CHAPTER XVI - Ayaw mo sa akin? Ayaw ko din sayo!
"Alam mo bata parang sinasapian ka na! " pang-asar ko naman dun sa cute na bata. Cute nga maldita naman. And speaking of Kuya Jayce daw... Alam ko na yung pinagmanahan nung bata!
"Ayoko sayo! Umalis ka na dito! " palayasin daw ba ako? Sabagay baka naman kapamilya ni Jayce.
"Kung ayaw mo sa akin, ayaw ko din sayo! " Aba! Ayaw na 'toh! Naku! Pagnakita ako ni lola sasabihin nanaman nun na nakikipagaway ako sa mas bata sa akin. In this case naman, sobrang bata sa akin. :p
At akalain mong umiyak ng sobrang lakas! Batang 'toh oo! May pinagmanahan talaga! "Ayoko na sayo! Mamiiiiiii!!!!!! "
At ako naman itong nataranta kasi baka mamaya ipakulong ako ng mga magulang nito. Who knows di ba?
Pinapatigil ko siya sa pag-iyak, naka-ilang sorry na nga ako eh ayaw pa rin tumigil. Maldita talagang bata!
"Ano ba sorry na nga eh! Hindi ko naman niaagaw-este inaagaw yung kuya mo eh. Sayong-sayo na yung sira-ulong-este yung kuya mong yun! "
At sa ikinasorpresa ko, tumigil naman siya sa pag-iyak. Whoa?! Anong meron sa magic word na Jayce at napatigil ko 'toh sa pag-iyak?
"Ta- *sob* Talaga?? " Nakakatuwwang bata. Ang cute nung umiiyak!
Lumuhod naman ako sa harap niya para magka-level na kami. At hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinabi kong, "Yup. Promise." As if naman di ba?
Nilabas naman nung maldita-slash-cute na bata yung little finger niya tapos sinabing "Promise? " Pambihira! Talagang bumabalik nna ako sa pagkabata ko ngayon!
Siyempre ni-lock ko naman yun sa little finger ko din. "Promise! " Tapos bati na kami. Dinala niya ako dun sa palasyo niya aka kuwarto niya.
Ang ganda. Ang cute nga eh. Ang suwerteng bata kasi mayaman sila. Ayun! Naglaro kami ng kung anu-anong mga dolls niya dun. Pambihira talaga! From dramatic actress to comedian to dramatic actress ulet tapos ngayon, baby sitter. Mga hindi ko inakalang magigging career ko.
"Ate alam mo ang bait mo na ang pretty mo pa! Pareho tayo! " naman! Totoo yan noh! Teka! Bati na agad tayo?? Mga bata talaga oo!
"Alam ko na yun noh! I mean, talaga? Bakit mo naman nasabi yan? " tanong ko.
"Kasi yung bakulaw dati na pumunta dito yung kasama ni Kuya Jayce kinukurot ako tuwing hindi nakatingin si Kuya! Ang sama niya. " Nga pala! Ang pangalan ng batang nagsasalita na ito ay Kelly. Haha! Parang yung alagang bata ni Barbie?
Siyempre natawa naman ako dun sa sinabi niyang bakulaw. Malditang bata talaga! Ang bata-bata pa lang kung anu-ano nang tinatawag sa paligid niya!
"Ganun ba? Wala naman siyang rason para kurutin ka ah! Baka naman makulit ka lang talaga " Makulit lang talaga siya...
"Hindi ah! Sinabi ko lang naman sa kanya layuan niya si Kuya Jayce eh." Katulad ng naranasan ko kanina... "Tapos yun! Ang sama niya sa akin! Buti na lang hindi na siya ulit pumunta dito kung hindi lalagyan ko siya ng bawang! " Hala! Para saan yun??
"Bawang?? Bakit naman? Para naman saan yun? "
"Di ba yun yung ginagamit para mamatay yung mga aswang?!" Talaga nga naman! Matalinong bata! Ma-try nga kay Jayce kung minsan!
At yun kung anu-ano pang pinagusapan namin. Nanood pa nga kami ng Disney channel. Favorite daw niya kasi. Haaayy... Sana AXN na lang. As if maiintindihan ng bata.
