***
Nasa likod na parte kami ng classroom namin. Nakatayo at tinitignan ang papel na nakadikit sa pader. Pag pasok ko ay nagkakagulo na sila dito. Na-curious ako kaya agad lumapit at nakipagsiksikan roon kahit mag-isa at wala pa ang mga kaibigan.
"Congrats!" biglang may yumakap sa akin.
Si Leina pala. Hindi ko napansin ang pagdating niya.
"Thanks Lei. Congrats din!" I smiled and hugged her.
Simula na ng Second Grading, kaya naman agad pinaskil ng adviser namin ang TOP 10 ng First Grading dito sa classroom namin. To my surprise, Top 2 ako. Akala ko nga hindi ako kasama. Si Leina naman ay pang-apat.
"Pang-lima pala si Astereza!" She announced.
Lumingon lingon ako, wala pa si Eza at Oliver. It's already 7:15 in the morning, swerte nila at hindi magkaklase ang first subject kaya ligtas sila sa sermon.
"Tawagan mo 'ko pag nandiyan na yung dalawa. May pupuntahan lang ako saglit." Winagayway nya pa ang cellphone niya.
Agad akong tumango at bumalik sa upuan ko. Natanaw ko siyang lumabas ng classroom habang hatak hatak si Loren.
Sakto namang dumating si Eza na naghahabol pa ng hininga.
"Walang first subject?!"
"Yes." sagot ko, medyo natatawa sa itsura niya. Messy hair, pale lips, magulong necktie at pawisang noo.
"WHAT THE HELL. NAGMADALI PA KO NG BONGGANG BONGGA! DI MO MAN LANG AKO NICHAT!" sigaw nya sakin habang nagpupunas ng pawis.
"I was busy!" Hinaba ko ang nguso ko at tinuro ang likod na part ng classroom.
"Ano 'yon?"
"Top 5 ka."
Agad siyang tumili at nagtatalon. Silly girl. Parang kanina lang akala mong leon, tapos ngayon hanggang tenga na ang ngiti.
"Let's celebrate! Where's Leina ba?" tanong niya habang nag-aayos ng sarili.
"Lumabas kasama si Loren. Ewan saan pumunta. Wala pa nga rin si Oli."
"Mayroon akong alam na Unli Chicken Wings Place, punta tayo later."
Nag-ring ang cellphone ko. Agad kong itong sinagot. Tumayo ako at lumabas ng classroom. Si Oliver ang tumatawag.
"Saan ka na?" Bungad ko.
"Friend, i can't go to school today. I am sick! Grr!"
"Hala! Sayang, magcelebrate daw tayo. Hindi mo ba kaya? Maaga pa. Pwede kapa humabol sa second subject, nakatanga lang kami right now."
"Walang first subject? Gustuhin ko man, Mom won't let me. Celebration? Anong meron teh?" tanong niya habang umuubo pa.
"Pinost na ni Ma'am yung top 10. Nakalimutan ko kung pang ilan ka. Pero kasama ka. Pangalawa ako tapos magka sunod si Leina at Eza. Pang-apat at lima."
"Peke ka talaga! Kinalimutan amp!" Biro niya.
Our conversation went on and on. Kinailangan ko lang magpaalam na at natanaw ko na si Loren at Leina kasunod ang teacher namin sa second subject.
"Sige na. Nandito na si Ma'am English. Oo, ieexcuse kita." Sabi ko at pinatay na ang tawag.
Pumasok na ako sa loob kasabay ng dalawang kaibigan at ni Miss Carmen.
"Tumawag si Oli. He's sick daw." bulong ko kay Leina habang papasok kami sa room.
Tumango lang siya at ngumiti. Bumati na si Miss Carmen kaya umayos na ang lahat at bumalik na sa mga proper seat. Dahil sa gala mamaya, atat na atat na'kong matapos ang klase for today.

YOU ARE READING
One Step Away
Novela Juvenil14 year old Katana Rozz wants to walk away, hoping to have some courage and strength to never look back. But every step she took, it was another step away from her heart. Will she found herself coming back to her oh-so-called first love? Or permanen...