CHAPTER XXV - Di nga?!

5 2 0
                                    


CHAPTER XXV - Di nga?!

"Pasensya nga need to go! May sumpong nanaman yata yung bata. Pakainin ko muna!" sabi k okay Jeff. Grabe talaga si Jayce kapag sinusumpong. Kuna anu-ano nanaman pinagsasa-sabi. Pagpasensyahan...

"Teka Katrin!" tinawag pa ako ni Jeff pero dire-diretso na lang ako.

Hindi ko alam kung anong magnet meron si Jayce pero siya na lang nilapitan ko. Asus! Magka-magnet daw ba?

Sumabay na ako sa kanya paglakad. Ang suplado! Feeling naman niya ang cute niya! Sa bagay... Cute naman siya.

"Akala ko ba maga-arcades ka?"

"Ako?" bingi yata ngayon "sabi ko maga-arcades tayo. Eh since bigla ka na lang ti-nopak at umalis, hindi na tuloy!" At masaya pa talaga akong hindi kami nakapag-laro.

"Akala ko kayong dalawa na lang maga-arcades ni Jeff?" sabi niya sakin habang nakatingin ng diretso. Ang sungit talaga hindi pa rin natingin sa akin. Parang kapagtumingin siya sa akin, mati-tear gas siya! :p

"Sus! As if naman mag-aarcades ako na kasama lang si Jeff!" Tapos tumingin ako sa kanya. Suplado! "Sa tingin mo masayang mag-arcades kapag wala yung nagpapasaya?" ang weird ko ngayon. Kill me now. :p

Tumingin na siya sa akin. ATLAST! Tapos umiwas nanaman ng tingin. Labo talaga nito!

"Kainis ka! Sunget!" sigaw ko sa kanya. Ewan ko. Hindi lang siguro ako sanay na nagsu-sunget itong lalaking ito. (Parang hindi ko pa siya nakikitang nagalit! Oh well?!)

"Hala! Magalit daw ba?!" sabi niya habang na-ubo. Ang lakas kasi ng pagkakasabi ko. Ang kulet ko talaga!

"Correction! Hindi ako nagagalit! Naiinis lang noh! Iba yung level ng galit sa inis. Gets mo? Sabi nga ng experts, ang galit is extreme feeling of anger while ang inis naman is-"

Napatigil na lang ako nung ngumiti siya. Pesteng tao na 'toh! Natawa nanaman sa sinabi ko! Sobrang nagulat ako nung napansin kong...

Nakangiti na rin ako! Waaaaahh!!! WACH HAPPENIN WID MOI!! Tignan mo mali-mali pa spelling ko!

"Ngi-ngiti ngiti..." sabi ko while pouting my lips. Nakakainis ah! OKAY! I officially declare this day as Katrin's inis day. Na may subtitle na 'due to Jayce's tantrums' Di ba? Ang astig! Pangalan pa lang! Mabalik ako,

"Bakit masama bang ngumiti?" Pilosopo Tasyo?! Is that you?! Nakaka-inis talaga yung mga pilosopong tao!

"Bakit?! May sinabi ba akong masama?" Okay pilosopo na ako. I hate myself now! :p

"Sira ka talaga! Uwi na nga tayo!" Tayo? May sarili na ba tayong bahay?! (Inis daw sa Pilosopo ah!)

Tapos nagpunta na kami ng parking lot. Dun sa malapit sa car repair shop. Pambihirang kotse yan oo! Gasgas lang, 1 buwan na indi pa rin tapos at hindi ko pa rin mabaya-bayaran.

Papunta na sana ako sa kotse at sasakay kaya lang, bigla niya hinarang yung pinto tapos sinbihan ba naman ako ng

"Lipat ka! Ako magda-drive" Hala!

"Uy teka! Kotse ko 'toh ah!" Ano nanaman 'toh?

Next thing I know, hinila niya ako palabas (with care naman, kung hindi ika-karate ko siya!) tapos tinulak-tulak (ng medyo mahina lang, kung hindi masasaktan siya!) papunta sa kabilang side. Langya!

"Teka san tayo pupunta?" Siyempre tinanong ko. Who knows baka ipa-kidnap na ako ng taong 'toh dib a? Ang OA ko naman.

"Sa bahay niyo!" Hala! Banned ang guys dun! Anyway, nandun naman si Lola at sobrang natutuwa kay Jayce. Pambihira!

"Tapos?"

"Yun lang!" Ang galing talagang sumagot ng lalaking 'toh! Kaya lagi kaming nagkaka-intindihan.

"Ang gulo mo talagang kausap!"

"Ikaw kaya!" See? Lagi kaming nagakaka-intindihan... NG AWAY! My Gosh!

