CHAPTER X - The past and the future... daw?

8 2 0
                                    

CHAPTER X - THE PAST AND THE... UHM... FUTURE DAW??

"Ang corny mo ha! " sabay tulak ko sa kanya dun sa hindi ko nakataling kamay.

"Bakit sabihin mong hindi ka na-touch? " sabay pakita ng pang-asar niyang ngiti. Adik talaga 'toh!

"Pang-asar ka alam mo yun! " sabay tawa ko. Pasaway talaga. Mukha kaming timang kasi nakatali yung kamay namin. Pambihira! "Alisin mo na nga yung tali! Ang kulet! "

"Ayoko nga! " Aba't!

"Langya! Ang kulet mo ah! "

At sa ikinataas ng langit may bigla nalang sumulpot na super hero sa harap namin.

"Anong kaguluhan ito?! " si Jake... "O-em-gee! Ano itong nakikita ko? Nahuli ba kayo? " sabi niya habang nakatingin sa kamay namin. Hala! Nakatali pa pala. Kaya yun hinila ko at next thing I know...

*BLAG*

"Aray! "

"Ouch! " pina-sosyal ko lang eh!

Ang sakit sa puwet! Wawa naman ako! At mas lalong wawa si Jayce kasi nadamay siya! Wahahaha! Yan ang tinatawag na...

"Nakakarma na yata ako... " tumpak!

"Hay naku! Ano ba kasi yang pinaggaga-gawa niyo? Pagtingin namin, hindi na naming kasama si Jayce pagkatapos ngayon magkasama kayo. Ang kulet ah! Baka mamaya sinasadya niyo lang maiwan para masolo nio yung isa't isa! "

"Hindi ah! " defensive kami pareho?!

"Ayoko naman kasi pumasok dun eh. Nakita ko naman itong award winning actress dito kaya sinamahan ko. " Paliwanag niya. Tama yun! Tumpak! Defensive talaga! Teka! Did he just call me an award winning actress? The nerve! Pero... pwede na rin! At least may title!

"And the holding hands part? " dakilang usisera talaga 'tong bestfriend ko!

"ah- uhm... yu-yun?? " at tinignan lang ako. Aba? Tignan lang ako? Magpaliwanag ka! Dyan masusubukan ang reasoning skills mo! Asus?! May ganun talaga? "Long story! Naku! Wag niyo na itanong! Kaya kung pwede, tulungan niyo na kami alisin 'toh. " Sabay pakita nung improvised niyang handcuffs. Pambihira!

Dahil mabait sila, inalis na nila. Medyo nahirapan pa nga si Jake kaya nagpatulong kay Kim. Akalain niyong ang higpit nun?

"So? Next ride? " tanong ni Jake! Walang kapaguran talaga 'tong lalaking 'toh!

"Next ride ka dyan?! Hindi ka pa ba pagod dun sa horror house! Pambihira! Hinabol kaya ako ni Sadako! " sabi ni Kim

"Buti ka nga hinabol ka lang ni Sadako, ako yung halimaw sa banga! " at humirit pa talaga si Renee!

"O?! Bakit ganun? Yung humabol sa akin kanina si Jollibee eh! Nakakatakot sobra!" At pinataas nanaman ni Jake yung mga kilay namin. Siyempre may sisinasabi nanaman yung kilay namin. Ano? "May topak ka ba o naka-drugs ka lang talaga?!?! " Tumingin lang din si Jake sa amin. "Totoo nga! Seryoso! Swear! " At dahil dun, tumawa kaming lahat.

Sino nga bang matinong tao ang matatakot kay Jollibee? My Gosh!

"Osige may mas maganda akong idea! "

"ANO?!?!" Hindi rin kami masyadong galit at sabay-sabay kaming nagsalita?

"Parang may galit yata kayo sa akin! " sa totoo lang... Wala! Haha! "Osige! KAIN NA TAYO! "

At yun nagtatakbo na si Jake dun sa fishball stand. Si Kim, sumunod naman. Si Renee, patakbo na sana. Nasa kalagitnaan na nga eh! Pero biglang bumalik. At guess what?! Dinala si Jayce. At another guess what?! Naiwan nanaman ako mag-isa dito. Mga batang yun.

North Meets SouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon