***
"Tangina! Ano yun? Tignan mo yung leeg, Leina!" mura ni Eza habang tinuturo yung dumaang lalaki sa harapan namin.
Agad naming sinuri yung leeg nung lalaki. May red spots. Err? Kiss marks?
Umirap si Leina. "Si Lennon 'yan. Kapatid ni Tristan. Si Jessica girlfriend niyan, probably the one who gave him those kissmarks."
"The what?! Kapatid ng bebe ko 'yan?"
Kinaltok ko yung noo niya. OA ne'to ha!
"Bebe? Di ka nga pinapansin uy. Matanda na yang Lennon na 'yan, alam niya na ginagawa niya." tumawa ako.
"Correct ka dyan!" sambit ni Oliver.
Pinagpatuloy nilang tatlo yung pagchichismisan tungkol don. Habang ako, sumandal kay Leina at pinikit ang mga mata. My phone beeped.
Tinignan ko ang message at napasinghap. Mabilis ang tibok ng puso ko habang binabasa ang mensahe. Well, hindi ko na nga pala siya nireplyan after that morning. Imposibleng siya 'to.
Its an old friend, nagtatanong kung kamusta ako. I replied then put my phone on my pocket.
Dumating na ang teacher namin at nagsi ayos na ang lahat. Mabilis siyang nagdiscuss at nagbigay ng short quiz. No sweat kong nasagutan dahil halos matunaw na ang guro namin noong nagtuturo ito sa tindi ng pagtingin at pagkinig ko sa kaniya.
Dismissal came, lumabas agad ang mga kaklase ko. Nagpaalam na ako sa mga kaibigan at naunang lumabas. Buti naman maayos ang panahon.
Paalis na ang tricyle na sinasakyan ko ng mahagip ng mata ko si Juan na papalabas ng gate. He looks so good in his complete uniform, napansin ko rin ang bagong tabas niyang buhok.
Siya ang laman ng isip ko habang papauwi. Natigil lang ng magtanong ng direksiyon ang driver.
After a couple of minutes, nasa tapat na ako ng bahay namin. Nagbayad at nagpasalamat sa driver.
Walang tao sa sala. Baka nasa kwarto si mommy, nagsi-siesta.
Umakyat agad ako sa kwarto at nagbihis. Binuksan ko ang kurtina, gayon din ang bintana. Natatanaw kasi rito ang bukid. Ang mga palay ay kulay yellow na, ihaharvest na sila. Bago pa man bumagyo ng matindi. Kung hindi, masasayang ang pagod ng mga magsasaka.
I love this part of my room, lalo na kapag napapaaga ang uwi ko sa hapon. I am able to watch the gorgeous sunset. Ang relaxing tignan habang unti unting lumulubog ang araw.
Di kalayuan nakita ko ang mga batang naglalaro. How i miss being like them. Laro lang lagi. Walang projects, assignments at exams. Sugat lang ang iniiyakan hindi problema sa pag aaral or sa kaibigan. Unlike now, reality kinda sucks pala. Noong bata akala natin sobrang ganda ng mundo kapag tumanda na. But we're wrong. You can say that the world is cruel, people are cruel. I can say that through observing the surrounding.
Bata pa ako, hindi ko pa nga nararanasang umiyak dahil sa lovelife. Pati sa family problem, alagang alaga kami ni Kez ng parents namin. Kaya hindi ko pa naeexperience ang masaktan ng sobra.
Pag iyak sa failed quizzes at misunderstanding with my bestfriends palang ang na-try ko.
Natawa ako sa mga naisip ko. Ang lalim. Iyon kasi ang lesson namin sa E.S.P, about reality. Naririnig ko pa ang boses ng teacher namin sa utak ko.
Sumilip ako sa bintana, madilim na. Sinara ko na ito at hinawi na ang kurtina.
Umupo ako sa upuan sa tapat ng salamin. Hindi ko pa pala natanggal ang ponytail ko. Ang sakit tuloy sa ulo.

YOU ARE READING
One Step Away
Teen Fiction14 year old Katana Rozz wants to walk away, hoping to have some courage and strength to never look back. But every step she took, it was another step away from her heart. Will she found herself coming back to her oh-so-called first love? Or permanen...