CHAPTER XXVI - Dalawang abnormal na nagaaaway

6 2 0
                                    

CHAPTER XXVI - Dalawang abnormal na nagaaaway

*tik* *tik* *tik*

Ano yun? Orasan dito sa mansion nina Kim. Yun lang yung naririnig dito. War kasi yung dalawang abno. Ang titigas! Hindi man lang nag-uusap! Wait! Pano kami nakarating dito? Mali pala... erase... erase... Pano namin napilit si Kim na bumalik dito? Eto yung steps:

How to deal with an abnormal:

1. Hilain siya with all your might palabas ng bahay mo.

2. Ihagis siya or ibato sa loob ng kotse tapos i-lock agad baka kasi lumabas.

3. Maging mapagpasensya lalo na kapag nangangagat ang mga ito.

4. Pagdating sa patutunguhan, hawakan siya sa 2 braso, italic ng kung ano mang pantali, hilain ulit at ihampas sa pinto.

5. Itulak ulit hanggang sa maka-upo sa sala.

Dyan nagmula ang success story namin ni Jayce sa pagpasok sa amazonang abnormal na babaeng ito. (pahaba na ng pahaba yung description ko kay Kim )

Wala pa ring gusto magsalita hanggang,

"Alam niyo parang nasa trial court tayo ng mga pipi! Ang tahimik niyo ah! Pambihira! Is this what you call as a miracle? " sabi ni Jayce. Wow! May point siya bihira lang yun! Anyway,

"Tama! Atleast na-prove natin ngayon na may words of wisdom si Jayce, " napatingin na lang siya akin. Haha! Tinignan ko lang siya pabalik. Anong problema dun? Sabihin niyang hindi totoo! Pagugunawin ko mundo niya! "Wag niyo sayangin yun guys. Nga pala, mabalik ako..."

"Sana lang may sense na yan ah. " May sense naman yung sinabi ko kanina ha!

"Sira! As if naman walang sense yung kanina totoo naman yun dib a?!" tanong ko kayla Jake.

At ang mga mababait na bata ay tumango. "Tignan mo! Kahit nag-aaway yung dalawa pareho pa rin silang naniniwala na wala kang sense kausap! "

"Pambihira! Ayusin mo na nga lang yang gulo ng dalawang yan! " oo nga naman. Hindi naman pala yun yung problema dito.

"Osige na nga. Guys, please lang sana mag-ayos na kayo. Hindi biro ang pag-aasawa ha! Kinasal kayo kasi nagkakasundo kayo sa mga bagay. " Mukha naman natatauhan na yung dalawa. Tumutungo na rin kasi tapos nagi-iba yung expression ng mukha. O dib a?! Ang galing ko talagang mag-advice!

"Oo nga naman! Ang ko-korny niyo! Ultimo basura pinag-awayan niyo! Ano ba naman yan! Yun lang? Aba! Maghiwalay na nga lang kayo! " bigla ko naman siyang binatukan. Loko-loko rin 'toh! Mukha na ngang magbabati yung dalawa eh tapos ganun pa ka-harsh yung sinasabi! "Anong ginawa ko? " sabi niya habng minamassage yung binatukan kong part. (with matching sabunot yun kaya medyo painful.) :p

"Pinagbabati natin yung dalawa sira! Anong sinasabing mong mag-hiwalay!" sigaw ko sa kanya.

"Ayoko na talaga! Bukas na bukas din magfa-file na ako ng annulment! " sabi ni Kim. Hala!

"Pakisabi sa kanya na wala akong pakialam kung magfile siya o hindi! " sabat naman ni Jake. Hindi na talaga nag-bago yun career niya noh?

"Teka ano ba kay- "

"Pakisabi sa kanya ang kitid ng utak niya! " sigaw ulet ni Kim. Kawawang mga vocal chords. Tsk! Tsk!

"Pakisabi sa kanya na malay ko ban a nagkamali ako ng lagay ng bote ng mineral water! Malay ko bang non-biodegradable yun! "

"Alam niyo guys- " here we go again...

