Simula

69 9 2
                                    

***

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Bumangon na ako sa aking pagkakahiga. I brushed my hair using my fingers. What time is it? Nagugutom na ako.

Tahimik kong tinahak ang hagdan pababa. Ang bahay namin ay dalawang palapag. Sa taas ang mga kwarto, like master's bedroom, at ang dalawang simpleng kwarto. Sa baba naman ang sala, kusina, at common bathroom.

Naririnig ko na ang mahinang tunog ng mga kasangkapan sa kusina. Nilingon ko ang lamesa sa dining area, nagkakape roon si Daddy at si Keizah naman ay parang inosenteng tuta na nakatunghay sa ilalapag na almusal ni Mommy.

Simple lang ang aming pamumuhay. Well, minsan ay pinagbibigyan ang mga luho namin magkapatid, lalo na dalawa lang kami. Parehas pang babae. Ngunit tinuruan kaming mamuhay ng simple.

My mom is a house wife, while my Dad is a lawyer.

Nilingon 'ko ang nakasabit na wall clock. Alas sais na ng umaga. Alas siete pa ang pasok namin sa eskwelahan.

Its a normal breakfast with my family. Kamustahan habang kumakain. About sa school and kung sapat pa ba ang aming allowance. Mabilis akong gumayak, naunahan ko pa si Kez na naunang nagising ngunit ang bagal nginuya ang almusal. Nakaupo ako sa sala habang hinihintay siya.

"Sandali ate! Pasensiya na!" She shouted from her room.

Hindi na ako sumagot at umirap na lang. Nakita ko si Mommy na papalapit sa akin. I shifted from my seat.

She smiled.

"Ang bilis ng panahon, noon ay mga musmos palang kayo. Ngayon ay mga dalaga na ang mga anak ko." she said dramatically. Niyakap ko na lamang ang mangiyak-ngiyak na ginang.

Sumunod naman na lumapit si Daddy. Suot-suot ang kaniyang salamin at may hawak na newspaper. His wearing his plain white shirt and panjamas. Napakunot ang aking noo. Tila nabasa ng ama ang tanong sa aking isipan kahit hindi ko pa naisasatinig..

"Its tuesday, Hija. My day off right?"

"Oh. I almost forgot." I answered.

Malalakas na yabag ang nagpatingin sa amin sa hagdan. Habol habol ang hininga, inayos ni Kez ang kaniyang uniporme na nagusot sa pagmamadali.

"Mom, una na kami ni Ate. Dad. Hehe. Ate tara na."

Tumayo na ako sa aking pag kakaupo at humalik sa kay Mommy at Daddy. We bid our goodbyes then went to school.

Huminga ako ng malalim habang naghihintay kay Keizah na nagbabayad sa sinakyan naming tricycle. Inayos ko ang pagsukbit ko sa bag at ni-ready ang sarili sa buong araw na klase, 7:00 AM to 4:30 PM at walang uwian tuwing lunch. Magtitiis na naman kami sa canteen para mananghalian

Marami pang estudyante sa hallway. Kez and I parted our ways. Ang building ng Grade 8 ay nakahiwalay sa building ng Grade 9.

I enter our room peacefully. Inilapag ko ang aking bag sa unang row, kung nasaan ang aking upuan at lumapit sa mga kaibigan.

Nasa reading corner sila ng aming classroom, nagkukwentuhan at nagtatawanan. Tumikhim ako para ipabatid na andito na ako.

"Uy Katana, muntik ka na namang ma-late." Leina said.

Tinitigan ko ang kaibigan.
Leina is my bestfriend since elementary. Kung ipagkukumpara ang physical appearance namin, mas matangkad siya ng kaunti sa akin. Morena habang ako'y halos kulay papel. Her jetblack hair is very long while mine is brown, at lagpas balikat lamang. And we're both slim.

"Oo nga e. Buti hindi. Mapapahiya na naman ako if ever."

Nagtawanan sila at iniba na ang usapan. Halos puro jokes ang binabato ng aming kaibigang bakla.

"Hoy, Oliver! Tama na! Ang sakit na ng tiyan ko!" Reklamo ni Eza.

Tila dininig ng langit ang reklamo ng isa ko pang kaibigan. Dumating na ang aming guro sa unang subject, as usual, nag check ng attendance, nag discuss at nag pa short quiz ito. Of course, hindi mawawala ang pagpapaalala niya how much she despise those late students.

Recess came, magulo ang mga kaklase sa pagsilip sa bintana. Tumili kasi si Aubrey, ang may pagka makati naming kaklase.

"Omg! May transferee! He's so gwapo!" she giggled.

Nagkatingininan kaming magkakaibigan habang kinakain ang meryendang' dala ni Oliver.  Patapos na ang first grading ah? Buti tinanggap pa siya.

Tumaas ang kilay ko sa pagtayo ni Oliver at Eza. Makikiusyoso rin. Naiwan kami ni Leina sa upuan, patuloy ang pag lantak sa masarap na pancake at pag higop sa fresh milk.

I swallowed before talking. "Are they serious? Lumapit pa talaga."

"Wala namang masama 'don, Besh. Curious lang sila. Why don't we take a peak? Baka gwapo nga."

"What--"

Bago ko pa dugtungan ang reklamo, hinila niya na ako. Nagpatianod na lang ako at lumapit sa bintana. I squinted my eyes.

I saw a unfamiliar boy, he's sitting with our T.L.E teacher. Lumingon siya sa gawi namin. Napalunok ako. Huh! Baka isipin niyan gwapong gwapo kami sa kaniya! Hell no!

I smiled at my friends. A fake one.

"Gwapo? Really? Naka mask nga! Paano naman nalaman ni Aubrey?" sabi ko habang papabalik sa upuan.

"Kanina nasa leeg lang 'yon, sayang hindi niyo naabutan. Weird nga, biglang inangat yung mask niya. Bagal niyo kase." Eza answered.

Leina turned to me. "Told yah."

Umirap ako. "Do I look like I care? Well, maganda ang mga mata niya but hindi ko alam kung gwapo. At bakit ba kasi interesado kayo diyan. Eh normal na transferee lang yan."

Napasinghap na lamang ang mga kaibigan ko sa inasal ko. Well hindi naman talaga ako laging ganon. Minsan lang, kapag naaantala ang pagkain ko sa isang walang kwentang bagay.

Bumalik na kami sa proper seat nang dumating na ang susunod na teacher. Normal routines at nag dismissed na siya.

Pumasok sa pintuan ang T.L.E teacher namin. She greeted us. Nilapag niya ang kaniyang laptop. Bago pa siya makapag salita. Nagtaas ng kamay si Aubrey.

Oh, Alam ko na kung saan ito patungo. Let's see, sana hindi ka tarayan ni Mrs. Salvador sa non-sense mong tanong.

My prediction is right, but not everything. Mrs. Salvador smiled after hearing her question. Mukhang good mood ata kaya ganiyan.

"Hmm? You're interested, Hija? Dapat nga'y magiging kaklase niyo siya. But he requested something. Ayaw niya raw sa Pilot Section, the expectations "daw" are high, he's just a normal student. So i put him in Matthew instead here." she explained.

Tumili pa lalo si Aubrey sa sinagot ng guro. She thinks she's inlove raw. Huminga ako ng malalim upang alisin ang maliit na iritasyon na namumuo sa sistema ko at pinagpatuloy na lamang ang paglaro sa ballpen.

One Step AwayWhere stories live. Discover now