***
Malaki ang mga hakbang ko habang sinusundan si Andrew para hindi ito maligaw at mapunta saan.
Today is sunday, church time. Kakarating lang namin sa pinaka malapit na mall. Kanina sa simbahan, me and kez were confused the whole time. Kapampangan kasi ang gamit nung pari, onti lang yung naintindihan namin. But that won't stop us from praying, to give thanks to Him.
"Hey, baka madapa ka." Paalala ko sa pinsan habang napapakamot nalang sa ulo. Sinipat ko si Kez na nakatawa habang tinutulak ang stroller ni Ceddie.
Nag dedesisyon pa sila tito kung saan kami kakain ng lunch. It's already 12 in the afternoon kasi.
Bahagya kong nakita ang repleksyon ko sa salamin. I am wearing a purple cropped top with a ribbon in the shoulder part, and a maong skirt. Naalarma na naman ako ng makitang lumalayo na naman sa tabi ko si Andrew.
"Let's go, greenwich na lang? What do you think?" Tanong sa amin ni Tita.
Tumango ako at humawak sa sling bag na may lamang perfume at cellphone.
"Kahit saan tita," sagot ni Kez habang nasa alaga niya ang atensyon. Lumapit sa banda namin si tito at hinila si Andrew na nagsisimula nang toyoin.
"Andrew, behave. Kakain na tayo."
"Toy! I want a new toy, dadeee." He shouted. Tito pinched his cheeks and laughed.
"Marami ka pang hindi nalalarong toys sa bahay 'nak. Let's go." Tumango sa amin si Tito at nauna nang maglakad.
Pagdating, naghanap na agad ako ng table namin. Iyong for 5 people, itinanong pa kung kailangan ng chair para sa bata. Nakita kasi ng waiter ang nakatalikod na stroller.
"Months old palang po yung baby. Stay na lang siya sa stroller niya. Thank you." I answered. Ngumiti lang ito at tumulak na pabalik sa trabaho.
"Kain lang kayo, sige." Si Tita habang tinuturo yung mga pagkain na inorder niya sa lamesa.
Dumampot ako ng tissue at pinunasan ang bibig ni Andrew na puno na ng sauce ng Carbonara. He smiled sweetly. "Thanks, Ate." I pat his head.
Agad akong nabusog at kinalkal sa bag ang cellphone. I took a photo of Andrew's face, masunurin naman siyang ngumiti at nag pacute sa camera. Ipinost ko ito sa story ko sa facebook, with a sticker that says "My Sunday."
We rest there for a while. Then, nag aya na si Tito na maglibot at tumingin ng mabibili. "Katana, remind me and your tita pala, mag grocery tayo bago umuwi." Wika nito.
"Sure, tito." I felt a beeped from my sling bag. Busog na si Andrew kaya mas naging masigla ito, i can't take a peek on my phone. Baka mamaya biglang tumakbo 'to kung saan, nakakahiya kila Tita.
Napadpad kami sa Guitar shop. Nagtanong tanong si tito. Narinig ko na wala pang bagong style at dating from the abroad.
"Ganito rin yung binili ko last month, pare."
Biglang kumawala sa hawak ko si Andrew. Hinabol ko siya agad at napagtantong gusto niyang tumingin sa mga bicycle.
Kumaway kaway siya sa magulang niya. "Here, daddy! Look!" He beamed.
Umiling iling ang daddy niya at lumapit na rin. Dahan dahan namang tinutulak ni Kez ang stroll. I tiptoed and saw Ceddie sleeping sound.
"Dade, luma na po yung bicycle ko. Diba ate? You saw it in the garage." Pangungulit ni andrew. Nagkatinginan na lang si Tito at si Tita.
Napaka gastos talaga ng batang ito, pagbibigyan yan tignan mo. Spoiled brat amp.
Lumuhod sa sahig si Tito at pinantayan ang tingin ng anak. "Pero ayan na ang birthday gift mo?"wika nito.
YOU ARE READING
One Step Away
Teen Fiction14 year old Katana Rozz wants to walk away, hoping to have some courage and strength to never look back. But every step she took, it was another step away from her heart. Will she found herself coming back to her oh-so-called first love? Or permanen...