CHAPTER XII - Hindi yun!
Ang saya talaga ng araw na 'toh. Gumising lang ako ng late at naligaw papunta sa bowling alley. Nahuli pa ako kasi nakalimutan kong coding ako. Grabe! Hindi rin naman ako masyadong malas di ba?
Kaya eto ako ngayon nakaupo, nakatunganga at nakapangalumbabang pinanonood yung mga ka-opisina kong nagbo-bowling. Ang gagaling! Kung makatira ng bola eh parang expert. Pero hindi rin mawawala yung palaging kuma-kanal. Pambihira! Si Ronald. Kanina ko pa binibilang yan ah! Ika-81 na bola na niya pero ika-81 na kanal niya na! Mas malala pa yata sa akin yun eh!
Naalala ko tuloy nung 1st time kong magbowling kasama sina Lola.
"Lola pano ba 'toh hawakan? " tanong ko kay lola.
Actually hindi pa siya ganun ka-tanda kaya nakakalaro pa siya ng kung ani-anik na sports. Akalain mong nakapaglalaro pa yan dati ng soccer at basketball? San ka nakakita nun?
"Ganito tignan mo ha. " Sabi niya.
Nilagay niya naman yung sa malaking butas yung thumb niya. Tapos yung dalawang mallit naman, nilagay nya dun yung bad finger at ring finger nya! Hala!
Mali pala ako. Kasi yung nilalagay ko dun sa dalawang maliit na butas yung point finger at bad finger! Pambihira! Kaya pala kanina pa ako pinagtitinginan eh! Akala siguro nila sira ulo ako!
"Osige anak, tumira ka na! Galingan mo ha! " Grabe si lola! Pinapapalakas ang loob ko! Ang bait talaga!
Kaya sa sobrang lakas ng loob ko, napalakas yung tira ako tapos....
KANAL
-end-
See? Wala nga akong future sa bowling! Kawawa naman ako. Sino ba kasing nagpasimula ng competition na 'toh! Wala naman toh last year ah!
Next thing I know may bigla nalang humawak sa bewang ko at hinila ako pababa sa kinauupuan ko. Pambihira! Muntik nang humampas yung pwet ko sa sahig ah!
"Nakaupo ka dyan? Ayaw mo man lang magpraktis? " the nerve!
"Sira ulo ka ba! " Tinignan niya lang ako ng parang may nagawa siyang napakalaking kasalanan! Sira! "Gusto mo talaga akong patayin noh?! Eh kung humampas ako sa sahig! Hindi pa uso ang butt transplant noh! " At tumawa lang siya. Ano gusto mo? Away o gulo?!
"Sira ka talaga! " at ako pa daw yung ganun! "Hindi kita sasaktan noh! " no comment.
"Uhmm.. Ba-basta! Sira ulo ka! " at yun lang talaga yung nasabi ko! Ang weird ko talaga ngayong araw na 'toh! Hindi ko alam kung lumalapit ba yung malas sa akin o talagang ako yung malas?
Anyway, pumunta naman siya dun sa katabi naming table. Kumuha siya ng bola. Hala! Maglalaro ka?
"O ano? Tatayo ka lang dyan? Sige ka! Baka mapagkamalan kang Janitress dyan! " Loko ka ah!
Kaya yun, kumuha na rin ako ng bola kaya lang,
*BLAG*
"Aray! " Sabi sa inyo hindi ako marunong humawak ng bola eh! Medyo naipit lang yung daliri ko sa butas nung bola. Ang pinagtataka ko lang eh paanong sumakit ng ganun yung daliri ko.
At isa pang pinagtataka ko, bigla namang kinuha ni Jayce yung kamay ko. At siyempre, tinignan yung daliri ko.
"Aray! Wag mo nga pisilin! Ang sakit na nga eh! " sigaw ko sa kanya. Hala! Napasobra ata.
"Wag ka ngang sumigaw! Ikaw na nga 'tong tinutulungan eh! " Uhhmm... Galit ka? "Mag-ingat ka nga sa susunod! Igno ka ba talaga sa bowling?! " Galit ka nga.
"Cool ka lang! Ano ka ba! Dapat nga ako yung magalit eh..." mumur ko. Loko toh ah! Nun ko lang rin na-realize na ang lapit pala niya sa akin. Kelangan ba ganyan kalapit?
Ang kulet din naman nito oh! Tinitignan niya lang yung daliri ko. Eh kung gamutin mo na kaya! Loko ka ah! Ang kulet din ng hairstyle niya. Parang pambata pero pangmatanda. Gets niyo ba? Ang cute din ng mata niya! Haha! Dark brown. Talagang tinitigan Katrin?!
"Huy!"
"Huh?! " Hala! Huli ka Katrin! Yan kasi kung san-san tumitingin! Pasaway!
