Kabanata 8

15 3 0
                                        

***

Malalaking patak ng ulan ang nakita ko nung sumilip ako sa bintana. Ano pa nga ba? Umuulan na naman. Rainy season eh.

Bumalik ako sa silya ko at pinagpatuloy ang ginagawa. Alas cinco na, kanina pa dismissal. Mag-isa nalang ako dito, tinatapos ang ipapass kay Ms. Jeraiah na hanggang 5:20 lang daw nandito.

Natapos ko na 'to kagabi pa, but earlier, fate played on me. I was walking in the hallway, holding the paper that contains my work. Unluckily, I bumped into someone, she's not familiar. Outsider ata.

"Omy! Im so sorry! Shems." inagaw niya pa sakin ang papel na natapunan ng hawak nyang ice coffee.

Bumuntong hininga ako, buti hindi natapunan ang uniform ko. Nakaiwas ako agad.

Pinagpag niya ito pero hindi na umayos ang itsura ng papel.  Lumala pa. I gave her a half smile.

"Sa susunod Miss, tumingin ka sa dinadaanan mo. I thought mapapansin mo akong kasalubong mo. Nasa tamang linya kase ako, unlike you." Mahinahon kong saad.

Binaling ko ang tingin sa papel kong hawak niya. Dahan dahan niyang inabot 'yun sakin.

"Sorry talaga. Kachat ko kasi yung boyfriend ko, hinahanap ko yung room niya."

"Whatever. Gotta go. Thanks for ruining my day." i said in a serious tone.

Nilingon ko pa saglit ang cup ng kape sa sahig na tumapon bago tumulak papunta sa classroom.

Iniwan ko siya don. Nakakainis, paano na? Kailangan kong umulit. Pinauna ko na ang mga kaibigan ko, ayoko na silang idamay sa katangahan ko. Well, katangahan nung babae. Bwiset!

Palundag lundag ako habang papunta sa faculty room para ipasa ang gawa. I checked the time. 5:15 PM. Yes! Umabot. Buti na lang, kung hindi baka masakal ko yung babae kapag nagkita kami uli.

I wonder kung sino yung boyfriend niya? Ah ewan bahala siya. Pake ko ba, panira siya sa buhay ko.

"Thanks po!" Ngumiti ako kay Ma'am Jeraiah.

Binalikan ko yung gamit ko sa classroom at nilocked na ito. Napanganga ako ng narealized kong wala akong payong. Mababasa ako! Kahit sasakay ako, malayo ng onti ang toda ng mga tricycle sa gate.

Nabuhayan ako ng loob ng makita si Sir AC. Close kami neto kaso hindi namin siya subject teacher. I greeted him. Sinulyapan ko yung hawak niyang dilaw na payong.

"Sir ehem baka naman. Isosoli ko den. Ehem." Parinig ko habang nakapako ang tingin sa umbrella niya.

"Sige Samson, isoli mo 'to ha. Ingat pauwi..." Inabot niya na yung payong.

Agad akong nagreklamo sa tawag niya sakin. Kalaunan, nagpaalam na itong mauuna na siya papunta sa kotse niya. Pauwi na daw si Sir. Buti naman nasaktuhan ko siya, nakadekwat pa 'ko ng payong.

Lumabas na ako sa gate habang mariing nakahawak sa payong. Nagulat ako ng makita ko si Juan. Mag isa lang siya. Nakahilig sa gilid ng tindahan habang umiinom ng mineral water. Infairness, ang gwapo ha.

Naka-pang bahay na siyang damit. Meaning, umuwi na siya at bumalik lang.

Hinawi ko ang buhok ko bago lumapit sa kaniya. Wala naman ng tao masiyado kaya okay lang naman siguro. Besides, wala naman din akong pake kung meron.

Tiniklop ko ang payong habang tumatabi sa kaniya. Nakaharap siya sa kalsada, ganon din ako. May bubong naman kasi tong pwesto namin, di na kelangan ng payong.

"Bakit andito ka pa?" Tanong ko habang kunwaring inaayos ang payong. Di ko siya kayang tignan sa mata 'noh.

"Na-late ka nang uwi?" Humarap siya sa akin.

One Step AwayWhere stories live. Discover now