CHAPTER XV - ni-aagaw mo siya!
"Teka! Apelyido mo ba Santiago?!?! " nagulat lang naman ako dun sa banner. Hindi nga?!
"Ngayon mo lang nalaman Ms. De Leon? " yeah right! "Ilang taon ka nab a nagta-trabaho sa kompanya naming ha?! " Langya! Ibato daw ba sa akin yung tanong??
Tumahimik na lang hanggang mag-park siya dun sa kung ano mang special na parking space na may nakalagay na 'reserved'. Pambihira! Family reunion? At kelan pa ako nagging Santiago? Alam ko simula pagkabata ko De Leon na ako ah!
"Dali! Baba na! " pambihirang 'toh! Kumatok lang siya dun sa bintana ko kasi nakalabas na sya. Pambihira! Ang bilis ah!
"Oo na! Sige na! " Wala na akong nagawa kundi bumaba. Haayy...
Pinaupo lang naman kami dun sa table kasama nung mga pinsan daw niya. Ano ba yan nao-op ako! ::)Kaya wala na akong nagawa kung hindi tumunganga at makinig sa kung anu-anong pinagu-usapan nila.
Yung isa niyang lalaking pinsan kausap pa yung kasama niyan, date ata, about sa kasal nila. Hala! Pugad yata 'toh ng love birds! Tapos yung isa naman niyang pinsang babae may LQ yata dun sa kasama. Ano ba yan?! Narinig ko pa nga sila magbangayan
"Walang hiya ka! Pambihira! Buti nakakatiis pa ako sa iyo! Bakit mo kasi inubos yung choco cake! Walang hiya ka talaga! Hindi mo man lang ako iniisip! " Pambihirang choco cake yan oo!
Sagot naman nung lalake, "Favorite ko din yun hun eh! Anong magagawa ko! " Pambihirang buhay 'toh oo!
Ang daming weird talaga sa pamilya ni Jayce. Including him. Saan ka makakita ng magsyota na yung babae tomboy tapos yung lalake bakla. Ayun! Nag-click at mag-on sila. Pambihirang yan!
Teka! May date mga pinsan niya, may date silang kasama... May bitbit silang... WAAAHH! Wag mo sabihing kaya ako dinala ng mokong na 'toh dito dahil... date niya ako?
Anyway, bumalik na naman siya galing sa pakikipag-usap niya dun sa uncle niya ata?
"Ui! Lonely ka dyan!" pa-lonely lonely pa!
"Sira! Iwan daw ba kasi ako?! "
"Uyy! Ayaw mo palang iwan kita. Katrin iba na yan! " Aba't--?!
"Gusto mo mawala na lang bigla?! " napalakas yata yung pagkakasabi ko! Hala! Tumingin lahat nung nasa table sa akin. Naku! Baka isipin nila amazona ako. Anyway, meron yata akong lahi nun. Feel ko lang...
"Haha! Sige gusto ko mawala! " sabi niya sa akin habang ginugulo yung buhok ko! Ano ba yan?!
Bigla naman nagssalita yung dad niya Si Boss Ed ng kung anong ka-chokaran niya about sa family. Nakakabagot nga eh! Tapos kung sinu-sino pang pangalan yung tinatawag! Pambihira! Daig pa namin yung nasa Graduation ceremony eh!
"Uhhmm... Pwede ba mag-cr?? " bulong k okay Jayce. Atleast maalis ko yung pagkabagot ko tsaka nac-cr na rin ako kanina pa.
"Ba't ka nagpapaalam? Sasamahan ba kita sa loob? " Langyang taong 'toh kung sumagot! "Tara sasamahan na kita! " haayy... Buti naman!
Tapos tumayo na kami sa table. Ang bait naman nung mokong at sinamahan ako. Anyway, medyo nagtagal ako sa CR kasi ayoko pa lumabas. Nakakabagot eh. Kaya lang mukha yatang naiinip na si Jayce sa labas.
"HOY! Lumabas ka na nga dyan! Baka kung anu-ano nang ginagawa mo dyan! " Talagang--?! "Paghindi ka pa lumabas diyan papasok ako! "
"Hoy ka rin! Pagpumasok ka dito ilulublob ko yang ulo mo sa inidoro! " Talk about brutality!
"Parang awa mo na! Lumabas ka na diyan!" after nun lumabas na ako. Kawawa naman baka kasi mangalawang na si Jayce dun sa labas. "Akala ko dun ka na titira ah!" Sira!
Lumakad na ulit kami pabalik dun sa table namin kaya lang may nakasalubong kaming mag-asawa. Mukhang kamag-anak ni Jayce.
"O Jayce! Kamusta ka na? " Oh my Gosh! Siya yung babae na tinulungan ko nun Monday ah! Tapos yung tinulungan ko sa pago-grocery? "At teka Ms mabait! Nandito ka rin pala! "
"Ms. Mabait? At kelang nangyari yun? Baka naman may sira na kayo ninang? " Humirit pa!
"Haha! Siya yung tumulong sa akin nung Lunes dyan sa kanto. Nung may bumunggo sa akin. Ano? Naa-alala mo pa ba ako ms--?? "
"Opo! Naa-alala ko po kayo! " Siyempre matalas ang aking mind!
"Haha! Tignan mo nga naman! Di ba sabi mo kapag nagkita ulit tayo balitaan kita tungkol dun sa ina-anak ko. Well, ayan na yung inaanak na sinabi ko sayo! "
Napatitig lang ako nun kay Jayce! Pambihira! Si Jayce? 22 years old? Presidente ng kompanya namin? Boss ko? KUMAKAIN NG GERBER! Tumawa na lang ako ng super lakas nun! Si Jayce naman takang-taka sa akin. Akala yata nakainom ako ng laughing potion!
"Pambihira Jayce! Grow up! Kumakain ka pa ng Gerber?! " nagulat naman dun si Jayce sa sinabi ko!
"Teka? Pano mo nalaman yan? " Bago ko pa man nasagot yung tanong niya, tumingin na siya dun sa ninang niya. Feeling ko gets niya na, na sinabi na sa akin nung ninang niya yun! Haha! Fun facts of Mr. Jayce Santiago!
After naming ikuwento nung ninang niya yung nangyari medyo natawa si Jayce. Sabi niya kasi nakita niya ako nun bago niya ako muntikang mabundol na kumakaway. Akala daw niya naba-baliw ako. Talagang gusto niya mamatay noh?
"Teka nga ms. Mabait " Talagang ang cute ng tawag niya sa akin noh? Oh well! Totoo naman! "Ano nga palang pangalan mo? "
"Katrin po! "
Kaya lang nung sinabi ko yun bigla siyang nagulat tapos medyo nabilaukan dun sa iniinom niya. Pi-nat pa nga nung asawa niya yung likod niya eh. Pati yung asawa niya medyo naguluhan din. Anong problema nila?
"Medyo nahihilo ako. Sige Jayce, Kat-katrin! Mauna na muna ako. Ano matanda punta muna tayo dun sa table natin? " Yan nanaman yung sweet nilang tawagan! Haha! 'matanda'
"Osige! Sige mauna na kami. "
After nilang umalis, inasar ko si Jayce about dun sa Gerber. Asar na asar nga eh! Haha! Ang cute lalo na nung hindi pantay yung kilay niya! Nyahaha!
"Teka lang may kukunin lang ako sa loob ng bahay ha! Sige mauna ka na muna sa table. Susunod na lang ako."
"Ayoko nga! "
"Ang tigas ng ulo ah! " talagang ganun!
"Sama na lang ako please. Wala naman akong gagawin dun eh! " plead ko sa kanya. Since malakas ang aking convincing powers, napapayag ko rin siya!
Nagstay na lang muna ako dun sa entrance. Alam mo na tingin-tingin ng kung anu-anong mga paintings at picture! Haha! Nakita ko nga picture ni Jayce nung 7 or 8 years old pa lang siya! Todo ngiti bungal naman! Maasar nga ulit pagdating!
"Hoy! Umalis na ka na dito! " Ay palaka! Sino naman itong cute na bang babae?
Siguro yung age niya mga 5 or 6. Ang cute at naka-dress siya. Siguro part ng Santiago family. Haayy...
"Sabi ko alis ka na dito! " and rude naman!
"At bakit naman ako aalis dito? " tanong ko with maching pasungit! Haha! Malidita rin yun bata.
"Kasi ni-aagaw mo yun kuya Jayce ko! "
Hala! Kelan ko inagaw si Jayce?

BINABASA MO ANG
North Meets South
RomanceLet's do it differently. Two people meet in the right place and the right time. Will it work?