Chapter 5

9 0 0
                                    

Palinga linga ako bago lumabas sa gate ng bahay. Nang makitang walang mamahaling sasakyan na naka park ay mabilis na akong nag lakad.

Parang tinatambol ang dibdib ko sa kaba. Lakad takbo ang ginagawa ko papunta sa terminal ng jeep papuntang university. Sana talaga ay hindi nya ako makita ngayong araw. Nakakahiya parin yung ganap kagabi.

Ilang santo na ata ang dinadasalan ko na di mag tagpo ang landas namin ngayong araw nang may bumusina sa likod ko. Napa piksi ako sa sobrang gulat. Ito na nga ba sinasabi ko! Punyeta.

"Hey, why are you walking?" malamig na sabi ng kilala ko nang nilalang. Wag ka talagang lilingon, Shantelle. Deretso lang ang lakad.

Bumusina na naman sya pero this time ay matagal nyang pinindot iyon kaya napa takip ako ng tenga dahil sa ingay. Shit ano bang trip nya?

"Stop right there, lady!" Sigaw nya na parang nauubusan na ng pasensya. Nag lalakad pa rin ako na kunwari'y walang narinig habang naka sunod naman sa gilid ko ang kotse nya.

Mula sa peripheral vision ko ay kita ko ang naasar nyang mukha sa loob ng kotse habang palipat lipat saakin at sa daan ang tingin nya.

"Ginagalit mo ba ako?" mahinahon pero nakakatakot nyang sabi na nagpa tigil saakin sa paglalakad. I closed my eyes bago bumuga ng hangin saka sya nilingon.

"Bakit ba kasi sinusundan mo ako?!" iritable kong sabi. Ang sarap nyang batuhin ng sapatos. He stopped the car.

"Didn't you receive my message last night? I said I'll fetch you today!" halos di na maipinta ang mukha nya sa inis.

"H-hindi na kailangan. Maggrab na lang ako." pag mamatigas ko.

Mag lalakad na sana ako nang marinig ko mahina nyang mura. Galit na galit nga

"Wag mo akong ginagalit."

Hindi ko alam kung bakit nanindig ang lahat ng balahibo sa katawan ko nang marinig ko iyon. Punyeta

Sa huli ay wala akong nagawa kundi sumakay sa kotse nya. Ikinabit ko kaagad ang seatbelt at baka mabaliw na ako pag sya pa ang gumawa non para saakin.

"Good girl." pinaharurot na nya ang sasakyan.

Lumipas ang 20 minutes na puno ng katahimikan ang byahe. Ni hindi ko rin sya nililingon man lang.

Kung bakit ba kasi sumakay ako dito. Sana pala tinakbuhan ko nalang sya kanina.

I heard him cleared his throat. "What's wrong with you?" kita ko ang pag sulyap nya saakin. Nag panggap akong walang naririnig. "Don't you have any plan to talk about us?"

Kunot noo ko syang nilingon. Anong pinagsasabi nya? Anong us? Kapal nito.

"Wala tayong dapat pag usapan." nag lakas loob na akong sagutin sya. Dya naman ang nagtataka ngayon. Halos mag dikit na ang kilay nya.

"Are you serious?" marahan nyang hininto ang sasakyan sa isang gilid.  "You told me you like me and now you are acting weird."

Bumigat ang bawat pag hinga ko kasabay ng marahan kong pag lunok. Paano ko ba sasabihin sakanya na hindi naman para sakanya yon? Huhu

His Dreadful GameWhere stories live. Discover now