Chapter 11

11 0 0
                                    

"Blooming ah. In love masyado" panunukso ni Callie saakin pag labas namin sa classroom.

"Hindi ah." I denied kahit alam ko naman na halatang halata na sa ngiti ko ang sobra sobrang saya na nararamdaman ko.

In love na nga ba kaya talaga ako? Ipinilig ko ang ulo ko nang naka ngiti pa rin. Si Ciann lang ang tumatakbo sa isip ko buong mag hapon. Excited na tuloy akong makita sya ulit.

Kinapa ko ang necklace na may mabigat na heart pendant sa dibdib ko. Tama nga sila, ang swerte swerte ko nga para magustuhan ng isang Ciann Raven Morose.

"Oh sya, mauuna nako sayo. Ayun na si Daddy oh" inginuso ni Callie ang blue na sasakyang kakapasok lang sa gate ng university. "Chika tayo ulit bukas." hinalikan nya ako sa pisngi at saka tumatakbo nang lumapit sa kotse nila.

"Bye!" I smiled as I waved at her. At ngayon, hihintayin ko ulit si Ciann na sunduin ako. I checkedmy wrist watch only to see that it's already 7pm. Natraffic pa ata yon.

"Elle."

Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Echo sa likod ko. Napalunok ako ng laway. Hindi ko pa man sya nalilingon ay mabilis na syang naka punta sa harapan ko.

Hindi gaya noon ay wala na akong kilig na nararamdaman ngayonb pag nakikita ko sya. Ang tagal din naman nyang di nagpakita. But I must admit, I missed him. Of course he's still my bestfriend.

Naka suot lang sya ng plain black shirt at khaki shirt and adidas slippers. Napaka fresh nya tingnan. Wala namang masyadong nag bago sakanya maliban sa pumayat sya ng konte at nagpa kulay sya ng buhok, golden brown.

He smiled at me. "Hey. Long time no see" He greeted. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya ngumiti nalang ako pabalik.

"Ah, may sundo ka ba? Hatid na kita pauwi. Gusto ko sanang kumain ng kikiam kasama ka e" napakamot sya ng batok. "Namimiss ko na kasi iyong... Mga bonding natin."

Bigla tuloy akong naguilty. Oo nga naman, di na ako nag rereply sa messages nya ngayon. Hindi ko na rin sinasagot mga tawag nya at umiiwas na rin ako sakanya. I don't know why, but maybe because may namamagitan na saaming dalawa ng kapatid nya?

"H-Hindi ako pwede e. Sorry, Cho." Pinilit kong ngumiti sakanya at ganon nalang ang pagka wala ng kinang sa mga mata nya.

"Ganon ba? Sige, baka next time nalang siguro no?" naka ngiti paring sabi nya pero this time may lungkot na sa mga mata nya. We stared to each other for a while.

I feel sorry for him. Pakiramdam ko nasasktan ko sya. All his life, ako lang ang kaibigan nya dito sa school. Maliban kay Zion na halos kapatid na nya kung ituring since elemrntary days nila.

Kaya alam kong mahirap para sakanya ang pag iwas ko. Mukhang nakaka halata naman na din sya e. Alam kaya nya na nanliligaw saakin si Ciann?

"Oo, mabuti pa nga." pag sang ayon ko nalang sakanya para di na humaba pa ang usapan.

"Elle.. Are you mad at me?" wala na syang ngiti ngayon. Seryoso lang syang naka tingin saakin. I can see sadness in his eyes.

Sumisikip tuloy lalo ang dibdib ko. Hindi ko alam ang isasagot.

"you know you're the only one I have, right? kaya ayokong magka galit tayo. i can't... " lumipat ang tingin nya sa lupa at saka bumuntong hininga. "...lose you too." he continued.

His Dreadful GameWhere stories live. Discover now