CHAPTER XVII - A question with no answer

4 2 0
                                    

CHAPTER XVII - A question with no answer

Ang kulet talaga ng mga kapamilya ni Jayce. Si boss Ed nga wiling-wili sa pagvi-videoke. Medyo napainom pa nga eh. Haaayy... Buti nga walang nagpapatayan kasi yung kinakanta My Way.

Nga pala nandito ako sa table nung mag-asawang ang tawagan ay 'matanda'. Tama! Yung ninang ni Jayce na nagbibigay sa kanya ng Gerber. Si Kelly naman nasa gitna naming ni Jayce, kumakain.

"Let's break the silence nakakabingi na! " halatang hindi sanay sa tahimik na lugar. "Ninang kamusta naman si Angelo? "

"Sinong Angelo? " Tanong ko.

"Ahh... Ayos lang naman siya Jayce. Medyo nagbibinata na kaya ayaw sumama dito. At Katrin, anak naming nitong matandang 'toh. In short kinakapatid ni Jayce. "

"Spoiled brat. Palibhasa Unico Hijo. Ninang wala ba kayong balak na bigyan ng kapatid yung lalakeng yun? "

"Wala." As simple as that lang yung sagot niya. "Ayoko kasi mapabayaan yung isa kong anak kung sakaling maging dalawa sila. Gusto ko ibigay sa anak ko yung lahat. " Whoa?! Ang lalalim nun ah! Anyway,

"Oo" at yun lang yung nasabi nung matanda-este yung asawa ni Tita Kath. Yup! Alam ko na yung pangalan niya.

After nun. Tahimik na kami lahat. Wala yatang may ganang magsalita eh. Nanonood na lang kami nung mga nagvi-videoke. Si Kelly? Kumakain pa rin. Pambihira! Daig niya pa yung hindi nakakain ng 1 linggo ah! Kanina pa yan kumakain!

Nababato na kaming lahat. Gusto ko sana maglibot-libot kaya lang hindi naman ako papayagan nung lalaking nakaupo dun. *points at Jayce* Alam ko na! Matalino talaga ako noh?!

"Jayce," bulong ko sa kanya "pwede ba mag-cr? " Nice alliby!

"Sasamahan ulit kita? " tanong niya sa akin. Natural hindi noh!

"Kaya ko na. " Ang hinahon ko ngayon gabi ah?

Pumunta ako dun sa kabilang side nung mansion. Siyempre yun yung backyard. Nice. Parang yung garden dun sa harap. Ang linis at may mini playground pa.

Dahil nga sabi ni Jayce isip bata ako, (haha!) umupo ako dun sa swing. Ang peaceful ng place. Hindi katulad kanina. Ang ingay sobra. Makakarinig ka na nga lang ng kumakanta pumupiyok pa!

Tumingin na lang ako sa taas. Ang ganda talaga ng view. Ang peaceful peaceful-

*Blag*

Aray. Nakastrike 3 na ako sa pagkahulog ah. Kawawa naman backbones ko. Bakit ako nahulog sa swing? Tinakpan lang naman ng mukha ni Jayce yung magandang view. Teka? Maganda kaya yung view kung yung nakita ko mukha ni Jayce?!

"Aray ko! Alam mo pag-kasama kita, lagi na lang sumasakit yung katawan ko. Ano bang merong pwersa ka ha?! "

Tinignan niya lang muna ako tapos umupo siya dun sa kabilang swing. Pambihira! Sinabi ko bang tabihan mo ako?!

"CR huh? Eto pala yung tinatawag mong CR. Nice bathroom you got here. " Patawa ka!

"Ha-ha! Nakakatuwa. Hindi naman talaga ako nag-cr eh. Gusto ko lang umalis dun sa napaka-ingay na lugar na yun." Paliwanag ko. Baka mamaya isipin niya sinungaling ako. Nyahaha! Once lang naman.

"Osige na! Hindi rin halatang gala ka ano? "

"Oo na! Sige na! Say whatever you want to say. " Yun na lang nasabi ko. Ayaw ko na makipagtalo kasi enjoy na enjoy ako dun sa view nung langit.

"Huy! Gusto mo kumuha ng isa? " Tinignan ko naman siya. Hindi ba sila nakapag-science nung highschool??

"Hindi mo ba alam na lightyears ang layo ng stars o hindi mo lang talaga alam?! " Tumawa naman siya. Grabe! Tama naman yung sinabi ko ah!

North Meets SouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon