CHAPTER XI - Serendipity
Pagkatapos nung nakakalokang pasyal namin sa Carnival, umuwi na kami. Since nandon naman yung kotse ni Jeff, nauna na siya. May dadaanan pa daw siya. Hinatid naman kami nung mag-asawa. Si Renee balak pa yatang i-take home si Jayce. Kainis ha! At eto naman si Jayce naki-ride naman! Pambihira! Wait! Sinabi ko ba yung word na "Kainis"?? Hala! San galing yun??
It's Monday again kaya papasok na ulet ako sa trabaho. Gumising ako ng super aga kasi gusto ko nang magbago! Hala?! Magbago raw? Alam niyo bang sa history ng University ko na pinasukan nung college ako lang yung may record ng pinakamalalang late? Mga 2 mins. Before end ng time kasi ako dumating. Sensya naman! Oversleeping eh!
Io-on ko sana yun kotse kaya lang biglang nagbago yung isip ko. Magalalakad na lang ako! Hala?! Ewan ko kung anong pumasok sa ulo at naisipan kong mag-commute na lang. Habang papunta na ako dun sa sakayan, nakakita ako ng babaeng nabangga ng isang lalaki. At the nerve! Ni-hindi man lang siya tinulungan. Dahil mabait ako at not to mention maganda pa (connection?! ) lumapit ako at tinulungan yung babae.
"Uhmm... Ale ayos lang ho ba kayo? " tanong ko sa kanya. Hindi naman siguro siya nasaktan?
"Naku! Salamat! Ayos lang naman ako. Pero yung tawag mo sa akin, hindi maayos. Wag mo na akong tawaging ale kasi hindi naman ako mukhang matanda di ba?" sabi niya sa akin tapos nagwink siya. Hala?! Demanding?! Sa bagay mukha lang naman kaming magkapatid pero halatang may edad na siya.
"Kayo ho ah! Nabangga na't lahat yun pa yung pinansin niyo." Pambihirang babae 'toh oh?!
"Ganun talaga. Hindi naman ako mukhang 50+ di ba? " Tama! Mukha lang po kayong 60+ haha!
"Ang kulet niyo ho! " sabi niya pagkatapos tumawa siya.
Talagang pinanindigan ko na yung pagpapa-tawa ko sa story na 'toh noh?! Grabe! Kulang na lang maging comedian ako eh! Naku! Hindi ko pinangarap na makasama sa Eat Bulaga eh noh?!
"Teka may hihingin sana ako sayong favor. " Ano naman yun? Basta ba kaya ng konsensya ko. Hindi ko yata kayang pumatay ng tao. (Oh well! As if naman!)
"Sige po! Basta ba kaya ko. Ano ho ba yun? " tanong ko sa kanya
"Sige lumapit ka ibubulong ko sayo " sagot niya sa akin
Dahil uto-uto ako lumapit naman ako sa kanya. At sa ikinataas ng langit, alam niyo ba kung anog sinabi ng lola niyo?
"Pakasalan mo naman yung anak ko. " Hala!
"Grabe naman yan! Hindi ko yata kaya yan! Humanap na lang kayo ng--"
Napatigil na lang ako nung nakita kong tumatawa siya ng sobra. Napatingin na lang ako sa kanya kasi nakakatuwa siyang tignan habang tumatawa. Bakit kaya?! Hala! Hindi ako lesbiana ha!
"Biro lang yun! Naniwala ka naman! " at tumawa ulit siya. Pambihira! Sabi nang hindi ako comedian eh! "Magpapasama lang sana ako sayo sa grocery. Nahulog kasi yung salamin ko kanina. Eh hindi ko mabasa yung nakasulat dun sa list na ginawa ng asawa ko. " Ahh yun naman pala eh! Pambihirang 'toh! Baka naman kamag-anak ko 'toh or something? May lahing comedian eh!
"Osige ho ba! "
Dahil mabait na ako at (Okay fine! Huwag mo sabihin Katrin! ) yun na yun , sinamahan ko siyang mag-grocery. Ang haba nung nasa listahan! Parang listahan ng mga utang eh!
"Sabi ho dito kailangan ng 5 sardinas. At... " Pambihira! "may nakalagay na note na 'Yung kinain natin nung first date natin' " Ang sweet na date yan oo! Candlelight dinner 'tas yung pagkain sardinas?!
"Pambihirang matandang yan oh! Hindi pa nakalimutan yung kinain namin! " Sabi niya. Atleast nga naalala pa nung asawa niya eh! Akalain mong naalala pa yung brand? Not to mention ang cute ng tawagan! 'Matanda'! Ang laking pasaway!
Yun nga sinabi niya sa akin yung brand, 'tas hinanap ko. Pambihira! Daig ko pa ang muchacha ha!
