"Kislap ng 'yong mga mata
Ako'y iyong nadadala...
Parang anghel ang 'yong ganda
Di maiwasan hahanap-hanapin ka..." He started singing."Hala ka dyan, Shantelle! Iba ka girl! Ang ganda mo naman para haranahin ng isang Ciann Raven!" halos mangisay na sabi ni Callie sa gilid ko. Si mama ay wala paring imik.
"O kay tamis ng 'yong mga ngiti
Ako'y iyong naaakit..." He smiled.
"Tulad ng rosas nakakaaliw
Di mapigilan mabighani sayo..."He fucking smiled! Lalong namula ang buong katawan ko at pakiramdam ko'y hinuhukay ang kaibuturan ng lamang loob ko. That was the first time I saw him smiling. At nakaka tunaw ng puso. Mas lalo syang naging perpekto.
"At hindi ko hahayaan na ika'y mawawala
Pipilitin ko ang puso mong mahulog saakin..."Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko na hindi pinuputol ang titig namin sa isat isa. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko itong kakaibang saya at kilig sa puso ko.
Saglit na dumako ang tingin ko kay Jace at Hans na ngayo'y umiindak indak parin side to side at papitik pitik lang ng mga kamay. Pero kahit ganoon ay di naman sila nag mumukhang tanga dahil ang gugwapo nila.
Supportive friends ever.
"At hinding hindi ka mag aalinlangan pangako ito
Gagawin ang lahat para sa'yo." pag tapos nya sa kanta."Ang pogi ni Hans. Nakaka laglag ng matres" impit na tili ni Callie sa likod ko. Tila narinig iyon ng lalake kaya naman kinindatan sya nito na lalong nagpa baliw sa babae.
Lumapit saakin ang naka ngiti parin na si Ciann. Bakit ba ngumingiti sya? Kita ko tuloy ang perpekto at puting mga ngipin nito. Tiningala ko sya, tulala parin ako at ayaw mag sink in sa utak ko ang lahat ng nangyayari.
"You're drooling." he chuckled. Napa piksi ako nang hawiin ng daliri nya ang laway sa gilid ng labi ko. Shit kanina pa pala ako naka nganga! Nakakahiya.
"Damnit, Shantelle. You make me do stupid things for you." Hinihingal nyang sabi.
"Ehem."
Lahat kami ay napalingon kay mama. Naka halukipkip ito at seryosong nakatingin kay Ciann.
"Hindi ibig sabihing anak ka ng may ari ng Roses company na pinagtatrabahuan namin ng asawa ko ay basta basta nalang akong papayag na manligaw ka sa anak ko."
Hala si mama. Kung kausapin si Ciann ay parang tambay lang ito sa kanto na nambastos saakin. Ang taray
"Yes, mama. I understand."
Napanganga ako. He smiled at me at nilingon ulit si mama. Kung maka-mama sya ha! Lalo tuloy nanlambot ang tuhod ko.
"Paano ko malalaman na seryoso ka kay Shantelle?" ani mama. Saglit na napa titig si Ciann sakanya bago ito nag taas ng kamay pumitik.
"Ma!" suway ko sakanya. Nakakahiya naman kasi din kay Ciann. Pinanlisikan nya lang ako ng mata kaya wala akong nagawa kundi bumuntong hininga."It's okay, Elle." kinindatan nya ako.
Napatingin ako kay Jace na ngayo'y may dala dala nang isang sakong bigas habang ang isang kamay ay may hila hilang cart na may limang carton ng groceries. Habang si Hans naman ay may tulak tulak na cart na may tatlong case ng Roses beer. Napakurap ako.
"That is for you" Turo ni Ciann sa bigas at groceries. "And that is for papa, po" turo nya sa mga beer. Ngunit mukhang hindi parin kumbinsido si mama na mabuti nga ang intensyon ni Ciann saakin.