"Umaayos ka nga! Para kang banggag! " Talaga naman! "Naputol lang naman yung daliri--" Daliri?! "este kuko mo! " Timang!
"Kaya pala medyo masakit. Pero okay na! " sabi ko sa kanya. Hindi rin ako masyadong masaya noh??
"Pasaway ka talaga! " sabi niya sabay lagay ng kamay niya sa ulo ko. Siyempre ginulo yung buhok ko. Loko ka ah! "Ingatan mo nga sarili mo!"
"Opo 'tay! "
"sira ka talaga! " bigla naman kinuha niya ulet yung kamay ko. Uyy! May crush sa kamay ko!
"Ingatan mo 'toh kasi may aalagaan yan sa future." Huh??
"Ano ba yan! Ika-100 ko na yan ah! " sabi ni Ronald. Remember? Ika-100 nya nay an pero hindi pa rin nakakarating sa pins. In short ika-100 niya na yang kanal. Akalain mong binibilang niya rin?!
Bigla naman dumating si Boss Ed. Sabi niya magsisimula na raw. Waaahh! Hindi ako marunong tumira!
"Wag ka magalala! Ipagulong mo lang kahit mahina. " Talang nanabat sa iniisip ko noh?
Unang laban, mga taga ibang department pa kaya wala kaing chini-cheeran.
Ikalawa, iba pa rin.
Ikatlo, sina Ate Marissa pero talo. Pambihira! Kawawa naman department namin!
Hanggang sa turn ko na! Waaahh! Kalaban ko si Lyann, sa finance department. Grabe! Mukhang marunong! Kahiya-HIYA nanaman ako.
At sa ikinagulat ko, wala pa akong ni-isang kanal! Last tira na namin laman siya ng 5 points. Obvious naman na hindi ko na yun mahahabol. 7 ang naipasok niya tapos 2 yung sa ikalawang tira. Kaya kelangan ko na lang mai-score eh 15 or more. Waaahh! Kaya unang tira 5 ang napabagsak ko. Halos nagchi-cheer na lahat yung kabilang department.
Naman! Kelangan ko 'tong ma-spare kung hindi wala nang pag-asa. Huhu... At sa ikinalayo ng buwan, na spare ko! Wow! May isa pa akong last na tira! Kahit 5 lang mapabagsak ko, mananalo ako! Titira n asana ako ng sobrang lakas pero naalala ko yung nangyari nung tinuruan ako ni lola.
Kaya naman ginawa ko ginulong ko lang katulad nung sinabi ni Jayce. Gumulong naman siya ng maayos at diretso. At guess what?!
"Ang galing! Waaaahh!! Panalo tayo! Strike! " Sabi ni Ate Marissa! Whoa?! Hindi nga? Naka-stirke ako??
"N-na-nalo ako?? " sabi ko nang biglang may nangbatok sa akin! Gusto mo talaga maskatan noh?
"Nanalo ka! Wag ka magtaka! " sira! Ako pa?! <<Bumilib na agad sarili? Ang galing! Baka nga may future ako sa bowling! Who knows baka manalo ako sa international competitions or something? Baka ako pa yung ikararangal ng bansa pagdating sa bowling!
Next game naman eh sina Jayce at yung tatay niya. Nice parehong magaling! No wonder at gumawa sila ng ganitong competition. Nanalo naman si Boss Ed pero alam niyo ba kung ano yung lamang? Isang tumatagintig na 1 POINT!
Haha! Next game naman yung kay Ronald. Patay!
"Hey! Di ba may deal tayo ngayon?" ah yung kahapon? Hala! Naalala pa niya yun?! Iba nga naman ang nagagawa ng bowling. (Connection?!)
"Teka! Ano ba yun? Kung maglalaro tayo ng bowling sinasabi ko sayo, wala akong laban! "
"Hindi yun noh! " Ano? "Kapag nanalo ako, sasama ka sa akin sa Friday night!" Sabi niya. Ha?
"Ano naming gagawin ko dun?! " tanong ko! Aba! Nakasalalay dito ang aking panahon at oras! O di ba?!
"Basta! So, uhmmm... Hanap tayo... " tapos naghanap-hanap siya. Pambihira! Hindi naman siya prepared eh! "Found it!"
"So?!"
"Anong bet mo? Last tira na yan ni Ronald, strike o kanal?" tinatanong pa ba yan?
"Natural kanal!" sabi ko confidently. Sigurado talaga eh noh??
"Ikaw naman! Wala kang bilib sa kanya! Sige strike yan. " Mukhang malabo yung sagot niya. 2 pa nga ang score ni Ronald eh!
At sa ikinataas ng langit! Waaaaaaaah!!!!!!!
"So?! See you on Friday! " Natural! Magkikita naman tayo sa opisina ng Friday!
BINABASA MO ANG
North Meets South
RomanceLet's do it differently. Two people meet in the right place and the right time. Will it work?