Parehong maaliwalas ang mga mukha namin ni Echo habang nasa byahe. Kanina pa kami nag tatawanan at nag aasaran. Namiss ko yung mga ganito naming bond
"Saan mo gusto kumain?" He asked. I checked my wristwatch. 12pm na pala at kumakalam na rin ang sikmura ko.
"Jollibee lang. Nag crave ako sa chickenjoy" bigla tuloy akong natakam.
"Yes, Madame." he winked as he pinched my chin. Ang hot nya sa ganon!
Pagdating sa drive thru ay umorder lang kami ng 2pc chicken, fries, coke float at umalis na. Balak namin kainin ito dito lang sa sasakyan habang nag ssoundtrip.
"Subuan moko."
Tinitigan ko sya. Naka ngiti parin sya pero sa daan ang tingin nya. "Ha?" I asked.
"Pasubo ako, sabi ko. I'm driving." he chuckled. Wala sa sariling sinubuan ko sya ng manok. Namumula tuloy ako. Pinag halong kilig at saya lang ang nararamdaman ko.
"Hmm, ang sharap." He uttered habang nginunguya ang manok sa bibig. He looked at me. "Ang sarap sa pakiramdam."
Pwede bang wag na matapos itong moment na to? Pakiramdam ko kasi mag jowa kami. Ang sweet sweet namin sa isat isa.
Pagka tapos naming kumain sa sasakyan ay nag roadtrip kami. Ang dami naming narating ni Echo at ang dami naming napag usapan tungkol sa college life nya nung magkasama pa kami sa school.
5pm nang mag decide ako na magpahatid na sakanya sa bahay. Ayokong malintikan kay papa.
Pag dating sa tapat ng bahay ay ganoon nalang ang pagka gulat ko nang matanaw ang whte CRV na naka park doon. Parang hindi ko nagugustuhan ang nangyayari.
"He's here." Walang emosyong sabi ni Echo. He heave a deep sigh at hininto ang sasakyan sa likod ng kotse ni Ciann. Oo kahit di ko pa sya nakikita ay alam kong sya yan. Maliban kay Echo, sya lang naman ang may mamahaling mga sasakyan sa lugar na ito.
Hindi ko mahanap ang lakas na bumaba ng sasakyan. Feeling ko may pinagtaksilan ako at nanganganib ang buhay ko. Naalala ko tuloy yung sinabi nya saakin kanina.
Baka mapatay nya ako o si Echo huhu.
"Ay!!" halos malaglag ang puso ko kasabay ng pag tili ko nang umatras ang kotse ni Ciann at walang pakundangang ibinangga ito sa harap ng kotse ni Echo. Tila nayanig ang kaluluwa ko at kamuntik tumilapon sa nabasag na windshield ng sasakyan.
"Fuck." mahina pero kalmado paring mura ng lalake sa tabi ko na parang okay lang sakanya na nasira ang mamahalin nyang kotse.
Punyeta, bangag ba si Ciann? Anong pumasok sa isip nya para gawin yon?! Ganoon nalang ba kabarya sakanila ang mga ganitong sasakyan na sisirain lang nila kahit kelan nila gusto? At si mama, baka lumabas sila ni papa dhail baka narinig nila ang malakas na lagabog ng dalawang sasakyan na nag dikit. Mygod masisira ata utak ko sa kaba.
Ilang sandali lang ay lumabas ng driver's seat ang matangkad na lalake na naka denim jacket, at black shirt sa loob na tinerno naman sa black fitted jeans na may gisi sa dalawang tuhod.
Parang tinatambol ang dibdib ko nang makita ang mapanganib na galit sa mukha nya. Mabibigat ang paa na nag lakad sya palapit saamin. Napa kapit ako ng mahigpit sa seatbelt.
He opened the door beside me at napatili ako ulit sa gulat.
"Get out" malamig na utos nito. Hindi mababakasan ng kahit anong emosyon ang mga mata nya pero kita ang pag igting ng panga nya.
"C-Ciann.." I whispered, still staring at him.
"I said get out!" nag echo ang boses nya dahil sa lakas ng sigaw nya kaya naman mabilis kong sinunod ang sinasabi nya.
"Don't shout at her." kalmado pero may diin na sabi ni Echo nang bumaba din sya. Hindi man lang ba sya matatakot o kahit magalit man lang? Bakit parang normal na sakanya ang ganitong eksena?
"The hell you care?" nanlilisik na ang mga mata ni Ciann pero this time mas mababa na ang boses nya.
Bago pa mauwi sa patayan ang lahat ay pasimple kong kinuha ang iced tea ko sa gilid ng car door. Sayang naman may ice pa kasi ito.
Echo smirked. "Why are you fumming mad, brother?"
Ha? Brother? Magkapatid ba sila? Doon ko lang napansin ang pagkakapareho ng kulay ng mata nila. At doon ko lang narealize na pareho silang may apelyedong Morose! Hala..
"She's my property, Vonn." hinila nya ang pulso ko at itinago sa likod nya. Property his face! Hindi pa ako sakanya!
I heard Echo laughed. "No, she's not."
"Yes, she is. She's my girlfriend now."
Sandali silang nag tagisan ng titig. Parang nagpapatimbangan ang dalawa. Jusko maloloka ako. Sinilip ko ang bahay at nakahinga ako ng maluwag nang makitang naka off ang mga ilaw. Wala sila dito.
"Since when you became interested with commitments?" Echo
Humigpit ang pagkakahawak ni Ciann sa pulso ko. Hindi ko makita ang mukha niuto dahil itinago nya ako sa likod nya. Tanging ang mabangong likod nya ang kaharap ko.
"Since I found out your weakness."
Ha? Anong pinagsasabi nila? Di pa ba sila tapos? Pinapapak nako ng lamok sa paa. Di ko naman makamot dahil hawak ni Ciann ang kanan kong kamay at ang kaliwa naman ay may hawak na iced tea.
"Damn you." Kalmadong sabi ni Echo pero ramdam ko ang galit sa boses nya. Narinig ko na ang pag sakay nya sa kotse. Marahan nya itong iniatras para mahiwalay sa CRV ni Ciann at mabilis na pinatakbo ito.
Hinuli ako ng mga mata ni Ciann ng lingonin nya ako. Naka tingala ako sakanya dahil sa tangkad nya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko nagkasala ako sakanya.
"I'll hire a body guards for you"
"ANO?!" nanlaki ang mga mata ko. Seryoso parein ang itsura nya
"You heard me right, Shantelle. Pababantayan kita whether you like it or you like it very much."
He ain't kidding. Kita ko sa mga mata nya ang sinseridad sa bawat words na binitawan nya. Putragis hindi naman ako anak ng bilyonaryo o politician para pabantayan!
"For what?!" I shouted. Nafufrustrate na talaga ako sakanya.
"To guard my property. I don't like pests getting near you"
Nasapo ko ang noo ko.
YOU ARE READING
His Dreadful Game
RomanceCiann Raven Morose is a bad boy singer who happened to be a young billionaire. He has everything. His dreadful game starts the moment he found out that his mortal enemy-Half brother-Vonn Echo Morose is in love with a certain woman. Due to his big ha...