"pakisabi sa kanya hindi lang talaga siya nakikinig nung diniscuss ni ma'am Arevalo nung gr. 5 yung about dun! " tapos tumayo na siya at humarap kay Jake. Papatalo ba naman si Jake?

Tumayo siya tapos "Ang tagal na nun! Ilang years na yun! Bakit ikaw naaalala mo pa ba kung ilan yung bones ng normal na tao? " tanong ni Jake. Ano ba namang klaseng tanong yan!

"Guys maghunosdil- "

"Bakit alam mo ba? "

"O dib a?! Hindi mo na maalala! Eh yung layers of the atmosphere naaalala mo pa kung ano yung topmost layer? Yung rock cycle? Alam mo pa ba kung anong difference ng weathering sa erosion?! Ha?! Ha?! "

Napatingin na lang kami kay Jake. My gosh! Ano ba naman mga tanong yan? Bumabalik sa gradeschool days?

"'Tol! Wala tayo sa Science quizbee. " Sabi ni Jayce habang nakangiti. Pang-asar nanaman 'tong lalaking 'toh!

"Oo nga tsaka ang rock cycle ay igneous muna tapos lithification process, tapos magiging sedimentary na siya. MAguundergo naman yun ng metamorphism hanggang maging metamorphic rock na siya. Tapos sa huli crystallization. Babalik na ulit siya sa paggiging igneous rock. "

Tumingin lang sila sa akin na para bang nagtatanong ng 'Contestant ka sa science quizbee?' Naman! Masama bang sagutin yung tanong ni Jake? Favorite ko ata ang Geology nung highschool!

"Anyway, dali na! Bati na! " sabi ni Jayce. Wow! Parang pre-school lang sila dib a?

"Please. Alam niyo kayo na ang pinaka-magulong pair nag-aaway! Nakaka-loka kaya kapagnag-away ang dalawang abnormal, este, makukulit. So please? Peace na? "

"Basta ba... "

"Hindi na ulit uulitin ni Jayce yung maling pages-segregate nung basura? " sabi ko

"Hindi noh! " sabi ni Kim

"Ano? " oo nga! Ano?

"Sabihin niya sa akin yun pagkakaiba ng weathering at erosion! " Loka-loka! Muntik pa nga akong mahulog sa sofa nun. Mga abnormal talaga yun dalawa.

Ayun medyo ayos na rin sila sa wakas. Sinabi na rin ni Jake yung pagkakaiba nung weathering tsaka erosion. Ang pangit naman ng explanation. At sa wakas, nagbati na rin sila. Nakaka-inis! Ang a-arte!

"Parang may mga sira lang sa mental na nag-away noh? " tanong ni Jayce habang pa-uwi na kami. I mean iuuwi niya na ako. :p

"Sinabi mo pa. Nakaka-awa talaga yung mga magiging anak nila. " Promise! Ang gulo-gulo ng mgaparents nila. Goodluck na lang sa kanila.

"Baka yung mga anak pa nga nila yung magdisiplina sa kanila eh. "

"May tama ka! " tapos natawa na lang kami. Nakakatuwa talaga yung dalawang yun kahit hindi mo ma-gets kung mag-asawa ba o mga nagbabahay-bahayan lang. Mga pasaway!

"Mag-away daw bas a basura? ???At nagkaroon pa ng science quiz bee kanina. Langya! Parang mga bata! "

"Ang babaw. " Atlast! Nakarating na rin kami sa bahay. Pinark na rin niya yung kotse sa garahe. Mukhang magco-commute lang siya para kunin yung sasakyan niya sa mall. Haayy.. Iwan daw ba kasi?!

"Pagsabihan mo nga yang bestfriend mo. Wag agad magalit dahil lang sa basura! " hala! Ako daw ba pasabihin?!

"Ewan ko dun. Basta ako hindi ko aawayin yung mapapang-asawa ko dahil sa basura. Sige babye! Sara mo na lang yun gate. "

"Hayaan mo! Alam ko na non-biodegradable ang bote ng mineral. " tapos ti-nap niya yung ulo ko. Pambihira?! Tatay?

North Meets SouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon