"Alis na po ako Ma, Pa!" nag mamadali kong sabi saka isinukbit sa balikat ang bag ko na naka lagay sa sofa.
"Ingat, anak. Uwi ng maaga." sigaw ni mama sa loob ng kusina habang nag huhugas ng pinag kainan namin ng umagahan habang si papa naman ay tango lang ang sinagot dahil busy ito sa panonood ng NBA.
Pag labas ko ng gate ay isang grey na limousine ang bumungad saakin. Mabilis na bumaba ang lalakeng naka all black na naka sakay sa front seat saka umikot para buksan ang pangalawang pinto sa likod.
Napa pikit ako. Seryoso pala talaga si Ciann sa sinabi nya kagabi.
Hindi na talaga tama to. Kailangan ko syang makausap at sabihing hindi ko naman sya mahal talaga at hindi para sakanya ang message na nareceive nya. Grabe, nahihibang na sya."Good morning, lady." ngiting-ngiti na bati ng body guard. Nakita ko tuloy ang dilaw nyang ngipin na tinabunan lang ng fake braces. Hindi ito kasing gwapo ng mga body guards na nakikita ko sa kdrama.
Kinuha ko ang phone ko sa bag at saka dinial ang number ni Ciann. Lintik na lalake yan.
Ilang ring lang at sinagot na nya. "Yes?" walang gana nyang bungad.
"Ano to, Ciann? Hindi ko kailangan ng mga to!" bulyaw ko dahil nag iinit na ang ulo ko sakanya
"I'm hella busy with my rehearsals kaya hindi ako makaka hatid sayo sa school but I'll fetch you later, don't worry."
"H-Hindi! Hindi ko kailangan ng body guards. Please, okay na ako sa pagcocommute." Pakiusap ko. Napatingin ako sa dalawa pang men in black na lumabas ng sasakyan. Jusko
"Sundin mo nalang ako." matigas na sabi nya sa kabilang linya. "Malilintikan ka sakin pag nalaman kong tumakas ka sa mga tao ko."
And with that, he hang up the call. Napasabunot ako sa sariling buhok. Shuta!
Wala akong choice kundi magpa hatid. At kahit sa paglalakad ko papuntang room ay naka sunod saakin ang dalawang lalake. Ang isa naman ay nag bantay sa sasakyan.Nag tatakang tumitig saakin ang lahat ng kaklase ko nang pumasok ako sa room habang ang dalawang malalaking lalake naman ay naka tayo lang sa labas ng pinto, binabantayan ako.
"Care to explain?" naka halukipkip na tanong ni Callie. "What's happening? May kikidnap ba sayo kaya may bantay ka? Ano ka, anak ng presidente?" taas ang kanang kilay na tanong nya. Napabuntong hininga ako.
"Hindi. Pero girlfriend ako ng isang Ciann Raven Morose." pag amin ko. Sinigurado kong sya lang ang makakarinig dahil ayokong makalbo ng mga babaeng nagpapantasya kay Ciann.
Napasinghap sya sabay takip sa bibig. Parang nag laro agad sa isip nya yung ganap ng pag hila saakin ni Ciann sa canteen habang kumakain kami.
"Hayop ka!" mangiyak-ngiyak na sabi nya. "Ang swerte mo! Paano nangyari yon?!"
I rolled my eyes. Kung para sakanila para akong nanalo sa lotto, para saakin ay isa itong sumpa.
"Chika ko maya" bulong ko nang dumating na ang professor namin.
Buong klase di mapakali si Callie. Excited na excited marinig ang sasabihin ko. Kinikilig pa na ewan.
YOU ARE READING
His Dreadful Game
RomanceCiann Raven Morose is a bad boy singer who happened to be a young billionaire. He has everything. His dreadful game starts the moment he found out that his mortal enemy-Half brother-Vonn Echo Morose is in love with a certain woman. Due to his big ha...