Magka hawak kamay kami habang nag mamaneho sya ng sasakyan pauwi sa bahay namin. I mean, ihahatid nya lang ako. Naks, lakas ko maka tunog asawa doon ah.
Naka dungaw lang ako sa labas ng bintana, tinitingnan ang bawat patak ng ulan. Ginabi na naman ako masyado. Lagot ata ako kay papa. Pero feeling ko matutuwa pa yon kasi kasama ko itong mokong na to. Baka nga iplease pa na pabuntis nalang ako.
Napaisip tuloy ako bigla. Parang ang bilis naman yata ng mga pangyayari. Parang kahapon lang patay na patay pa ako kay Echo tapos ngayon si Ciann na yung nakaka bigay saakin ng mga halo halong emosyon. Paanong naging ganon?
Gusto ko na ba talaga sya o naexcite lang ako sa mga pinapakita nya saakin? Paano si Echo? Kanina may naramdaman parin ako nung makita ko sya. Hayy ang gulo
"What are you thinking?" humigpit ang pagkaka hawak nya sa kamay ko. Nawala ako sa pagmumuni-muni at nilingon ko sya. I just smiled at him.
He smiled back as he kissed my hand. Parang lumambot pa lalo yung puso ko sa ginawa nya.
"You really look so beautiful when you smile." he said and turned his gaze on the road.
Hindi ko ineexpect na one day magiging ganito si Ciann. He used to be as cold as ice. Para syang taong bato, pero ngayon ang dami ko nang nakikitang emosyon sa bawat actions, words at titig nya.
What did I do to make him change? Ganda ko talaga. Mutain nga lang pagka gising at may naturuyong laway hanggang leeg.
"Bolero" I replied saka iniwas na ang tingin sakanya. I saw him chuckled in my peripheral vision.
"I'm serious. You have the most perfect smile I've ever seen."
I lightly bit my lower lip. Pigil na pigil ako sa pag ngiti. Ano ba naman kashi yen, Ciann.
I cleared my throat at nag isip ng pampalit sa topic dahil baka di ko na kayanin at maihi nako dito sa sasakyan.
" Si.. Echo." I started. His smile vanished. Parang mali ata na binanggit ko yon. Pero di nako matahimik dahil sa curiousity ko. I really need to know what's between them at galit sila sa isa't isa.
"Why do you hate him that much?" I asked. Lakas loob na to. Para matahimik na ang inner chismosa ko. His jaw clenched at dahan-dahang binitawan ang kamay ko. Nalungkot tuloy ako.
"S-sorry" I said at saka lumipat sa may bintana ang tingin. Tumagilid ako patalikod sakanya. Curiousity kills nga talaga. Sana pala di ko na inopen yung about doon.
"My dad cheated on my mom 23 years ago with that bastard's mother."
Nanlaki ang mga mata ko because of his sudden revelation. Oh my god. So they are just half brothers? Hindi ako nagsalita at hinintay ko na lang ang mga susunod nyang sasabihin nang hindi parin lumilingon sakanya.
"They're good now. But that won't change the fact that he made my mom's life miserable. That won't erase the scars. At talagang nag iwan pa sya ng remembrance ng kataksilan nya. Everytime I see my brother, he just remind me of how asshole my dad was and how he hurt my mom. " nababakas sa boses nya ang nag aapoy na galit. Napalunok ako ng laway.
"Sorry.." halos wala nang boses na sambit ko. Nagsisisi akong nag tanong pa ako. Kung bakit ba kasi di makapag pigil itong bibig ko e.
YOU ARE READING
His Dreadful Game
RomanceCiann Raven Morose is a bad boy singer who happened to be a young billionaire. He has everything. His dreadful game starts the moment he found out that his mortal enemy-Half brother-Vonn Echo Morose is in love with a certain woman. Due to his big ha...