CHAPTER XXII - Okay fine. Sige na.
"Sorry po. "
Yung lang yung masasabi ko ngayon. Bakit? Kasi tanga ako. Alam ko mali yung ginawa ko nung isang araw kayla mama at papa. Dapat naging mas understanding ako.
Niyakap na lang ako ni mama. Si papa naman tinitignan lang kami pero hindi rin nagtagal niyakap din kami.
"Hindi ba dapat kami ang humingi ng sorry sayo? " Sabi ni mama. Pero umiling na lang ako. Walang may kasalanan. Siguro will ni God kung bakit nangyari yun dati.
"So ayos na di ba? " singit ni Jake sabay yakap sa amin. Loko-lokong 'toh! Makisama daw bas a pamilya namin?! "Ako may gawa niyan! Binigyan ko kasi ng words of wisdom si Katrin! "
"Sabihin mo words without wisdom... "
"MAY SINASABI KA MAJINBU?! "
"Ang lakas talaga ng pandinig mo kasi ang laki ng tenga mo Shrek! " At talagang pinanindigan ang shrek-majinbu rivalry?
Ayun! Sa sobrang drama naming bigla tuloy kaming natawa dun sa ga anong mag-pinsan. How I wish na sana hindi ako mahaluan ng pagka-abno nila.
"Hoy kayong dalawa dyan! Tumigil na nga kayo. Para kayong mga bata. Kulang na lang robot at rumble na kayo! "
"Oo nga tita. " Sabi ni Kim. Minsan kasi kapaghindi nilalapitan ni Jake yan maayos naman si Kim. Kaya lang pagluma-lapit si Jake, nagiging abno na rin. Oh anyways...
After naming mag-"reunion" kuno sa bahay, niyaya naman kami nina mama sa Glorietta. At siyempre dahil gutom na ako, go agad!
Pasakay na sana ako sa kotse ni papa kaya lang bigla akong hinawakan ni Jayce sa wrist.
"Bakit? " tanong ko sa kanya. Loko 'toh! Pipigilan pa ako pumunta sa Glorietta! Aba! Magkaka-giyera yata tayo dito!
"'Nang, 'nong hiramin ko muna si Kat. " Sabi niya Kayla mama. Tapos tumingin siya sa akin tapos sabi, "sa akin ka muna sasabay! ".
"Pero- "
"Osige ba... " tapos lumapit si papa kay Jayce at ti-nap yung pisngi niya, hala! Bata? "Basta ba ingatan mo yung Katrin namin. " Asus! Asa pa kayo sa taong yan! Baka pagkita niyo ulit sa akin mamaya may topak na rin ako. Teka? Wala pa ba akong topak sa lagay kong 'toh?
"Thank you po dad! " Hala!
"ANONG--?! "
"Ay este! Ninong pala! " Loko 'toh ah!
Ayun! Tinulak tulak naman ako nung kumag papunta dun sa kotse niya. May topak talaga 'toh! Kasasabi pa lang ni papa na ingatan ako tapos ngayon tinutulak tulak ako. Sabi ko naman sasama ako kaya bakit pa rin niya ako tinutulak. At napakasaya talaga nung sinagot niya sa akin, "Ang bagal mo kasi eh! " At talagang nang-asar pa!
Pagdating namin sa may kotse niya, nagulat ako sa nakita ko.
"TAPOS NA YUNG KOTSE?! "
"Oo naman, " sabi niya. Ang tagal na din nun ah. "Actually, matagal na yan tapos. "
"Ano?! " sabi ko, "so... babayaran ko na? "
Ngumiti lang siya sa akin sabay sabi "Nope! Nabayaran mo na. " At dahil lagging ginugulo ng lalaking 'toh ang utak ko, ang tanging nasabi ko lang ay ang mahiwagang,
"Ha? "
"Natatandaan mo pa ba kung ilang beses kita pina-punta sa mall para lang bayaran yan? Para sa akin, okay na yun na bayad mo. " Nag-pause muna siya dahil na-feel niya ata na naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. "Pinapupunta kita sa mall kasi either wala akong magawa or nalulungkot ako. "
![](https://img.wattpad.com/cover/2748330-288-k660615.jpg)
BINABASA MO ANG
North Meets South
RomanceLet's do it differently. Two people meet in the right place and the right time. Will it work?