CHAPTER XXIV - The mean DO justify the end

4 2 0
                                    

CHAPTER XXIV - The mean DO justify the end

"Ha?"

"Sabi ko mukha kang batang namamalimos!" sabi niya sabay tawa. Gigilingin ko na talaga 'toh ng buhay!

"Alam mo ang ewan mo!" Hala?! Pikon?!

"Atleast ewan lang kesa naman pulubi di ba?!" Sinong tinatawag mong pulubi ha?!

"Ewan ko sayo!" sabi ko tapos tumayo na ako. Walk-out?! Hindi noh! Tatapon ko lang yung tissue ng ice-cream!

Kaya lang sa ikinataas ng langit, may nabangga ako at napa-upo na lang ako. Hindi ako lampa ah! Medyo lang!

"Tumingin ka nga sa-" teka?! Kilala ko ba 'toh?! Siguro nga! "Jeff?!" Pambihira! Kung saan saan ko na lang 'toh nakikita ah!

Si Jayce naman tumayo tapos lumapit sa amin. Nakakainis nga kasi hindi man lang ako tinulungan nung dalawa. Guess what kung anong ginawa?!

"Pwede tulungan niyo ako kesa naman magtitigan lang kayong dalawa dyan?!"

At hindi ako pinansin. Mga buwang what's with each one's eye? Nainlove yata sa isa't-isa. Ano ba yan!

"Hoy lampa tumayo ka na nga..." sabi ni Jayce habang nakatingin pa rink ay Jeff. Inlove talaga.

TEKA!

Did he just call me lampa? Gusto niya masaktan?! Siyempre dahil hindi nga ako lampa, tumayo na ako. Kainis ah! Hindi mga gentleman! Lamunin n asana kayo ng floor ng buhay! Morbid?!

"Sinong tinatawag mong lampa ha!" sigaw k okay Jayce pagtayo ko. Ang war freak ko talaga! Anyway, nakatingin pa rin sila sa isa't isa. Para tuloy ako nakakita nung napapanood ko sa anime' na may kung anong kuryente sa mata ng dalawang tao bago mag-away?

Para naman hindi awkward at pansinin nila ang "lampang" ako, humarang nalang ako sa gitna. At obvious namang hindi na nila makita ang face ng isa't isa. Buti nga! Haha!

Dahil nga nasi-siraan ako ngayong araw na 'toh, alam niyo kung ano nalang nasabi ko?

"Arcades tayo!" para naman maalis yung tension. Kasi parang sasabog na yung mall sa kame hame wave nitong dalawa eh.

Teka, alam niyo ba kung bakit galit si Jayce kay Jeff at ayos na kaming dalawa ni Jeff? Naalala niyo pa ba yung last incident na magkasama kami ni Jeff??

Basta, 2 days ago nag-sorry siya sa akin. Dahil mabait ako, (walang kokontra ah!) okay na sa akin yun. Sabi nga sa bible, you should forgive seventy times seven times. Which means unlimited. Kaya guys ah! Tandaan.

Eto naman yung conflict sa kanila. Flashback tayo...

"Binati mo yun?!" sigaw niya! Nakakarindi ah!

"Oo nga! Ika-ilang tanong mo na ba yan! Adik ka ah! Ika-nth na yan ah!" sigaw ko rin sa kanya. Aba gantihan 'toh! "Sinong mas adik ha?!"

"Ikaw!" Adik talaga! Tapos bigla ba naman binang yung mga papeles na hawak niya. Nagda-dabog yata ang loko. Siya kaya ihampas ko dun sa table!

"Bakit ka nagagalit?" sabi ko sa kanya while skeptically looking. (another application of scientific attitudes!)

"Arrm... Ala namang masama magalit. Ang besides, masama yung lalaking yun!"

"Laki ng problema mo!"

"Huwag mo kasi ako pag-problemahin!" sabi niya! Hala! Ako daw nagbigay ng problema sa kanya! Lakas ng tama niya sa akin ah! Oops! Rephrase! Lakas ng tama niya!

"Ako pa daw! Umayos ka nga!" ang gulo kausap!

"Anong umayos ikaw nga magulo eh!" hala!

"Ewan ko sayo! Ang labo mo!!!" Tapos umalis na ako...

-the end-[/b]

Away bati kami talaga. After 10 mins. bati na ulet kami. Ang labo noh?!

So ngayon kinakaladkad ko sila papuntang arcades. Galit sila sa isa't isa? Bakit? Nasa magkabilang side ko sila. Parang mga batang naga-agawan sa kendi pero nahulog yung kendi kaya hindi na pwedeng kainin.

"Seryoso ka ba?"

"Yup!" Desidido talaga eh noh?!

"Uuwi na ako..." aba't--?!

"Tama yun pare!"

"May sinasabi ka?!" Tanong ni Jayce... okay.. I can feel the tension...

"Bakit may narinig ka ba?!"

"Eh sira ka pala eh!" tapos lumalapit na siya kay Jeff. Mga lalaki talaga! Ang labo. (As if naman yung girls malinaw)

"Oops teka..." gumitna muna ako sa kanila. Ang labo talaga kainis! As in kelangan ko ng eye-glasses na 500 yung grado. "Ayoko ng away. Pwede ba! Kung naiinis kayo sa isa't isa dahil dun sa nangyari kay Tito Bert, drop it off! Ang tagal na nun." Bigla na lang tumalikod si Jayce. Labo!

Pero bago pa siya makalayo,

Akala mo kasi yung lang yung pinaga-awayan namin..."

North Meets SouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon