Chapter VIII - Kabadingan

8 2 0
                                    

Chapter VIII - Kabadingan

After nung makabagdam-damin naming pagkikita ni Jeff, umuwi na ako. Haayy.. Wala na naman akong galit sa kanya. Atleast ngayon medyo nagkapatawaran na kami. Sabi pa nga niya mukhang kinakarma na raw siya ngayon kasi tatlong beses na siyang nababasted. Buti nga! Anyway, wala akong pasok ngayon! Yeay! Saturday kasi eh!

Nandito kami sa Restaurant nila Renee. Alala niyo yung baklang host sa kasal ni Kim? Dabarkads namin yan. At siyempre kailangang sulitin ang pagkain na libre! Hahaha!

"Teka nga Kim. Bakit yata ang bilis niyo yata at umuwi na kayo? 3 days pa lang ata ah! Tapos na agad honeymoon niyo? " tanong ko dun sa makulit na bestfriend ko.

"Eh ganun! Paki mo ba? Kaw ba kinasal? " Aba't--!

"Haayy... Adik! " sabi ko sabay kain. Ang sarap talaga dito sa Resto ni Renee! Haha!

"Ang kulet niyo talagang magbestfriend! Haha! Anyway, tignan niyo yung cutie dun sa counter oh! Nakatingin dito! OMG! " sabi ni Renee. Ang landing bakla!

Tinignan ko naman yung sinsabi niya. Aba! Cute nga! (Lumandi rin eh no?!)

"I bet sa akin nakatingin yan. " sabi ko. Natural maganda ako eh! Nyahaha!

"Sira! As if naman noh! Sa akin nakatingin yan! " sabi naman ng malandi ko rin bestfriend. Grabe talaga!

"Hoy! Tumigal ka dyan! " sabat ni Jake. Over protective ha!

"Selos ka lang eh! " at nagasaran pa! Adik!

At yun. Nagkulitan na kami ni Kim. Pinipilit naming sa amin nakatingin yung lalaki. Si Jake naman, naku! Sumasabat pa rin.

"sa akin nga!" sabi ko kay kim.

"sa akin nga! Tigilan mo nga ako Katrin!" sigaw niya sa akin

At siyempre hindi mawawala si, "Tumigil ka na Kim! Ibigay mo na yan kay Katrin!" Jake...

"Hep! Hep! Sa aking siya nakatingin "

Tumingin kaming tatlo sa kanya. At pare-pareho kaming tumaas ang dalawang kilay. Kung nagsasalita lang mga kilay namin, baka sinabi na sa kanya, "SIRA KA BA?! "

"Okay fine sa inyo na! " sabay hirit niya. Pambihira talaga!

"Osige na! Lalapitan ko na yung lalaki at tatanungin ko kung sino ba tinitignan niya sa atin. Okay? " sabi ko sa kanila. Haayy... Mas mabuti na 'toh para magkaliwanagan na.

"Mas mabuti pa nga! Pakisabi na lang sa kanya na taken na ako ha!" sabi ni Kim. Pambihira!

"Sira! As if noh!" sabi ko habang palapit na dun sa lalaki.

Next thing I know nasa harapan na ako nung cute na lalaki at nakatingin na siya sa akin. O ayan! Inatake na ako ng hiya. Pero nagtanong pa rin ako.

"Uhm..." pa-demure effect pa ako. Pambihira! "Excuse me... Napansin kasi naming kanina ka pa nakatingin sa table namin. Itatanong ko lang sana kung kanino sa aming dalawa nung bestfriend ko yung tinitignan mo. "

Tinignan niya lang ako from head to toe. Pambihira! Nagulat na lang ako sa sunod niyang sinabi. Parang nanigas yung balahibo ko habang nakataas!

"Imbyerna ka! Excuse me ha!" sabay pilantik ng bagong manicure niyang nails. (Nyak!) "Hindi kayo tinitignan ko! Yung lalaking katabi nung babae yung tinitignan ko!" sabay walk-out. At hindi nagtatapos yun dun. "Mga ambisyosa! Mas maganda ako sa inyo!" Pambihira! Nakalagok yata ng barbiturates yun eh!