"At isang saging! Okay na po! Kumpleto na! May iba pa ba kayong bibilhin? " tanong ko sa kanya.
"Uhmm... Ah! Oo! Meron pa! Dun tayo sa baby foods " at yun pumunta nga kami dun sa area. "Pakihanap nga yung Gerber. "
Hinanap ko nga. Tinanong ko naman sa kanya kung para sa anak ba nila or something.
"Yan? Para sa ina-anak ko. Ang hilig dyan eh!" ahhh ganun pala!
"Ilang taon na hi ba yung ina-anak niyo? " tanong ko. Pasensya na! Curious eh! Ganyan talaga! Alam niyo ba yung scientific attitudes na parating nile-lesson sa science? Isa dun yung curiosity! Oh di ba! Pwede na ako maging scientist!
"Uhm... Ilan na nga ba? Hindi ko maalala eh... Siguro mas matanda ng ilang taon lang sayo. "
At muntik ko nang mabitawan yung Gerber! Ano?! Kung may iniinom lang ulit ako nagsplash na yun sa mukha nung babae!
"Ano ho?! Pambihira! 20+ kumakain ng Gerber? " not to mention paborito pa daw nun?
"Oo! Nagtataka nga ako eh! Ang hilig-hilig sa Gerber! Sabi masarap daw kasi. Ikaw tikman mo rin. " Hala! Idamay pa daw ba ako?!
"Pambihira! Osige po! Ano kumpleto na ho ba yung binili niyo? " tanong ko sa kanya bago pa namin pagdiskusyunan kung anong meron sa Gerber at masarap yun.
"Wala na. Tara magbayad na tayo! " Masaya talaga siya anoh?
Nagbayad na rin siya at sa wakas natapos na rin yung paggo-grocery namin. Akalain niyong ngayon lang ako nag-grocery na hindi ko gagamitin? Oh well?!
Nung nasa labas na naman kami, nagthank siya sa akin at ang bait ko daw. (Hindi pa ba obvious yan? )
"Your welcome ho! Kung magkita ulit tayo paki-balitaan nalang ho ako sa ina-anak niyong kumakain ng Gerber." Sabi ko sa kanya! Pambihira! Hindi ko daw ba makalimutan?
"O sige ba! Ipapakilala pa kita! " naman!
Paalis na sana ako sa kinatatayuan ko nang biglang may nagpreno at bumisina sa akin.
"PALAKANG NANGANAK NG BUWAYA! " at kelan nangyari yun? Mabalik ako. Muntik lang naman ako masagasaan ng luxurious car na ito! Hala!
"At kelan ka nakakita ng palakang nanganak ng buwaya? " Pang-asar ka ah! Teka?!
"Anong ginagawa mo dito palaka --este Jayce?! "
"Obvious ba?! Papasok na ako sa opisina kaya lang may babaeng magpapakamatay yata na muntik ko nang mabundol! " at talagang sisihin pa ako!
"Sira! Gusto mo ikaw patayin ko?! Teka bakit may bago ka yatang sasakyan?" ang ganda as in pwedeng pangdisplay sa bahay. (As if kasya?! )
"Hiniram ko lang yan kay dad noh! Tsaka! Bilisan mo na! Male-late ka nyan! " Oo nga noh! Pagtingin ko sa relo ko, hala! 15 mins before nine! Nasa bingit na ako ng late!
Nawala sa isip ko na papasok pa ako! Pambihira!
"Pasabay naman oh! " Wawa naman ako! May sasakyan siya, ako wala!
"Ayoko nga! " Aba't--?! Pambhira ang bait! "One condition! " Talagang may ganun?? "Makikipagdeal ka sakin tomorrow." Deal?! Hindi ako nangso-solitaire eh... Pambihira!
"At ano namang deal yun?! " Tanong ko sa kanya
"Basta bukas na yun! Kaya... " Lumapit siya sa akin tapos hinawakan ako bewang or should I say tinulak ako sa bewang at pinasok sa loob ng sasakyan niya. Hindi pa nga ako umu-oo ah! "Sakay na! " Pambihira! Nakasakay na nga eh!
Dumating naman kami saktong 9. Haayy... Atleast hindi ako na-late di ba? Anong deal yun? As in bet? As in sugal? Or what?
Pagupo ko sa table ko may card or something na nakapatong sa desk ko. At ano naman kaya yun? Pagtingin ko... Hala!
'Interdepartment Bowling Competition.' Guys? Ano ba yung bowling? Never heard!
![](https://img.wattpad.com/cover/2748330-288-k660615.jpg)
BINABASA MO ANG
North Meets South
RomansaLet's do it differently. Two people meet in the right place and the right time. Will it work?