Bigla na lang bumukas yung pinto. Nagulat naman kamig dalawa ni Kelly. Pambihira! Hindi man lang marunong kumatok?
"Pambihira! Andito lang pala kayo. At ikaw Katrin! Ano ka ba? Iniwan lang kita dun sa lobby tapos nakarating ka na dito! Anong paa ba meron ka? " Sana kahit minsan magtanong siya ng may sense di ba?
Bago pa ako makapagsalita bigla nalang siya tumalon dun sa kama na pinaguupuan namin ni Kelly. Walang manners! Anyway,
"Kuya! Wag ka makulet! Nagugulo yung kama ko! Tsaka hindi tayo kasya! " May point siya dun!
"Ganun ba? Edi kakandungin na lang kita. " Sabi niya kay Kelly. Talagang pagkasyahin??
"Ayoko kasi hindi na ako bata! " Hala! Talagang feeling niya dalaga na siya? Anyway,
"Ganun?? Edi dapat pala bata yung buhatin ko?? Osige si Katrin na lang! " Hala!
"Sira! Bakit ako?? " tanong ko sa kanya. Loko-loko rin 'toh ah!
Tapos lumalapit na siya sa akin. Hala! Kornerin daw ba ako?? Naumpog pa nga ako dun sa headboard eh!
"Ano ba! Wag ka nga ganyan! Bakit ako? Hindi naman ako bata eh! "
Akalain mong ang isagot sa akin, "Kasi... Batang isip ka! " Tapos next thing I know...
*BLAG*
Aray! Ang sakit ng likod ko! Kailangan talagang laging sumasakit yung katawan ko tuwing kasama ko 'toh??
Pagtingala ko naman bigla ko na lang nasampal at naitulak si Jayce! Hala! Brutality! Kasi ba naman nakadagan siya sa akin. In short, HE'S ON TOP OF ME! Si Kelly naman tawa ng tawa. Akalain mong gawin kaming entertainment?
"Aray ko! Manampal daw ba bigla! "
"Eh kasi naman di ba?! Ano bang ginawa mo! " tanong ko sa kanya.
"Nahulog lang naman tayo sa kama. Atras ka kasi ng atras eh! " Isisi daw ba sa akin?!
"Sira ulo! Tignan mo nga pinagtatawanan na tayo nung bata! " Naman!
Naman! Tinignan ko lang siya at tinignan niya lang ako. Pambihira! Dapat pala ang title ng storyang 'toh "Labanan sa titigan!"
Napatingin na lang kami kay Kelly nung sinabi niyang, "Kuya nagugutom na ako! "
"Hoy nagugutom daw! " sigaw ko. Ano ba yan sigaw na ako ng sigaw!
"Tumayo ka na kaya? " tapos tinignan ko lang siya. Para 'tong ewan! Pano ako makakatayo? "Ay sabi ko nga eh!" tapos tumayo na siya. Pambihira. Buti naman nalaman niya di ba?
"Hindi mo man lang ba ako tutulungan? " tanong ko sa kanya. Pano ba naman ako makakatayo ng maayos eh naka semi-formal ako!
"Ayoko! " aba?! Ang sama talaga!
Nagulat na lang ako nung nagsalita si Kelly. " Kuya! Hindi ka gentleman! Dapat tinutulungan ng mga dentleman (gentleman) tumayo yung mga babae. "
Akalain mong sermunan ng bata. Kaya yun binigay niya sa akin yung kamay niya pero nung paghila niya sa akin,
*BLAG*
Ganun ba ako kabigat parra mahulog ulet kami? Ang sakit sa likod Langya! Pagbukas ko ng mata,
He was inches-no! Centimeters away from me kaya after 5 seconds na pagsink-in sa akin nun.
"Aray! Sana dun naman sa kabila para pantay di ba?! Problema mo?!" Kawawa naman...
![](https://img.wattpad.com/cover/2748330-288-k660615.jpg)
BINABASA MO ANG
North Meets South
RomanceLet's do it differently. Two people meet in the right place and the right time. Will it work?