Chapter 13

4 0 0
                                    

3am na kami natapos sa phonecall namin ni Ciann kaya ngayon tinanghali ako ng gising. Nag stretch muna ako ng katawan bago bumangon. I checked my phone kung may morning message na sya sakin pero wala.

Baka di pa nagigising. Pinuyat ko e. Hayy, sarap pala sa feeling na may ka-late night talk. We talked about aliens, planets, life, zombies, science, algebra, religions and everything that has sense.

Oh diba? Mag boyfriend ka ba naman ng super talino. Haha
Bumaba na ako sa sala. Pag dating sa kusina kumuha ako ng tubig sa ref saka ito nilagok.

"Nak!" kamuntik akong masamid nang biglang sumigaw si mama galing sa sala. "Mag timpla ka ng juice! Dalian mo!"

Aba at kung utusan ako para namang katulong ako dito. Sinimangutan ko sya.

"May lakad ka teh? Madaling madali e, no?" inirapan ko sya. Ganito talaga kami mag usap ni mama minsan

"Hatid mo sa garden ha pag tapos!" nag madali na syang lumabas ng sala. Haynako, ano pa nga ba. Wala na akong nagawa kundi sundin ang utos nya.

Anong oras kaya magigising si Ciann? Di pa rin ako nakaka receive ng text galing sakanya. Mahimbing pa nga siguro talaga ang tulog.
Kumuha na ako ng tray at saka nag lagay ng tatlong baso at inilapag ko na din doon ang juice. Lumabas na ako ng bahay at dumeretso sa likod kung nasaan ang garden.

"Ma! Nandito na request mo!" inis kong sabi. Pag dating sa garden halos malaglag ang panga ko sa pagka gulat.

Bumungad saakin ang isang Ciann na nag tatayo ng maliit na cottage na gawa sa kahoy at nipa habang si papa naman ay todo tulong din sakanya. Si papa ang nag aarrange ng mga iba't ibang bulaklak sa loob nito.

May roses na iba't ibang kulay, sunflowers, at iba pa na hindi ko na alam ang mga pangalan. Dumako ulit ang tingin ko kay Ciann na ngayo'y ipinapako na sa gilid ng small cottage ang kahoy na may naka sulat na "Flowers for Mahal"

Mabilis na umabot hanggang langit ang ngiti ko. Yung view ng ama ko at ni Ciann na gumagawa ng mga ganito para saakin ang nagpa tunaw sa puso ko.

Pero hindi ako doon napatitig ng lubos kundi sa kabuuhan ni Ciann. Sa matitigas at malaki nyang braso, magulo at pawisan nyang buhok na lalong nagpa init sa pisngi ko, 8 pack abs na inaagusan ng pihadong mabango nyang pawis ngayon. Bumaba ang mga mata ko. Naka woven short lang sya at may naka umbok. Jusko malaki

Biglang uminit ang paligid pakiramdam ko hihimatayin ako. Nanginginid din ang mga tuhod ko. Shuta magkaka sala ako.

"... Juicy." wala sa sariling sambit ko na nag palingon sakanya. He smiled at me kaya naman natauhan ako at mabilis na umiwas ng tingin. Ano ba naman yan, ang halay ko.

"Good afternoon, Mahal." patakbo syang lumapit saakin at saka kinuha ang dala dala ko. Inilapag nya ito sa mesa bago ako hinalikan sa noo. Ohmygod ang bango pa rin. Amoy na amoy ko yung pawis nya na di hamak na mas mabango pa kesa sa kahit na anong pabango.

" A-Ah, andito ka pala." sambit ko. Pilit kong dinidikit ang paningin ko sa mata nya para hindi na bumaba sa katawan nya. Mahahabaging diyos, ilayo nyo po ako sa tukso.

Lumabas ang pantay pantay at maputi nyang ngipin nang ngumiti sya saakin. Di naman naka takas sa mga mata ko and cute nyang dimple sa left cheek.

His Dreadful GameWhere stories live. Discover now