Kabanata 11

20 3 0
                                    

***

Mabilis lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Halos pa-tapos na ang ikalawang markahan. Kanina, nag take na kami ng exam. Lagi akong wala sa focus, nahirapan akong magreview. Hindi naman mababa ang scores ko, pero hindi katulad nung nakaraan.

Nasa canteen kami ngayon ni Leina. Naiwan sa classroom si Oliver at Astereza, may inutos kay Oli at nag volunteer tumulong yung isa.

"Ano sayo? Tubig lang?" tanong ni Leina.

Tumango lang ako. Inabot niya sakin yung sukli ko at lumabas na kami.

Binuksan ko agad ang mineral water at sumimsim. Nanuyo ang lalamunan ko sa tagal kong naistress kanina sa room.

"Anyare sa score mo, Kat." Panimula ni Leina.

Nagpatuloy kami sa paglalakad sa hallway. Tinakpan ko muna yung tubig ko.

"Distracted. Ewan ko 'ba."

Sumulyap siya sakin tapos nagtaas ng kilay. Napalingon naman kami sa papalapit na sigawan at tawanan. At dahil may pakaliwa naman na daan sa pwesto namin ngayon, hinatak ko si Leina para hindi na namin sila makasalubong. Para hindi ko siya makasalubong actually.

Nagmatigas pa si Leina pero buong lakas ko siyang kinaladkad. Suminghap ako noong nakalayo na kami. Binitawan ko na ang kaibigan. Hindi na ako naglakas loob na lingunin sila.

"What's wrong?" may pag-aaalala nitong tanong.

I only smiled. Pero sa loob ko, nalulungkot ako. Sa ilang months na lumipas, lagi na kaming mag kausap ni Juan. May mga pagkakataon na ayos naman, pero minsan nagtatalo. Ewan ko kung bakit, pero pakiramdam ko, kahit wala kaming label eh special siya sa akin at ganon rin ako sa kaniya.

Sumakto pa sa exam yung pagtatalo namin. Ilang araw na kaming hindi nag-uusap. I don't know why but im so bothered about it. Kahit ako naguguluhan, i have never been like this. Lalo na kung lalaki ang dahilan.

Maybe im attached.

"Magkaaway kami ni Juan eh." Paliwanag ko kay Leina habang papunta kami sa bench sa tapat ng room.

"Hmm? Magkaaway? How come?"

"I don't know. Sometimes kasi he's super sensitive. Sa messenger ha, pero in person. Goods naman siya." Sagot ko, habang inaalala ang sitwasyon namin nitong mga nakaraang araw.

Inakbayan ako ni Leina tapos tinapik tapik niya yung balikat ko. Sumalampak ako sa bench at ganun rin siya

"Im happy for you. I mean, im happy that you're growing. Look at you, nagdadalaga ka na. Pero you know sis, it's okay na magkaroon kayo ng something. Pero make sure naman na hindi maaapektuhan ang studies mo. Books before boys."

Nilingon ko siya. Ngumiti ako at niyakap siya.

"Grabe Leina! Ang gara talaga huhu." pagmamaktol ko habang hinahampas hampas yung pinag inuman kong plastic bottle sa hita ko.

"Ssshh. Ganon talaga. Basta huwag mo lang masyadong damdamin. Besides, you don't have any label diba."

Tumango ako at ngumuso.

"Hoooy! Pasok na daw!" Napaigtad kaming dalawa sa sigaw ni Eza.

Nasa pintuan siya at nakapamewang pa.

"Bilis! Ma'am Si Katana oh kabagal. Si Leina den ma'am!" sigaw pa nito.

"Hoy sandale napaka mo!"

"Papansin, teka kase!" Sigaw ko at tumakbo para kutusan siya.

Agad siyang tumili at tumakbo papasok. Di kami pwedeng magbasagan ng ulo sa loob so no choice, ligtas siya. Tumalikod at hinatak na si Leina.

One Step AwayWhere stories live. Discover now