***
Nagtilian ang crowd sa paglabas ng unang contestant para sa pageant na ito. Palakpakan at tili ang maririnig dito sa Gymnasium ng aming paaralan.
Pinadyak ko ang paa kong nangangawit na sa kakatayo. Dahil may event naman, pinahintulutan kaming mag civilian. Good thing that I wear something comfortable, off shoulder top and a high waist pants. Pinaresan ko ito ng kulay kremang flat shoes.
Tinignan ko ang mga kaibigan sa aking tabi na todo support sa rumarampa kahit hindi naman nila ito kilala at plus the fact na katunggali ito ni Xenon at Mika.
"Let's welcome the Junior Representatives! The Grade 9 students! Starting with Ms. Mika and Xenon of Luke!" anunsyo ng emcee.
Nagpalakpakan ang lahat lalo na ang section namin. Sinamahan pa namin ito ng pagtili. Madrama silang naglakad, by pair ang rampa ng pageant na ito. Buti na lang nasabihan kami tungkol doon. Kaya nung namili kami habang nag memeeting last week, bumase din kami sa chemistry na mamumutawi kapag sabay itong naglakad.
Gusto naming manalo kaya nagplano talaga kami at naging hands on dito.
Luminga linga ako, naghahanap ng bakas ni Brix. Bumaling ako sa stage, pa exit na ang dalawa kong kaklase. That means! O-M-G IM NOT READY!!!
Napanganga ako sa aking nakita. Si Brix, ma-ginoong inaalalayan ang kaniyang partner, while wearing his killer smile. Nakakapanibago ang itsura niya. Nakilala ko siya bilang si Curly Boy right? Today, ni straight nila ang kaniyang buhok at buong puso itong hinagod gamit ang suklay at gel. His white teeth is showing. How adorable.
Mabilis natapos ang sandali na iyon, tumalon na ang emcee sa pagpapakilala sa Senior Representatives which are the grade 10 students.
Niyugyog ako ni Eza na biglang sumulpot sa harap ko.
"Leina! Oliver! Na fall na ata yung kaibigan natin! Look! Omg Katana! Ang gwapo niya diba! Grabe!"
Agad namang dumalo ang dalawa at nagtulong tulong para tuksuhin ako. Sa harap ko pa sila nagsalita tungkol sa mga hinaing nila sa kagwapuhan ni Brix.
His pink lips flashed on my mind. I wonder if it's soft? Oh gosh! Pinagnanasaan ko ba siya? Bakit ko 'to naiisip?
Napaigtad naman ako sa boses ng emcee. Iaannounce niya na ang top 10, bale limang pair.
Magkalapat ang palad ko habang hinihintay ang pagsasalita nito. Nagtilian kami ng mapasok si Mika at Xenon.
"Go! Luke! Mika! Xenon! For the win!" sigaw namin.
Of course, hinihintay ko ang pagbanggit sa pangalan at section ng 'crush' ko. Pinagpipilitan ito ni Eza, noon pa man, well I think so too. Palunok lunok ako habang hindi pa rin pinaghihiwalay ang mga palad habang nakatingin sa stage.
"Kabado para sa result ah?" malamig na sambit ng lalaki sa tabi ko.
Lito akong lumingon at chineck kung ako ba ang kausap niya. Bakit bigla namang nawala yung tatlo kong kaibigan? Yan tuloy may biglang sumulpot na lalaki sa tabi ko at magsasalita habang nakatingin sa stage. Weirdo.
"Excuse me? Are you referring to me?" maarte kong tanong habang pinapasadahan siya ng tingin.
He chuckled. Inilagay niya sa bulsa ang kaniyang kamay.
"Sa tingin mo?"
Tumaas naman bigla ang kilay ko. Aba. Siraulo ba to?
"Mr. Whoever-You-Are, just go away. Im trying to focus here, can't you se--" Pinutol niya naman agad ako.
"Juan. Juan ang pangalan ko. Okay sige, as you wish." he said and after that, he walked away.
Ano nga ulit yung nangyari? Pwedeng i rewind? Ang gulo ye. I rolled my eyes and put my attention to the reason why Im here. Napangiti naman ako, nasa stage din si Brix at ang kaniyang partner. That means na pasok sila sa next round. Hindi ko tuloy narinig ang pagtawag sa kanila ng emcee dahil sa weirdo na lalaki na iyon.
Omg wait! He looks familiar! Sino na nga ba ulit iyon?
Napatutop ang aking bibig sa narealized. Siya yung crush ni Aubrey! Yung transferee! Kita mo na! Transferee pero ang angas ng asta. Lumingon lingon ako para tignan if he's here pa sa gawi namin. But, i only saw my friends walking towards me. Mukhang galing silang canteen base sa hawak na bottled water at biscuits.
"Problema mo beh?" Si Oliver.
Humalukipkip naman ako at binalingan silang tatlo. "Iniwan niyo 'ko."
Tumawa si Leina at hinawakan ako sa braso. "Eh alam naman naming gusto mong makita ang pag akyat ni Brix diyan sa stage kaya hindi ka na namin inaya. Hihi"
Mas nairita pa 'ko sa sinabi niya! Hindi ko nga nagawa, beshies! May umepal kasi. Gusto kong sabihin ngunit hindi kona inisatinig.
Inabutan ako ng tubig ni Eza at ininom ko naman agad ako. Tinry kong mag focus sa panonood at nagawa ko naman.
After an hour, winawagayway na ng emcee ang envelope na naglalaman ng result ng "Binibini at Ginoo". Corny ng pangalan ng pageant 'diba? Halatang di pinag isipang mabuti.
Napapalakpak ako sa naging resulta. Brix won! Okay Katana! Wag masyadong pahalatang masaya ka, baka suntukin ka ni Xenon. Well, first runner up naman sila ni Mika. Not bad hano! Ang dami kayang contestant at halos lahat eh deserving.
Pinatahimik ng emcee ang crowd.
"Any message? Mr. Brix? Ms. Noreen?"
Kinuha ni Brix ang mic at ngumiti.
"Una sa lahat, nagpapasalamat ako kay God. Sa adviser ng Matthew, mga classmates! Eto oh! Nag title tayo. Para sa atin 'tong lahat. Yun lang. Thank you ulit." He said while smiling then pinasa niya kay 'Noreen' yung mic.
Nagtilian naman kaming magkakaibigan sa isang sulok. Balak pa nilang magpa picture ako kay Brix, but thanks to Heaven, Im safe from embarrasment! Agad kaming tinawag sa open field ng school upang mag picture ang buong section with Mika and Xenon. Babalik na sana kami sa gym ngunit agad kaming binawal ng aming adviser. Nandoon daw ang matthew para mag picture, at kailangan na naming bumalik sa classroom.

YOU ARE READING
One Step Away
Ficção Adolescente14 year old Katana Rozz wants to walk away, hoping to have some courage and strength to never look back. But every step she took, it was another step away from her heart. Will she found herself coming back to her oh-so-called first love? Or permanen...