Halos maihi ako sa kaba nang ihanda ko na sakanya ang niluto ko. Nandito kami sa kusina ngyon. Umaalingasaw sa buong bahay ang amoy ng adobong niluto ko.
Dahan dahan nyang tinusok ng tinidor ang manok at isinubo. Napa pikit ako. Baka maturn off sya. Baka panget ang lasa. Ano ba naman to. Di naman ako ganito kabahan pag sila mama o Callie ang nilulutuan ko e.
"Damn." bulong nya na nagpa dilat saakin. Naka titig sya sa plato nya na may ngiti sa labi. "I think I'll marry you."
Naka hinga ako ng maluwag. So nagustuhan nya haha hindi naman ako aasawahin nyan kung pangit lasa ng niluto ko. Namula tuloy ako sa sinabi nya.
"It tastes good." he said.
"Thank you. Dagdag ka pa" Nilagyan ko pa ang plato nya at kumain na rin ako. Masarap nga naman. Kung nandito lang sana si Callie ay baka mauubusan kami ni Ciann. Natutulog na sila mama sa taas kaya wala kaming kaagaw sa niluto ko.
"Wala ka bang work ngayon?" pag basag ko sa katahimikan dahil seryosong seryoso sya sa kinakain nya. Pero kahit kumakain sya ay ang hot nya parin. Lalo pag sumusubo.
"Wala." cool nyang sabi. "It's saturday."
Ay sabado nga pala ngayon. Tumango nalang ako at saka kumain ulit. Pero natigilan ako nang maramdamang naka titig sya saakin. Nakaka ilang tuloy. Pasimple kong sinpsip ang ngipin ko at baka may sumabit na manok.
"Why are you staring?" I narrowed my eyebrows, trying to look maldita. But the truth is nanginginig na ako sa nakaka baliw nyang titig. He chuckled
"We'll go for a shopping tomorrow." he simply said at ininom ang juice nya.
"Ha? Bakit?"
"I'll buy you a dress for the Magic ball. You'll be my date."
Ay shit oo. Nachika nga pala saakin ni Callie nung isang araw yung tungkol sa ball na gaganapin. Mga elite business persons sa iba't ibang bahagi ng mundo ang dadalo. Syempre kabilang doon ang pinaka may malaking business worldwide which is the Morose family. The richest.
And then I realized how far our gap is. What did I do to have such man like him? Ang taas taas nya para sa tulad ko.
"Hey" nagising ako sa malalim na iniisip nang tawagin nya ang atensyon ko. "Are you listening?" he asked.
I heave a deep sigh at nginitian sya. Tumango ako saka kumain na ulit.
"I said I want you to be the most prettiest woman there." abott enga ang ngiti nya nang sambitin iyon. Kaya naman nawala ang lahat ng agam-agam ko.
Hindi ko nalang dapat iniisip yung mga ganon. Ang importante naman ay yung feelings naming dalawa at kung anong meron saamin ngayon.
I'm more than contented.
"Girl, gumaganda ka." humalumbaba sya sa harap ko saka ako pinaka titigan.Sus talaga to si Callie. Basta may kailangan to bolera.
"Ano bang favor mo?" masungit kong tanong. Inunahan ko na sya. Napapalakpak naman sya habang tumatawa.
"Bravo. You really know me. Hehe" nagpa cute pa ang gaga. Binitawan ko ang laptop ko at nakipag titigan sakanya. 4pm na ng pumunta sya dito, tamang tama namang pag alis ni Ciann. Tuwing weekends talaga ay madalas nya akong puntahan dito sa bahay.
"Sama moko sa ball. Alam ko namang ininvite ka ni Raven e." she even pouted while doing her famous puppy eyes facial expression.
Oo nga naman. Ayoko rin pumunta doon ng hindi sya kasama. Baka ma-op lang ako. Ang sososyal kaya ng mga tao doon. Baka mag mukha lang akong basahan.
"Di nga ako sigurado kung sasama ako e." I sighed. "Baka mapahiya lang ako doon. Di naman ako bagay sa mga ganon"
Binatukan nya ako. "Gaga ano ka ba! Dami daming nangangarap na maka attend sa ball na yon. Atsaka kaya nga isasama moko diba? Para di ka maout of place."
Sabagay. Tumango-tango ako.
"Kakausapin ko si Ciann"
"Yehey! Thank youuu bestfriend. I love you so much!" pilit akong kumawala sa yakap nya.
"Ano baa, clingy naman neto e."
Tumawa lang sya at mas lalo pa hinigpitan ang yakap. Haynako, Callie.
Nang tumunog ang phone nya ay doon nya lang ako pinakawalan. Good thing at makaka hinga na ako ng maayos.
"OHMYBELOVEDGOD!"
Halos mahulog ako sa kama dahil sa gulat nang nag simula syang mangisay at masiraan ng bait pagka tapos nyang basahin ang message na nareceive.
"Hoy gaga. Ano ba yan? Sino ba nag text?" napapangiti na rin ako dahil sa sobra sobrang kilig at saya na nakikita ko kay Callie.
Kinalma nya muna ang sarili bago nag pipigil ng kilig na nag salita.
"Hans messaged me! Omggg! He's inviting me to that ball. He'll fetch me daw."
Omg! Kahit ako ay kinikilig na rin. Alam ko namang type sya nung Hans e. Mas mabuti na rin yon kesa kay Jace. Yung fuckboy na yun nako. Buti nalang hindi yun ang dumale kay Callie.
" I'm happy for you. "
" Awwww! Me too! " madrama nyang tugon.
"Dumidiskarte na ba sya sayo?"
Sandali syang natahimik at nag isip. Humaba pa ng bahagya ang nguso nya.
"Hindi pa. Pero sweet sya sakin." kinikilig ulit nyang sabi. Jusko naman numero uno sa listahan ng marurupok
"Label kaya muna be" naiiling kong sabi.
"Oh e bakit kayo na din ba ni Raven?" bwelta nya. Natameme naman ako. Malamang nanliligaw pa sya e. Ayoko namang madaliin. Isa npa di pa naman ako sigurado sa feelings ko sakanya. At di nya pa rin sinasabi saakin kung gusto ba talaga nya ako. Never nyang kinlaro. Basta nalang sya nanligaw.
"Sagutin mo na. Ikaw rin, baka maunahan ka. Raven is hella famous and drop dead gorgeous man. Hindi malabong makahanap sya ng iba."
Bigla akong naka ramdam ng takot sa sinabi ni Callie. Tama sya. Sino lang naman ako? Di naman ako kagandahan. Hindi rin ako mayaman at kasing sikat nya. Marami pa syang makikilala s amundong kinagagalawan nya.
"H-Hindi naman siguro." inalis ko na sa isip ko ang mga negative thoughts. Kailangan positive lang always.
She shrugged her shoulders. "Okaayy." bumangon sya sa pagkaka dapa. "Nag luto ba si tita? Gutom na ako. Tara kain na tayo" aniya saka lumabas ng kwarto ko.
Naiwan akong nag iisip kung sasagutin ko na ba sya o hayaan muna na ipakita nya pa ang tunay na intensyon nya.
Ang hirap naman pala magka gusto sa gwapo.
YOU ARE READING
His Dreadful Game
RomanceCiann Raven Morose is a bad boy singer who happened to be a young billionaire. He has everything. His dreadful game starts the moment he found out that his mortal enemy-Half brother-Vonn Echo Morose is in love with a certain woman. Due to his big ha...