***
Ilang araw na ang lumipas simula nung maulan na gabi na iyon. Hindi ko makalimutan ang madilim at seryoso niyang tingin, sa ilalim ng dilaw na ilaw mula sa poste. Ang mabilis na tibok ng puso ko habang nawawala siya sa paningin ko.
Wala lang ito, siguro'y nanibago lang ako. Tuloy pa rin ang sigla sa groupchat namin. Ang usap naman namin ni Juan sa private message ay hindi na nagtuloy. So I am very surprise sa pag popped ng kaniyang pangalan sa messenger ko right now.
Nakaupo ako sa tabi ng bintana dito sa classroom. Masakit ang ulo ko kaya nagpaiwan ako. Ang tatlong kaibigan ay nagpunta sa canteen.
Sumulyap ako sa labas bago tinuon ang pansin sa mensahe niya.
Juan:
Are you absent?
Me:
Nope. Not feeling well, kaya hindi lumabas.
I resumed my thoughts while waiting for his reply. Nakita niya ba sila Oliver? Sabagay, halos lagi kaming magkasamang apat. Nakakapanibago siguro makitang tatlo lang sila. We're not that popular but siyempre si Juan itong kausap ko, ka batch namin. Also, my internet friend.
My phone beeped.Juan:
Ah. Sige pagaling ka. : )
Hindi ko alam ang aking irereply kaya in-off ko na ang cellphone ko. Saktong lumapit sakin si Loren.
"Hi!" she greeted.
I smiled at her, isinenyas ko sa kaniya ang upuan. If the three are my bestfriends, Loren is my friend. We're not that close, but still, our relationship is better than my other classmates.
She asked me about the mystery boy daw, that night. I sighed and answer her.
"Ah. Wala 'yun. Si Juan at Kian. Kaibigan namin ni Eza."
Her forehead creased. "Ah! How come? Taga-Matthew yon diba. Oo pala, yun ba yung transferee? Yung crush 'non?" She twitched her lips and point at Aubrey.
I nodded and massage my forehead. Tumigil naman na siya sa pag intriga, nakuha ang maayos kong pag didismissed sa topic na iyon, nagpaalam siya at umalis na at nakita ko namang papalapit sila Eza.
"Sino next subject?" Leina asked while sipping her orange juice.
"Si Ma'am Jeraiah ata." sabi ko.
Dinaluhan ako ni Eza at tinitigan. "Kamusta pakiramdam mo? Umuwi ka na kaya?" I shook my head immediately.
"Ayos naman na. Kulang lang ata ako sa tulog."
"Baka naman kase todo isip mo kay Brix, ate." Oliver laughed.
Inirapan ko na lamang siya. Nang matanaw ang oras sa aking relo ay sinabihan ko na silang umayos at umupo sa proper seat.
Masyado yatang halata ang iniinda ko at tinanong pa ko ng katabi ko na si Leandro. Nagsalamin ako gamit ang naka-off na cellphone. I look pale.
Kinalkal ko ang aking bag at hinanap ang liptint. Agad ko namang nakita, using my phone as a mirror, i applied light amount of tint. Ang shade nito ay Pink Sorbet, may pag pink ngunit may halong light red.
Itinali ko 'rin ang aking buhok sa isang bun. Mainit kasi. Ms. Jeraiah came, our science teacher. She discussed and gave us some seatworks. Nagpaalala pa itong may quiz bukas bago tumulak palabas ng room.
I am feeling better now. I saw Eza in my peripheral vision and turn to her. I winked at her.
"Ang ganda mo." sabi niya ng walang boses. I raised my middle finger.
She laughed and shout. "Sama ng ugale mo, Rozz!"
I giggled and turn my head in my notebook. Wala sa sarili kong isinulat ang pangalan ni Juan. I find his name cool. Gabriel Juan. Modern with a touch of makaluma. Inekisan ko ito at pinatungan ng maraming linya gamit ang ballpen.
Dumating ang oras nang lunch. Tahimik akong sumusubo ng pagkain ko. Eza's mouth is unstoppable, kahit puno ang bibig ay panay ang talak.
I glared at her. "Shut up, will you?"
Humalakhak ito at napatingin sa kabilang lamesa.
"Uy sila Kian 'yon ah?"
Agad ko namang sinuyod ang canteen at nahagilap nga sila Kian sa di kalayuang mesa. Nakita ko si Elias na katabi si Juan, nagtatawanan sila. Nasa harapan ni Juan si Bella na nakanguso, inaasar yata siya ni Elias. Napainom naman ako sa baso ko nang makitang katabi ni Bella si Brix.
Same circle of friends pala sila? Bakit wala siya sa groupchat? Tinignan ko ang table nila, tahimik na kumakain si Brix. Paminsan minsan silang nag uusap ni Kian. Pero madalas ang tawanan at asaran ni Elias, Kian at Juan. May isa pa silang kasamang babae na hindi ko kilala.
Nagtagpo ang tingin namin ni Juan. Agad siyang umiwas at may bumulong kay Elias, at pinasa naman ni Elias kay Kian, pero hindi niya na ito binulong. Lumingon samin si Kian at kumaway habang nakangiti.
"Hello!" Eza greeted.
Kumunot naman ang noo ni Leina at Oliver. Ipinagpatuloy ko ang pagkain.
"Close kayo?" Leina asked.
"Yep. May group chat. Hindi kita pina add. I know you're annoying. Mag lileave kalang."
She sipped on her glass. Tumango si Oliver.
"Oo Katana. Good idea." sabi nito at tumawa.
"Well, masaya kaya. Nakakatuwa silang kausap. Except kay Bella.", Lumapit siya sakin at hininaan ang boses. "Naiirita ako sa kaniya Rozz. Ang landi, she's obviously hitting on Juan."
"Baliw ka. You're imagining things." Depensa ko.
Pero sa totoo lang, napansin ko 'rin yon. Hindi ko lang sinabi kay Eza dahil kilala ko 'yon. Magiging pangit ang turing niya lalo kay Bella kapag nalaman niyang hindi lang siya ang nakakapansin. Wala na kaming dapat pake don kaya bakit ko pa papakeelaman diba? Edi landiin din ni Juan si Toribella.
Nagkibit balikat lang ang kaibigan. Sumabat naman si Leina.
"Err, busy ako magbasa ng wattpad stories eh saka tamad ako magtype. Buti naman Katana. Eh si Oliv?"
Tinignan ko si Oliver at sumagot kay Leina. "Yang baklang yan, busy yan sa student council. Maingay don, eh diba marami ka ring GC, Oli?"
"Yes btch, tama ka. Pero sayang ha, sana close ko na yung si Gabriel. He's hot. His eyes! Damn! So expressive!" kumikinang ang mata niya habang pinupuri si Juan.
"Si Juan?" i asked.
Napataas ang kilay ng bakla. "Juan? Si Gabriel kako. Ay! Second name niya? Wow ha. Close kayo 'teh?" biro niya sakin.
"Susungalngalin kita diyan. Tigilan mo ko. Trip ko eh bakit ba."
Nag asaran pa kami doon, later on naiba rin ang topic namin. Natapos kaming kumain at nagpahinga pa saglit. Nakita kong umalis na sila Kian. Nakita ko pang pumunta ng cashier si Brix. Naiwan siya sa loob, dahil malapit kami sa cashier, dumaan sa harap ko si Brix. His curl hair looks so soft. Nanuot ang panlalaki nitong pabango sa ilong ko.
My friends are busy, may tinitignan sila sa cellphone ni Eza. Hindi ko na inusisa pa.
"Girls let's go na. Baka ma-late pa tayo." Yaya ko at nauna nang tumayo.
Sumunod naman agad sila at nagpatuloy ang tinitignan habang naglalakad sa hallway. Sinalpak ko naman sa tenga ko ang itim kong earphones at ni play ang favorite kong kanta na "Iris" na ni-cover ni Khalil Ramos. Bumuntong hininga ako nang narealized na halos limang oras pa bago ako makauwi. Gusto ko nang humiga sa malambot kong kama.
Nilingon ko ang tatlo na na mabagal naglalakad. Naiiwan ko tuloy sila.
"Bilisan niyo. Sumasakit na naman ang ulo ko sa sikat ng araw." Reklamo ko. Agad naman silang umayos at binilisan na ang paglalakad.
![](https://img.wattpad.com/cover/220379768-288-k785694.jpg)
YOU ARE READING
One Step Away
Fiksi Remaja14 year old Katana Rozz wants to walk away, hoping to have some courage and strength to never look back. But every step she took, it was another step away from her heart. Will she found herself coming back to her oh-so-called first love? Or permanen...