Kabanata 12

16 3 0
                                        

***

Pagkatapos naming kumain ni Juan ay agad akong nag-aya pauwi. Papalubog na kasi ang araw, dumidilim na.

"Go inside." utos niya pagkadating namin sa tapat ng bahay.

Umiling ako at ngumiti. He handed me my bag.

"Mauna ka na. "

Iminuwestra ko ang kalsada, sinasabing mauna na siyang umalis tutal nasa harap naman na ako ng bahay namin.

Hindi na siya nakipagtalo pa at unti unti nang tumalikod pagkayari ako bigyan ng isang matamis na ngiti.

Pinanood ko siyang unti unting nawawala sa paningin ko. My heart fluttered.

Suminghap na lang ako at pumasok na sa loob. Dumiretso agad ako sa kwarto pagkatapos makipag usap saglit kila mommy at Kez na nasa sala. May itinatanong pa nga si Kez tungkol sa assignment niya. I told her that i will help her later, i just need to wash up first because i feel dirty.

Ni-charge ko muna ang cellphone ko at naligo. Bumaba din agad ako at tinilungan na si Kez sa assignment niya.

Dumating na rin si daddy kaya nagprepare na si mommy ng dinner. Napaaga nga ang uwi nito, kaya hindi pa nakakapagluto. Nagkamustahan pa kami ni daddy bago ito pumanhik sa kwarto nila at magbihis. Sabi pa nito, tutulungan niya si mommy na mag luto.

Umupo ako sa sofa at binuksan ang cellphone. Bumungad agad sakin yung messages ni Juan.

Gabriel Juan:

Nakauwi na ako.

Ngumuso ako at binasa pa yung iba. I really like this, when someone's updating you without asking. Magaan sa pakiramdam. I don't know why.

Gabriel Juan:

What are you doing?

Kanina pa iyon. He's active 23 mins ago. Hindi ko siya agad nareplyan dahil naligo pa nga ako at tinulungan si Kez.

Nagtipa ako ng reply.

Ako:

Sorry late reply. Tinulungan ko si Kez sa homeworks niya.

After a few minutes, he replied.

Gabriel Juan:

Hm? Okay.

Biglang nag ring ang cellphone ko habang nag iisip ako ng irereply kay Juan. Leina's calling.
Sinagot ko agad.

"Why?" Bungad ko.

"Walang hello hello eh 'noh?" Banat niya naman. Natawa ako.

"Ano nga? Bakit ka tumawag?"

Umubo pa siya ng peke bago nagsalita. "Tomorrow is saturday right? Let's celebrate my birthday!"

My forehead creased, umayos ako ng upo bago magsalita.

"Sa huwebes pa birthday mo ah? Nag-iba?" Biro ko.

"Stupid! Of course not, it's an advance celebrating. May pasok kaya ang huwebes atsaka after dismissal, may family dinner kami."

Napatango pa ako kahit hindi niya nakikita. "So? Anong balak mo ba? Mall? Foodtrip? O baka gusto mong mag swimming ngayong tag ulan?" I laughed.

Tumili siya bigla.

"O-M-G! Binigyan mo ko ng idea! Actually wala pa akong plano, kanina lang kasi tinanong ako nila Mama kung anong balak ko, with you guys."

Napatayo ako sa pagkakaupo ko at umakyat sa hagdan habang nagsasalita. What did she say? Kinunot ko ang noo ko habang pinoproseso ang sinabi ng kaibigan.

One Step AwayWhere stories live. Discover now