Chapter IV - Kasalan na!
*Yawn*
Nakakaantok naman! Ang tagal nung kasal-ni Kim. Bored na ako! Gusto ko nang pumunta sa reception! Pinagala ko naman yung mata ko. Antok na antok na kasi ako eh! Baka mamaya makatulog na ako.
Napatingin ako sa kabilang side while letting out another yawn. I found Jayce looking or should I say staring at-me?! Loko toh ah! Tapos ginaya niya ung hikab ko tapos tumingin na sa direksyon ng kinakasal. Then, nagsmirk siya! Aba! Pang-asar toh ah!
Teka speaking of Jayce naalala niyo yung last incident? Yung nangyari nung isang araw This's what happened.
"Ah siya ba? My future bride to be" tapos inakbayan niya ako!
"Ha?!" Inalis ko bigla yung pagaakbay niya! Loko toh ah! 24 hours pa lang tayo nagkakakilala ah!
"Joke lang!" tapos tumawa siya. Pambihira! "She's just a friend of mine! Sige Reina mauna na kami!"
Tapos umuwi na ako at umuwi na siya. Siguro umuwi na rin yung Reina. Malamang!
Kahapon naman sinamahan ko lang yung makulit na babae na nagi-I do dun sa altar na kunin yung pinakahihintay niyang gown. Kung nakita nito lang yung mukha! Hindi ko alam kung mato-touch ba ako o matatakot! Grabe kung sunggaban yung gown. Akala mo nun lang nakakita ng gown!
After 1800 decades, natapos na yung kasal at nagpicture taking na rin. Gosh! Wasted na ata ako! Tayo kasi ako ng tayo. Malamang maid of honor.
"O pano yan? Iiwan mo na ko at kasal ka na!" tanong ko kay Kim. Bruhang toh! Nagpakasal agad!
"Oo naman!" Nakita niya yata yung deadly look ko! Haha! "Eto naman oh! Joke lang! Alam mo namang wala kang katulad sa mundo!" Awww... Sweet! "Wala naman tao sa mundo na sobrang kulit at laging nakakaranas ng mood swings! Ikaw lang! " Sour! :p
"Sige na nga! Pagbibigyan na kita ngayon!"
Tapos nun siyempre sumakay na sila sa kanilang fabulous car at ako sumakay na rin sa fabulous kong car! Haha! Hinihintay na ako nung wedding cake!
Pagdating ko sa reception, wala pang tao! Nyak! Nauna talaga ako dahil sa excitement? Pumasok na ako sa loob at pinagkukulit si Manong Chef. Pambihira!
"Teka! Batang toh!" sabay palo sa kamay ko, "Sabi ko naman sayo! Hindi pa pwedeng kumuha dyan! "
"Eh! Manong naman eh! Nagugutom na ako! " Ilang beses din pinalo ni Manong Chef yung kamay ko! Pambihira! Kung magka injury ako edi hindi ako makakain nung cake!
"Pambihira ka Katrin! Wag mo naman unahan yung ikakasal! Bakit ikaw ba yung kinasal?" tanong ni Manong Chef
"Oo nga! Pano nalang pag naubos mo yan!"
"Tama! Pano nalang kung-" Sabay kaming napatalon! Pambihira! Bigla nalang daw bang sumulpot!
"Teka pano ka napunta dyan?" tanong ko kay Jayce
"Naglakad? " Tapos tumingin siya sakin na parang nagtatanong ng bakit anong problema dun?
"Ha-ha! Wala pa ba sila? Tagal naman o! Gutom na gutom na ako! Manong Chef naman!"
"Hindi! Dyan na kayo. Ikaw! Mr-basta! Bantayan mo toh ah! Parang awa mo lang!" Sabi ni Manong chef kay Jayce with matching turo! Astig si Manong Chef ah!
"Nagugutom na ako!" inaatake nanaman ako ng sumpong. Oh well!
Umalis na si Manong Chef. Pumunta na yata dun sa lunga niya. Hindi nanaman nagsalita yung kabute kaya tinignan ko siya. Nakasilip yata siya dun sa lungga este yung kitchen sa loob. Hindi ko napansing sa aking na pala siya nakatingin.
"Bakit may dumi ba ako sa mukha?" tanong niya.
"May nakataas sa buhok mo." Sabay turo dun sa part! Totoo naman ah! Meron naman talagang nakataas!
Tinry nyang ayusin pero nataas pa rin eh! Natawa tuloy ako! Ang cute niya eh! Parang bata! Teka ilang taon na ba toh? 10 years old? "Ako na nga" Siyempre nagtip-toe ako kasi hindi dahil hindi ako biniyayaan ng tangkad kasi siya yung biniyayaan. Do I still make sense?
Alam kong habang inaayos ko yung buhok niya hindi siya nakatingin sa taas kundi sakin. Haha! Kaya after kong ayusin tumingin din ako sa kanya. Magkalevel na kami ngayon noh! Nakatip-toe kasi! Haha! He's staring at me, I know.
"Bakit may dumi rin ba ako sa mukha?" tanong ko sa kanya.
"Ahh.. wa- wala." Tapos umiwas siya ng tingin. He's blushing at lalo pa siyang cu-mute.
Tinap ko yung face niya. "Alam mo? Ang cute mo!" Sabay grin. "Tara na andyan na yata sila!" Tapos naglakad na ako papunta dun sa kainan! Gutom pa rin ako eh!
*Yawn*
Ang dami namang seremonyas bago kumain! Pinapapunta na yung mga gustong makiagaw sa boquet. Haaay... Hindi na ako pupunta noh! Eh kung ako makasalo niyan? Lasug-lasog naman katawan ko! Edi wala rin bearing! Naku!
"Osige Ms Bride ihagis mo na yung boquet!" Sabi nung baklang host! Haha! Si Renee, friend ko rin kasi yan ang baklang bestfriend ni Kim. Pero ako naman yung bestfriend of all bestfriends!
Tumingin naman si Kim sa akin na sinasabing sumali ako kung hindi mamamatay ako sa tingin niya. Dinilaan ko nga! Understood na yun na sinabi ko 'Ayoko nga! Behlat!'
At sa kinataas ng langit bigla nalang naglanding yung boquet sa kamay ko! Lahat napatingin sa akin. Parang effortless lang! Grabe Kim! Kaya ang nagawa ko nalang eh ngumiti. Pambihira!
At yung garter? Tama! Nasa kanya nga! Bakit? Inabot lang ni Jake sa kanya. Talagang bagay silang dalawa ni Kim! Parehong may topak! Yun ba yung tinatawag mong paagaw? Pambihira!
Pinalapit na naman kami dun sa harap. NAGUGUTOM NA AKO! Habang lumalapit naman kami sa harapan may sinabi siya sa aking na kinawindang ko!
"Sabi ko sayo ikakasal din tayo eh!" sabay tawa! Pambihira!

BINABASA MO ANG
North Meets South
RomanceLet's do it differently. Two people meet in the right place and the right time. Will it work?