Naamaze ako sa pagka magalang nya sa harap ni mama. Kung hindi ko lang sya nakilala bilang mayabang at supladong lalake ay aakalain ko ngayon na ubod sya ng bait.
"E bakit sila tita lang ang may natanggap? Sila ba nililigawan mo? Nasaan ang kay Elle?" nang aasar na sabi ni Callie.
"Huy tumahimik ka." sita ko sakanya. Bumungisngis lang ito at nagpa cute ulit kay Hans.
"Oh I forgot." kinuha ni Ciann ang Iphone 11 nya sa bulsa at saka may tinawagan. "Bring it here." sabi nya sa kausap at saka ibinaba na ito.
Hala? May ibibigay pa sya? E sobra sobra na itong mga nasa harap namin ah!
Hindi pa nag limang minuto ay may itm na kotse nang dumating. Audi R8 na sumisigaw ng kagandahan. Kung hindi ako nagkakamali ay katumbas ng sasakyan na yan ang halaga ng bahay namin.
"And that is for my baby" He calmly said at humalukipkip ng may proud na ngiti sa labi.
"Shuta.." sabay sabay naming sambit ni Callie at ni mama.
"Good morning, anak!" masiglang bati ni mama pagbaba ko sa sala. Naka apron pa sya na tila ba katatapos lang mag luto. Napaka aliwalas ata ng mood nya ngayon."Ano pong niluto nyo?" pumunta ako sa lababo at nag simulang magsipilyo pero naka tingin parin ako kay mama sa pag prepare nya ng pagkain sa mesa.
"Nag caldereta ako dahil may limang kilong manok doon sa groceries na bigay ni Raven." abot tengang ngiti nito. Naningkit ang mga mata ko habang nagmumumog. Kaya naman pala tuwang tuwa sya.
"Si papa po nasaan?" tanong ko nalang. Baka si papa ay makausap ko ng matiwasay dahil sigurado akong kakampihan ako non sa pambabasted kay Ciann. Ayaw na ayaw nyang may manligaw saakin.
"Ah, tingnan mo nalang sa garahe. Kanina pa syang madaling araw doon. Baka naistroke na. Check mo"
Dali dali akong pumunta sa garahe. Nandito nga sya... At naka tulalang naka titig sa Audi R8 na kotseng bigay ni Ciann kagabi na may pulang ribbon pa sa harapan at may malaking note sa windshield na "FOR FUTURE GIRLFRIEND"
"Pa" nilingon nya ako. Nakanganga sya.
"Nak, ilang taon kana nga ulit?" Wala sa sariling tanong nya.
"23 po. 4th year college." Kumpleto kong sagot. Nag taka ako nang ngumiti sya.
"Pwede ka na palang mag asawa!" naka ngiti nyang sabi.
"HA?!" tama ba narinig ko? Pinapaasawa na ako ni papa?! "E diba pa sabi mo pag 26 nako ay doon mo pa ako papayagang mag jowa! Bakit naman asawa agad ang iniisip mo ngayon?" hindi ko mapigilang hindi sumimangot. Ang weird nya ngayon.
"Ah hehe oo nga pala." napa kamot sya ng batok. "Pero anak iba na ngayon. Binibigay ko na ang blessing ko sainyo ni Raven. Mabuting bata iyon e"
Napa sentido ako.
"Nak, picture mo nga ako dito sa kotse mo. Ayusin mo ang anggulo ha. Ipopost ko lang sa peysbuk."
Hindi pa man ako nakaka oo ay nag pose na sya sa tabi ng sasakyan at saka nag peace sign. Mygod, malalagasan ako ng bulbol sa stress!
YOU ARE READING
His Dreadful Game
RomanceCiann Raven Morose is a bad boy singer who happened to be a young billionaire. He has everything. His dreadful game starts the moment he found out that his mortal enemy-Half brother-Vonn Echo Morose is in love with a certain woman. Due to his big ha...