Kabanata 3

23 4 0
                                        

***

Umikot ako sa harap ng salamin dito sa kwarto ko. Pinagmasdan ko ang sarili kung ayos lang ba ang napili kong suotin para sa araw na ito. Today is Sunday, that means magsisimba kaming buong pamilya.

Ayos na siguro ito, basta komportable. Magsisimba naman ako, hindi rarampa.

Naglakad ako papunta sa kwarto ni Kez. Huminto ako sa harap ng pinto niya at kumatok.

"Kez? Tapos ka na ba gumayak?"sambit ko.

Bumukas ang pinto niya, tumambad sa harap ko ang nakatapis pa na kapatid. Pumasok ako at pumameywang sa harapan niya.

"Ang bagal mo naman kumilos. Naghihintay na sila Mommy."

Umirap ito at pinagpatuloy ang paghahalughog sa kaniyang cabinet.

"Ate h'wag ngayon. Im not in the mood." she answered while walking into the bathroom. Bitbit ang napiling damit. Magbibihis siguro.

Bumuntong hininga ako at naupo sa kama niya. Iginala ko ang mga mata ko sa kwarto niya.

Isang taon lamang ang agwat ko kay Keizah or madalas naming tawaging Kez. Madalas kaming napagkakamalamang kambal, dahil halos parehas ang itsura namin. Mas matangkad lang ako ng kaunti.

Ano kayang problema niya? Hindi ko naman inaano, babanatan ako ng "Ate huwag ngayon". Tss, pasalamat siya hindi ko na siya pinatulan. Para lang kaming katulad ng ibang magkakapatid, madalas mag-away. Napadalang nalang nitong unti unti na kaming nagdadalaga. Bilang ate, lagi akong pinapaalalahanan na intindihin ang bunso.

Pumikit ako at nagdasal. Sinilip ko si Mommy na nasa kaliwa ko, taimtim itong nagdadasal. Si Kez naman na nasa kanan ko, tulalang naka tingin sa pari na nagmimisa.

Siniko ko siya. "Kanina ka pa, ano bang problema mo?" Bulong ko.

Tinignan nya lang ako at hindi na umimik. Umismid ako.

Tapos na ang misa at papunta na kami sa favorite restaurant namin. Magkatabi kami sa likod ng Innova na sasakyan ni Daddy. Habang si Mommy nasa shotgun's seat.

"Mom, 'yang anak niyo may problema yata."

Napabaling agad samin ang mga magulang namin. Si Kez naman, nakahalukipkip at nakatunghay sa binatana.

Hinawakan ko ang balikat niya. At agad niya itong inalis. Naalarma naman agad ang tatay ko at iginilid muna ang sasakyan.

"Anak, what's wrong?"

Tahimik akong nakamasid. Humarap samin si Kez, nangingilid luha. Nagulat ako kaya bigla ko siyang niyakap. Napahagulgol siya sa ginawa ko.

"K-kase po, i-inannounced na sa g-group chat namin yung ranking ng first grading, M-mom. D-dad.
Top 3 l-lang po ako." she said while wiping her tears.

Bumigat naman bigla ang pakiramdam ko. So kaya pala siya ganun? Iniisip niya siguro madidisappoint ang parents namin dahil dun. Yes, maybe nakasakanayan na ng parents namin na honor student kami. Pero siguro hindi naman sila magagalit na ngayong grade 8 na si Kez ay hindi na ito top 1 gaya nung grade 7 ito.

One Step AwayWhere stories live. Discover now