After 700 years ng pagsasabi naming kung sino ang mas magulo (na obvious naman pareho lang kami!) nakarating na kami sa bahay. Teka maalala ko lang!

"Pano yung kotse mo dun?"

At akalain mong hindi ako sagutin? Lakat talaga ng topak ng lalaking 'toh!

Pagdating namin sa bahay, aba! Todo pasok lang siya hindi man lang ako hintayin. Pambihira! Parang siya yung nakita dun ah hindi ako!

"Ate si Lola?" tanong ko dun sa helper namin.

"Umalis lang sandali. May bibilhin lang yata. Sige upo muna kayong dalawa."

Kaya pala walang umaaligid sa amin na madaldal na matanda este makulit na si Lola. Ang sama ko! Ano bay an! Lakas talaga ng epekto ni Jayce! Anyway,

"Ayaw mong umupo?" Pambihira! Akalain mong umupo talaga! Feelingero talaga 'toh!

Umupo na lang ako dahil good girl ako. O di ba?!

"Sagutin mo kaya." Sabi ko kay Jayce. Nagri-ring kasi yung phone niya at talagang dinedeadma niya lang talaga! Sira-ulo talaga 'toh!

"Ah... Okay. Sandali lang ha!"

Tapos pumunta siya dun sa may sulok. Sulok lang?! Hindi man lang lumabas. Lalaking 'toh talaga oh! Nilahian ni Jake ng pagigging abnormal. Oh anyway,

"Paki ko ba ha! Bahala ka sa buhay mo! BEHLAT!" behlat?!

Tapos bi-nang niya yung phone niya tapos umupo ulit sa tabi ko. At hindi naman masyadong halata na bad trip siya. Naka-kunot lang naman yung noo, naka-crossarms, indi nagsasalita at umuusok yung tenga. Joke lang yun sa huli ah!

"Ano yun?" tanong ko Siyempre curious ako.

"Yun? Sira-ulong ka-sosyo." Ka-sosyo? As in sa business? Pambihira! Mag behlat daw ba?! Ano ba yung business nila moro-moro??

"Bakit anong sabi?"

"Sabi niya magkita daw kami ngayon. Sabi ko hindi ako puwede. Yun! Kung ano na lang yung pinagsisigaw na hindi ko naman maintindihan nung rellenong hapon na yun!" Hala! Ginawa daw bang ulam?

"Hala!" tapos binatukan ko siya. Wow! Why do I feel happy whenever I hit this man? Haha! Napaka-refreshing kapag nasasaktan ko 'toh ng pisikal?! Haha!

"Problema mo?! Ang sakit nun ah!" sabi niya habang hini-himas himas pa yung ulo niya. Ang cute ah!

"Sira-ulo ka kasi! Mga lahi niyo talaga abnormal! Business yun! Bakit hindi ka pumunta. Para maging worth it naman yung time mo ngayon. Anong gagawin mo dito sa amin?! Mangugulo lang sa akin? Edi sana kumikita ka na ng pera ngayon?!" wala talagang common sense! Gosh!

"Wala akong pakialam." At ngayon naman seryoso siya? Mood talaga ng taong 'toh! Waaah! Maloloka ka talaga pagkasama! "Sa tingin mo ba hindi worth it yung time ko dito? Hindi worth it na kasama ka?" tapos tumingin siya sa akin. The eyes man! Wala namang tinginan ng ganyan. Seryoso siya talaga!

"Uhm.. E-ewan ko sayo!" sabi ko sa kanya.

At lumipas ang 5 minutes na nakatingin pa rin siya sa akin.

"Naubos na yata yung battery mo! Gusto mo susian kita?!" stationary lang siya. Nakakatakot na ah! Parang robot na bigla... na... lang...... na...... low.... Bat.......

"Ewan ko sayo nakakatanga ka kausap!" hala! Ako pa daw?! Gusto niya masaktan?!

"May tuliling ka na talaga..."

"Ano?!"

"Sabi ko sira ka!" sigaw ko sa kanya habang kinukuha yung chordless phone dun sa may side table.

"Ano?!"

Mat topak na talaga 'toh! "Sabi ko..." sigaw ko sa kanya sabay tingin "MAY TOPAK KA!"

"Pwedeng lumayo ka? Masyadong malapit."

"Ayoko!" At talagang lumapit ba! Waaah! May phobia ako sa physical contact sa lalaki! Ang labo ko talaga!

"Sinabi nang-"

"Ayoko nga!" HELP!

At bigla kaming nahulog sa floor nung biglang bumukas yung pinto at may babaeng sumigaw ng...

"AYOKO NA! KATRIN! MAHIHIWALAY NA KAMI NI JAKE!"

North Meets SouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon