Vonn Echo Morose is in love with a certain woman. Due to his big ha...