Chapter 8

9 0 0
                                    


Nasubukan ko na lahat ng posisyon sa pag tulog ngunit hindi parin ako inaantok. Ultimo naka taas ang mga paa na posisyon ay ginawa ko na.

Napasabunot ako sa buhok ko. Bakit ba kasi iniisip ko parin sya? Hindi. Hindi dapat. Iinom nalang ako ng gatas. Tama

"Insomnia lang to." pag comfort ko sa sarili ko.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Maingat ang bawat hakbang ko para di magising sila mama sa kabilang silid. Nag timpla lang ako ng gatas sa kusina saka uminom.

Babalik na sana ako sa kwarto nang may matanaw akong kumikinang sa labas ng gate. Putanginang kotse yan, alam ko na agad kung kanino yan. Pero dahil may kung anong nag udyok saakin na lumabas ay lumabas nga ako punyeta.

"You're still awake" walang emosyong sambit nito. Naka sandal sya sa sasakyan nya habang humihigop sa hawak nyang vape. Nag halo tuloy ang amoy ng strawberry at ang mabango nyang pabango na nagpa bilis ng heart beat ko. Napakapit ako ng mahigpit sa baso ng gatas na hawak ko.

"Ginagawa mo dito?"

He just stared at me for a while.

"Visiting you"

"Mukha ba akong may sakit?" I narrowed my eyebrows.

"Yes. You look like a sick potato"

Aba putragis. Pumunta lang ba sya dito ng 12 midnight para asarin ako? He's really unbelievable.

"Umalis ka na." pag tataray ko. Akmang papasok na ako sa gate nang magsalita sya.

"Someone told me I should court you first."

Hindi ko alam kung bakit ang ingay ng puso ko ngayon. Kinakabahan ako na hindi ko alam ang pakiramdam. Normal ba to? O kailangan ko nang magpacheck up?

"But I don't know how. Paano ba manligaw?" dugtong nya. Hinarap ko sya.

"Wala ka bang ibang mapagtripan ha?" dilat na dilat ang mata ko sa inis. Ni hindi nga sya marunong ngumiti tapos manliligaw pa?

He massaged his forehead and looked at me again.

"Teach me, Shantelle."

Dahan dahan syang lumapit saakin at ganon nalang ang pag hakbang ko paatras. Naramdaman ko ang gate sa likod ko.

Kinulong nya ako sa mga bisig nya na naka harang sa bawat gilid ko. Lalo tuloy nag wala ang buong pagkatao ko nang ganoon na kami kalapit sa isat isa. Naaamoy ko na ang mabango nyang hininga at tila ako hinihigop ng magaganda nyang mata.

"A-ano ba" hinihingal kong sabi. Sinubukan ko syang itulak sa dibdib pero para lang akong nakuryente at agad na nanghina. Pati ata pwet ko pinagpapawisan na e.

"Teach me how to love."


"Mukha kang eyebags na tinubuan ng mukha" bungad saakin ni Callie pag pasok nya sa kwarto ko. Saturday ngayon at dahil wala kaming pasok ay dito sya tatambay buong magdamag.

8am na pala ng umaga at wala pa rin akong tulog o kahit idlip man lang. Para akong masisiraan ng bait dahil gustong gusto kong matulog e kaso yung utak ko ang may ayaw.

His Dreadful GameWhere stories live. Discover now