Nagpunta na ulet ako dun sa table namin. Lahat sila takang-taka sa expression ng mukha ko. Para akong nakakain ng siling labuyo at nakainom ng suka plus na glue yung isa kong kilay pataas.

"O ano?! Sabi ko sayo hindi ikaw eh! Haaayyy... Nagwalk-out tuloy! " sabi ng magaling kong bestfriend

"Yup! Hindi nga ako " still with my eerie expression. Nakakabaliw!

"See?! " sabi ulet niya (Napapansin niyo bang lahat ng sinasabi ni Kim may exclamation point? Pambihira! Sigaw ng sigaw!) "Kaya siguro nagwalk-out kasi nalaman niyang taken na ak-- "

"Pero hindi rin ikaw. " Singit ko.

"Anong--?! Anong hindi ako??! " sigaw ULET ni Kim

"Sabi ko sa inyo ako eh! " At tumingin lang din ulet kaming tatlo sa kanya. Bakiltang toh!

"Sige sumabat pa! Mas lalong hindi ikaw noh! " sabi ko sa kanilang tatlo. At parehong tumingin si Kim at Renee kay Jake, sa akin, kay jake ulet, tas sakin ulet, kay jake, sa akin. Hanggang sa napagod na sila at tumingin na lang sa akin. Pambihira! Hindi na lang tumingin sa akin eh! Haha!

"Tama kayo dyan! Renee, kaliga mo yun! At Mr. Jake ikaw ang type niya! "

Sabay na nagtaasan kilay nila. Pambihira! Natalo pa yata nila yung expression ko!

"No way! " sigaw ni Jake habang naga-act as if nasu-suka siya! No wonder na malakas din ang boses ng anak nila. Ang normal sigurong boses nun eh sigaw na para sa akin but anyway,

"Yes way... " sabat ko

At sabay na tumawa sina Renee at Kim. Siyempre, nakitawa na rin ako! Biruin mo yun! Pasaway!

At kumain kami ng kumain ng kumain. Hanggang sa ma-CR na ako. (Hey! Hindi ako yung you-know-what ha! Magu-urinate lang! Hahaha! )

"CR lang ako guys!" sabi ko sa kanila. At yun! Tumayo na ako para pumuntang CR. At kung anu-ano pang seremonyas ang ginawa ko kaya after 10 mins eh lumabas na ako.

Paglabas ko ng CR, lumapit ako dun sa counter. (Hingi lang ako ng tubig! Haha! Uhaw eh! )

Nagulat na lang ako ng biglang may nag-tap sa akin at sinabing "Miss! Isang milkshake nga." Abat--?!

Tumingin ako sa kanya at sa aking panlulumo nakita yung lalaking lagging nangungulit na bayaran ko yung repair bills! Akalain daw bang waitress ako! Uupakan ko na 'toh!

"O Katri-- "

"Una, sorry hindi ako waitress eh! Ikalawa, MUKHA BA AKONG WAITRESS?! "

"Sorry naman! You belong kasi eh! " Sabay ngisi! Anong--?! I belong?? Tapos tinuro niya yung damit nung mga waitress! Aba akalain mong kakulay ng suot ko! Pambihira!

"Gusto mong mamatay?? HA?! " sabi ko sa kanya.

"Eto naman o! Totoo naman oh! "

Tinignan ko lang siya. As in blank stare. Haha! Feeling ko may Phobia na 'tong taong 'toh sa tingin ko. Haha! Kasi ba naman bigla nalang siya nagsalita para mawala yung "PATAY KA SA AKIN!" atmosphere! Tee'hee

"Sige na sige na! Promise! Hindi naman ako nagsisinungaling! Napagkamalan lang talaga kita! And promise

I won't lie to you..." Ewan ko ha. Pero something struck me...

North Meets SouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon