CHAPTER XX - Ang hi-tech naman nung TV!

4 2 0
                                    

CHAPTER XX - Ang hi-tech naman nung TV!

Nasa bahay ako ngayon nina Kim at Jake. Bakit ako dito ng dis-oras ng trabaho? Umalis akong office. Nakakainis! Bakit nanaman? Eto yung nangyari.

"Anong hindi? Yan kaya yung sinubmit mo!" nagsubmit nga ako pero hindi yan! Sira!

"Mukha ba akong hindi gumraduate sa gradeschool? Eh mas malala pa yan sa drawing ko nung kinder pa lang ako eh!"

"Yun nga eh! Sa palagay mo magagamit natin 'toh?" ang tigas talaga ng ulo!

"Sinabi nang HINDI KO GAWA YAN EH!" ilang beses ko ba dapat sabihin di ba?

"Eh saan galing 'toh?!" aba malay ko!!

"Ayaw mo talagang maniwala noh?! I hate you! I hate you!"

"Aba't--?!"

Paalis na sana ako pero bumalik ako dun sa table niya. Nakatingin lang siya sa akin. Dukutin ko mga mata mo eh!

Tinignan ko lang siya ng mga 10-nope! Make that 15 seconds. Tapos nun, "I HATE YOU!"

Umalis na ako. Nakakainis talaga!

"So anong gagawin mo?" tanong sa akin ni Kim.

"Malay ko." Hindi ko alam. It means ba na nagresign ako. Waaahh! Wala na akong source of income! Hindi ko na rin mababayaran yung bill sa pad ko. Hindi na ako makakabalik dun! Waaahh! Naghysterical?

"Sira-ulo talaga yun si Jayce kasi-"

"Tulad mo..." singit ni Kim

"May sinasabi ka?!" sabi ni Jake. Pano kaya nabubuhay sa iisang bahay iton mag-asawang toh. Umiling lang naman si Kim. As if naman hindi yun narinig ni Jake di ba? "Ayun nga. Hindi naniwala sayo? I-compare ka pa kay Kelly? Eh ilang taon pa lang ba yun? 3 or 4? Ano ba yan! Sana 7 y/o naman di ba?!" Wha the--?!

"Gusto mo masaktan Jake?" tanong ko sa kanya.

"Eto naman oh! Pinapatawa ka lang eh! Sabi ko, dapat naniwala siya sayo. Alam naman naming ni Kim kung gano ka kagaling mag-drawing eh."

"Nga naman! Gusto mo kausapin namin?" tanong ni Kim.

"Wag na! Pabayaan niyo yun. Basta hindi na ako babalik dun."

"Teka... hindi ka ba nagtataka kung bakit nagkaganun yung project?"

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.

"I mean, bakit napalitan yng gawa mo?" may point nga siya. Bakit naman mapapalitan yun kung pinasa ko naman yung totoo kong ginawa di ba?

"Malay ko... Bakit nga kaya??"

Nagulat na lang kaming dalawa ni Kim ng bigla-biglang tumayo. Ano nanaman kaya ang iniisip ng lalaking 'toh?

Tapos pumunta siya dun sa may cabinet nila malpit sa dining area. Ano nanaman istorya ito?? Napalundag na lang kami ni Kim sa pagka-kaupo nung sumigaw siya ng, "THIS JOB CALLS FOR DETECTIVE JAKE!" sabi niya habang hawak yung magnifying glass niya. Hala!

*TOINK*

Bigla na lang siyang binatukan ni Kim. Marahas talaga ang mag-asawang 'toh! Nakakatakot silang makasama!

"May pa-dete-detective ka pa na nalalaman! Umayos ka nga!" sabi ni Kim. Kawawa naman si Jake!

"Umaayos na nga eh!" tapos tumingin si Jake sa akin. Katakot! Oh well! "Promise Katrin! Dadalhin ko sayo yung may gawa nung sabotahe na yun!"

"Dadalhin lang niyan sayo yung pusa malapit sa opisina niya. Maniwala ka!" Kim talaga o! Atleast tutulungan ako ni Jake hanapin kung sino man yung nagpalit nung gawa ko.

Umupo ulit si Kim dun sa sofa at tumabi sa akin. "Wag ka mag-alala may sira lang kasi sa ulo yung pamilya nina Jayce." Bigla naman tumingin sa amin si Jake. "Magso-sorry din yun!"

"Hoy! Anong sina-sabi mo na may sira sa ulo yung pamilya ni Jayce. Pinsan ko yun ah! Hindi kami may sira!" Akalain mong nadepensahan ni Jake yung pamilya niya ng matino? "Siya lang!" hindi pala...

"Tignan mo 'tong tao na 'toh!"

"Tama na nga yan! Naglolokohan na tayo dito eh!" tapos tinignan lang nila ako. Mga loko-loko talaga 'toh.

Nagstay ako sa kanila hanggang 7pm. Ang kulit kasi eh! Ayaw akong paalisin! Sabi ni Jake baka mamatay daw siya dun pag-iniwan ko na silang dalawa lang daw. Pamibihira! Pano kaya tatagal sa isa't-isa yung dalawang yun.

Dumating na rin ako sa bahay ng banding 8pm. Grabe! Ang stressing ng araw na 'toh. Sobrang na-imbyerna ako kay Jayce. Speaking of Jayce, tumawag siya kay Jake nung paalis na ako. Niyayang lumabas. Ano ba yan! Hindi man lang nakonsensya sa mga sinabi niya kanina! Nagagalit tuloy ako ng sobra sa kanya! Argh!

"Lola! Good evening!" bati ko kay lola sabay mano.

"O apo! Kumain ka na ba?" ang thoughtful talaga ni Lola!

"Opo. Sige matutulog na ho ako ah! Tulog na kayo Lola ng maaga." Baka mamaya ma-insomnia nanaman si Lola at kung anu-ano nanamang ipagtatanong sa akin!

"Sige! Mukhang pagod ka eh. " sabi niya.

Dumiretso na lang ako sa kuwarto ko. Siyempre, knock-out agad. Sino ba namang hindi mapagod sa pakikipag-away sa boss mo tsaka pakikipagkulitan sa dalawang abno. *cough*Kim*cough*Jake*cough*.

This is not your ordinary, no ordinary love...

*Yawn*

Naman! Wake up call nanaman! Kelan ba titigil 'toh? 3 beses na ako nakakatanggap niyan ah!

"Hello?"

"Katrin! Punta ka naman dito sa amin oh! Please! Emergency lang..." Hala?! Napatay kaya niya si Jake?! Mamatay tao na yung bestfriend ko...

Teka! Ang ingay-ingay sa kanila. May nagu-usap sa background. I mean naga-away!

"Dali na! Tulungan mo na ako!"

"Ayoko nga! Lumayas ka nga sa pamamahay ko!" Hala!

"Anong emergency? At ano naman yang naririnig ko? May naga-away ba diyan sa bahay niyo?"

"Ah... Eh... Wala noh! Ang ingay kasi eh..."

"Ano?!" sinong maingay??

"Ahh... I mean.. Ang ingay ng TV sobra! SOBRANG INGAY!!!" ahhh TV pala... Ang lakas naman ng volume nun. Bingi na sila??

"Hindi kami maingay noh!" Hala! Sumagot yung TV??

"Shh...!! Ang ingay! Tumahimik ka na nga lang!" sigaw ni Kim. Kausapin ang TV??

"Bakit mo kinakausap yung TV?" tanong ko...

"HA?!!!!" Nilayo ko naman yung tenga ko sa phone. Pambihirang boses yan oo! "Ay sorry! Haha! Tama! Kinakausap ko nga yung TV!! Haha! Voice controlled kasi eh!! Haha!" Hindi siya masyadong masaya noh??

"Uy ano na?"

"Tumahimik ka nga muna!" Kinausap nung TV si Kim??

"Ang kulit naman ng TV na yan. Anong brand ba? Makabili nga." Voice controlled daw eh! Ma-try nga...

"Haha! Uhmm... Pana-Sony ang cute nga eh!"

"Nakikipag-telebabad ka na yata diyan eh!" Nakikita nung TV si Kim??

"Sige ha! Babay! Pumunta ka na dito ha! Bilisan mo! Ang kulit kasi nung mga TV eh! Wawasakin ko na muna!"

"Tara pare takbo na tayo!" Tatakas yung TV?? Ang hi-tech naman!

"Pumunta ka na ha! Bilis!" tapos nun... toot-toot-toot nanaman yung narinig ko!

North Meets SouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon