Chapter 4

8 0 0
                                    

Napuno ng walang katapusang tawa ni Jace ang buong lugar. Habang si Hans ay napapa talon talon habang hawak hawak ang kaliwang paa na tinamaan ng matigas na gitara ni Ciann.

"Why are you two here?" naka halukipkip na sabi ni Ciann habang naka tayo sa harapan ng dalawa.

Nag pupunas ng luha dahil sa kakatawa na sumagot si Jace.

"We're searching for you because you walked out from our practice, dude. Hinahanap ka ni Zion" lumipat ang tingin ni Jace saakin at nangingiting kumindat.

Ang angelic ng mukha, pero manyak pala. Zion? Zion Chua ba na manager ni Ciann? Oo na, nag stalk ako about sakanya.

Nakita ni Ciann ang ginawa nya. May kung anong binulong si Ciann sakanya na hindi ko na narinig.

"Whoa! I see. " tatawa tawang sabi ni Jace pero halata ang kaunting takot saka tinapik si Ciann sa balikat

Nakita ko namang naka bawi na sa sakit si Hans kaya maayos na itong naka tayo sa gilid ni Jace. Naka tingin din sya saakin.

Pucha, binaback stab ba ako ng mga to?

"Raven is Raven." nangingising casual na sabi ni Hans na para bang normal nalang sa kanya ang narinig. Ano kaya yon?

Sa di malaman na inis ay tinungga ko ang natitirang isang boteng beer sa table. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang inis ko. Basta lang naiirita ako dahil feeling ko may sinabi sya sa mga lalake na hindi ko gusto.

"Hey, don't drink too much. You might get drunk" rinig kong sabi nya sa likod ko. Naka lapit na pala sila saakin pero hindi ko sya pinansin o nilingon man lang.

I heave a deep sigh. Anong oras na kaya? Pag tingin ko sa wristwatch ko ay ganon nalang ang panlalaki ng mata ko. Hala 5:30 pm na pala. Kaya pala dumidilim na. Paano yan, e 3pm yung klase ko. Hayy, naabsent tuloy ako.

Kagagawan to ng lecheng gwapo na to.

"Come here." usal ni Ciann. He held my wrist. Tiningala ko sya. Para akong kinuryente nang hawakan nya ako. At yung mga mata nya, kahit walang bakas ng emosyon ay nakaka lunod.

"I like sunsets. Let's watch it together." he coldy said and started walking still holding my wrist kaya wala akong nagawa kundi sumunod sakanya.

Huminto kami sa gilid ng overview. Naka titig parin ako sakanya. Bakit ba hindi ko kayang pumalag sa lahat ng ginagawa saakin ng lalakeng to? Naiinis ako sa sarili ko.

"I said watch the sunset, not me." nakita ko ang pag galaw ng adam's apple nya. Nag init ang mukha ko sa sinabi nya. Nakakahiya. Inilipat ko nalang sa kalangitan ang mata ko.

Hayy, ang ganda nga. Pero sana si Echo ang kasama kong nanonood nito.

Teka, saan na nga pala sya? Mula nung iwan nya ako sa party kagabi ay di ko na sya ulit nakita pa. Di na nga ako binalikan doon sa kinauupuan namin e.

Natapos lang ang pag iisip ko nang humigpit ang kapit nya sa braso ko. Nakita ko sa peripheral vision ko ang kulay amber nyang mga mata na naka titig saakin. Bigla tuloy akong nailang.

"I'm having a concert next week. You must come."

"And if I won't?" tinaasan ko sya ng isang kilay. Umigting ang perpekto nyang panga.

His Dreadful GameWhere stories live. Discover now