CHAPTER VI - More repair bills

15 2 0
                                    

CHAPTER VI - and more repair bills...

*Yawwwwwwwwwn...*

Inaantok na ako! Nandito pa rin ako sa opisina at ginagawa yung mga project KO. Nagugutom pa ako. Naka 1000 na hikab na yata ako. Mag-isa na lang yata ako kasi ang tahimik. Medyo madilim na rin. Creepy. Oh well...

Pinatong ko nalang yung ulo ko sa braso ko. Iiglip lang ako ng onti. Ang lamig nung aircon. Haaaayy...

*Yawwwwwn*

"Teka anong oras na ba?" Tinignan ko yun oras sa PC. Gosh! 9PM na! Pambihira! Nafeel ko bigla yung nakatalukbong sakin na coat. Hala! May mumu yata dito.

Cinlose ko na yung application teka! Teka save changes? Ano naming in-edit ko dito. Ini-scroll down ko yung application. Pambihira!

'Hoy! Umuwi ka na! Ano ba! Gabing-gabi na! Next week na yung deadline nito! Pambihira ka talaga!' Anong--?!

Kinuha ko na yung bag ko. Bigla nalang ako nakakita ng coffee sa mesa ko. Hala! Ang bait namang ng mumu. Oh well... Hindi ko alam kung anong pumasok sakin pero sinabi ko na lang na "Thank you!" Bangag na talaga ako!

Nung nakarating na ako sa parking lot, kinuha ko yung susi ko at nagdrive na pauwi. Antok na antok na talaga ako! Kaya pagdating ko sa bahay. Knock out!

This is not your ordinary

No ordinary love

I was not prepared enough

To fall so deep inlove

*Yawwwwwwn*

An aga-aga naman oh! Nagising lang naman ako nung cellphone ko. Pambihira! Nakapikit pa rin ako habang inaabot kung nasan mang lupalop ng higaan yung phone ko. Sa wakas nakuha ko na rin at sinagot ko.

"Hello?! Sino ba 'toh?! Ang aga-aga ha! Mamaya ka na lang tumawag!" Ang sama ko ba? In-end ko yung call sabay haggis nung phone kung saan man sa higaan ko.

This is not your ordinary

No ordinary love

I was not prepared enough

To fall so deep inlove

Aba't--?! Wala pang 1 minute may tumatawag ulet! Ang kulet ah!

"He--?! " sasagot pa lang ako ng biglang may sumabat.

"Hoy Katrin! Gising na! Pumunta ka na dito sa Lopez Mall. Dito sa car repair shop! Ngayon na! Yung repair bills! Bilisan mo! Kung hindi imo-move ko bukas yung deadline ng lahat ng projects mo! Bilis! " tapos nun nakarinig nalang ako ng toot-toot-toot. Busy tone! The nerve!

Pasalamat siya at kailangan ko ng trabaho ngayon ah! Kaya kinuha ko na yung towel at kung anong abubot na kailangan ko. Tapos, way to go! Papunta na ako dun sa Lopez mall. At hahanapin ang beloved repair shop na sinasabi nung unggoy na yun! Pambihira!

After 1946245194 seconds na pagiikot ko sa mall, natunton ko na rin sa wakas yung sinasabi niya. Bumaba na ako ng kotse niya at nakita ko siyang nakikipagusap sa manager ata. Siyempre lumapit ako.

"Hoy!" What a greeting! Ang sweet ko di ba?

"O! Nandito ka na pala Kat-"

"Malamang! Ano bang kailangan mo? Inaantok ako! " *yaawwwwnn*

"Ang init ng ulo mo ah! Coo--"

"NATURAL! ANO BA?! ANONG GAGAWIN KO DITO!" Naiinis na talaga ako! Sabi nga nila lokohin mo na ang lasing wag lang ang antok, I mean bagong gising!

"Whoa?! Whoa?! Cool ka lang!" sabi niya ng mahinahon at nakangiti pa. Pambihira! Hindi man lang siya nasindak sa sigaw ko? Eh kung ginanun ako ni Kim nagtatakbo na ako ng 1 milya eh!

North Meets SouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon